Kabanata 30

3.7K 72 10
                                    

Ilang sandali lamang ay may kumatok sa pintuan. Iniluwa nito ang mayordoma ng aming bahay.

"Ma'am, si sir Bernard ho nandito. Ikaw daw po ang sadya." Sabi nito.

Napatingin naman ako sa aking anak na hindi pa naghihilamos =___=
bakas sa kaniyang mukha ang tuwa at biglang tumakbo papunta sa sala. Ako naman itong sinundan si batang masunurin.

"Tito!!!!" salubong nito at kaagad na nagpakarga.

"Sam! Ang dumi-dumi mo o. Bernard, ibaba mo siya." Utos ko.

"No, it's fine. May damit ako dito sa bahay ni tita Amalia. I usually sleep here noong buhay pa si papa." Sabi niya at nangiti sa akin.

"Uh, ok."

"Tito! I want to show you my plants. Tara!" aya ni Sam sa kaniya.

Tumalikod naman ako at akmang babalik sa study room ni mama nang magsalita si Bernard.

"Sa susunod na lang, Sam. Usap muna kami ni mommy mo. Maligo ka na rin, ok?" sabi ni Bernard.

Haaays! Nagkunware na lamang ako na walang narinig. Nagtuloy-tuloy ako sa study room. Umupo ako sa mini sofa na parang wala lang.
Lingid pala sa aking kaalaman ay nakasunod si Bernard sa akin.

"ano, nag-away kayo?" panimula niya.

Bumaba naman ang aking balikat. Ano ngayon? Pangangaralan niya ako? Ano, bibilugin niya ulo ko para hiwalayan ko siya?

"I told you many times. I love you, mahal kita. Ako na lang ulit, hindi ka na masasaktan." Sabi niya at randam ko ang paglapit niya sa aking likod.

"Umpisa pa lang 'to, kailangan lang naming magpalamig. Hindi porket nagka roon kami ng problema ay kaagad ko ng isusuko ang relasyon namin." Sagot ko saka na humarap sa kaniya.

"Bakit noong tayo? Bakit ka kaagad sumuko? 'yung totoo, minahal mo ba talaga ako?"

Napapikit naman ako ng mariin.
"Pumunta ka ba rito upang ungkatin ang nakaraan natin? Ano ba, Bernard! Matagal na 'yung tapos! Move on! May sarili na tayong buhay ngayon."

"'yun na nga e! I can't move on hanggat may alam akong paraan para makuha kang muli! Mahirap pang sabihin sa'yo ngayon dahil alam kong hindi mo ako paniniwalaan."

Napapaisip talaga ako sa mga sinasabi niya sa akin. Para bang lahat na lang ng lalabas sa kaniyang bibig ay may kahulugan. Para bang kahit na simpleng salita lamang iyon pero lumalabas na isa iyong malaking bugtong na hindi ko masagot sagot.

"I can't understand you! Tumigil ka na lang. may anak na kami at lahat, alam kong kaagad ding mareresolbahan ito. We.. we.."

Shit, bakit hindi ko ba mabanggit na 'we love each other.'

"What? You and AJ are so in love? Who cares? I don't care! Sana na lang talaga, ako na lang ang ama ni Sam. Para may malaking rason para ako ang balikan mo."

Natahimik ako. Nablangko ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Nararandaman kaya niyang anak niya si Sam?

"gagawin ko ang lahat. I am not the one who's destroying your family. Si Anthon iyon kung alam mo lang." dagdag niya at unti-unting lumiliit an gaming distansy.

"tanggapin mo na lang na..—"

"Hinding hindi ko matatanggap." Putol niya sa akin.
"I love you very much. Wala akong pakealam kahit na may anak pa kayo ng gagong 'yun. Kayang kaya kong akuin si Sam. Kayang kaya ko siyang ituring na tunay na anak." pagpapatuloy niya.

Tunay mo siyang anak.

Ayoko. Ayokong sabihin sa kaniya. Dahil sa oras na malaman niya iyon, lalo lang gugulo ang sitwasyon namin ng asawa ko at ni Bernard.
Natatakot ako na bigla na lang idala niya sa korte ang usapan at kunin niya sa akin ang aking anak.

"Give me another chance. Sa ikalawa kong pagkakataon, ipapakita ko sa'yo kung ano ang tunay na pagmamahal. Maniwala ka." Sabi niya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Hindi pwede." Sagot ko at binawi ang aking kamay.

"Pwede. Pwedeng pwede."

Umiling ako at tinalikuran siya. Marahan kong hinahaplos ang aking braso, napepressure ako.

"we will have a good life I promise. Mas maganda pa sa buhay mo ngayon kasama si Anthon.

"No, Bernard! When I say NO! it means NO!" sabi ko na diniinan ang salitang 'No'

"Yes, Bianca. Just believe in me. Listen to me. Lahat ipapakita ko sa'yo, ipaparandam ko at ibibigay ko. Maniwala ka, you'll realize that you need me when the time comes. Kapag nalaman mo na kung ano ang totoo."

Humarap na ako sa kaniya.
"Ano ba talaga ang alam mo? bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito?"

"Kapag ba sinabi ko sa'yo ang nalalaman ko, when I say be mine, you'll answer me yes?" nakangiti niyang tanong.

Inikutan ko siya ng mata.
"NO!"

"Edi no din. Its for you to find out." Sabi niya na hindi parin nawawala ang ngiti niya sa kaniyang labi.

"Umalis ka na kung ganoon. Wala akong mapapala sa pakikipag usap sa'yo. Huwag ka ng magpapakita sa akin, please. Wala ka ring mapapala sa pangungulit mo sa akin." Sabi ko at lumabas na ng study room.

Pababa ako ng hagdan nang sumigaw siya bigla.

"Wether you like it or not, by hook or by crook you'll be mine!"

Nahinto ako sa aking paglalakad. Saktong dumating ang isang katulong ng bahay habang karga si Sam na bagong ligo.

"Mommy! Tito Bernard!" siya naman itong nagpabitaw.
"What are you talking about po? What is by hook or by cook? 'yung sa Peter Pan po ba 'yun? Si captain hook? And then, he will cook po?" tanong ni Sam nang makalapit siya sa amin.

"Oo Sam, tapos si tito Bernard is going out na. uuwi na siya." Sabi ko rito at inayang umakyat muli sa taas.

"No! mamaya siya uuwi!" suway ni Sam at tumakbo palapit kay Bernard.

"You heard your son. Mamaya daw ako uuwi." Si Bernard na may mapanlokong ngiti.

"Ako ang masusunod. Uuwi na siya Sam." Ako naman itong pikon na pikon na.

"NOOOOOOOOOOOOO!" – sam

Nayukom ko ang aking kamao at tiningnan si Bernard na kanina pa nambubwisit sa mga pa-ngiti ngiti niya.

"Bahala kayo." Sabi ko na lamang pumasok ng muli sa study room.

Bakit ba kasi napaka tagal malinisan 'yung kwarto? Kapag doon ako nagstay sa baba kasama ng dalaang 'yun, panigurado bubuksan at bubuksan padin ni Bernard ang issue sa aming dalawa kahit na nakaharap si Sam.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Where stories live. Discover now