Kabanata 38

3.3K 52 0
                                    


Pagkatapos ng what-so-called surprise ni AJ, hindi na ako naka imik nang isama na niya kami pauwi sa aming bahay.

"Mommy, paano na po si da..—"

Agad ko namang tinakpan ang kaniyang bibig. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tenga.
"Secret lang natin si daddy Bernard ha? Shh ka lang." bulong ko.

Ngumiti naman siya at tumango.
lumapit naman sa amin si AJ at lumuhod din kay Sam upang magkakalebel lebel kami.

"Ano 'yan ha? Ano 'yang secret niyo?" tanong niya sa amin habang nakangiti kami.

"Secret nga po, daddy e." sagot naman ni Sam.

Hindi naman na sumagot si AJ at niyakap kaming dalawa ni Sam.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon.

Nang maggagabi na, si AJ ay nasa kwarto na namin. Samantalang ako ay nasa kwarto ni Sam.

"Mommy, paano po si daddy Bernard? Hahanapin niya tayo kapag 'di tayo umuwi dun sa bahay ni mamita." Sabi ni Sam habang siya'y aking hinahaplos sa buhok.

"shh, ok lang 'yun sa kaniya. Sleep ka na ok?" sabi ko at hinalikan na ang kaniyang noo.

Maya-maya lamang ay nakatulog na rin siya.
Pagpasok ko sa kwarto nami'y siyang labas ni AJ mula sa CR. Ngumiti siya sa akin nilapitan ako.

"Natutulog na ba si Sam?" tanong niya sa akin hinalikan ako sa pisngi.

"Uh, oo." Sagot ko saka na nagtungo sa kama namin.

Nakatowel pa din siya sa ulo at nakatapis pa ang isang twalya sa kaniyang baywang nang umupo siya sa gilid ng kama namin.

"Hindi mo ba ako namiss?" tanong nito sa akin.

Napa angat naman ako ng tingin sa kaniya.
"H-ha? Syempre, n-namiss kita."

"Bakit sa tono ng pananalita mo, parang hindi naman." Sabi niya at hinapit ako sa bewang.

"Ano bang pinagsasabi mo." sabi ko naman at huminga ng malalim.
"Matulog na tayo." Pagkasabi ko nun ay inialis ko na ang kaniyang kamay sa aking bewang at humiga na.

"Good night. Wala ba akong kiss?"

Hindi ko alam kung bakit napa ngiti ako ng... PILIT.
Bumangon akong muli at mabilis na hinalikan siya sa pisngi.

Kinabukasan ay sabado. Walang pasok si Sam, ibig sabihin kaming dalawa ang maiiwan sa bahay.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nasilayan si AJ na nasa aking tabi at tila kanina pa nakatitig sa akin.

"Hindi ako papasok. 'yung cell phone mo pala nasa drawer natin." Sabi niya nang mawala na ang antok sa aking mga mata.

Wala naman akong naisagot kundi tango lamang.

"Mommy! Daddy! Let's go out poooooo!" si Sam na tumalon talon pa sa aming kama.

"Mommy, narinig mo 'yun? Let's go out daw. Bangon ka na at magbihis ka na. dali." Sabi ni AJ at niyugyog pa ako.

Pumayag naman na akong lumabas kami kahit labag sa aking loob.
Hindi ko alam.parang, mula noong sabihin sa akin ni Bernard ang tungkol kay AJ at Cesca ay nawalan ako ng gana sa asawa ko.

"Hindi pa naman niya napapatunayan iyon. Kung totoo nga." Bulong ko sa aking sarili hbng pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana.

"Ano 'yon, hon?" tanong ni AJ.

"H-ha? Naku, wala. Mag fous ka na lang sa dinidrive mo." sabi ko sa kaniya at nginitian siya.

Nakarating kami sa isang mini park. May play ground doon at maganda ang view.

"Mommy! Maglalaro po ako doon ha!" si Sam na excited pumunta sa playground.
Ni hindi na nga niya kami hinintay um-oo e, tumakbo na siya palayo sa amin.

Magkatabi kami ni AJ ngayon sa isang bench.
Walang imikan, kanina pa.

"Bakit napaka tahimik mo ngayon?" tanong niya sa akin.

Saglit ko siyang tinapunan ng tingin at bahagyang tumawa.
"Wala lang. Antok lang siguro 'to." sagot ko.

"Alam mo ba kung bakit alam ko na pumasok na si Sam at kinidnap ko pa ang sarili nating anak?" pag-iiba niya.

Tumingin naman ako sa kaniya at naghihintay ng sagot.

"I told his teacher na kontakin niya ako once na pumasok na si Sam. So, I grabbed the opportunity. Pasensya ka na at nag-alala ka pa sa anak natin." Pagpapatuloy niya.

Nginitian ko naman siya.
"Ok lang 'yun. I understand."

Inakbayan naman niya ako. Ngunit, sumagi sa aking isip iyong in-open ni Bernard sa akin.

"Uh, AJ.." tawag ko rito.
Liningunan naman niya ako kaagad.
"Do you really love me?" tanong ko.

"of course I do." Mabilis niyang sagot.

"Wala ka bang gustong ipagtapat sa akin?" I asked.

Mabagal siyang umiling.
"W-wala naman. Why?"

"Ah, wala. Silly me." Sabi ko na lamang at umiwas ng tingin.

"Kung iniisip mong may iba ako, nagkakamali ka. You are my one and only love of my life."

Sa bawat salitang kaniyang binanggit, wala man lang akong naramdamang espesyal. Hindi tulad noong sinabi sa akin ni Bernard ang nararamdaman niya, kakaiba.
Arrrgh! Ano ba, Bianca! Tigilan mo na ang kakaisip sa kaniya.

"What's bothering you?" tanong niya sa akin.

"Wala naman. Kalimutan mo na. Gutom lang 'to." sabi ko.

"Kakakain mo lang ng breakfast. Wala pa ngang isang oras 'yu gutom ka na kaagad?"

Nagkamot naman ako ng ulo. Haaay! Wala na akong naisagot pa kundi ngiti na lamang.
naguguluhan lamang ako sa ngayon. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko.

"Mommmmmyyy!"

Naalarma naman ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Sam ng malakas.
Hinanap kaagad ng mga mata ko ang aking anak.

"Sam!" tumayo si AJ at tumakbo palapit sa swing.

Nasa sahig si Sam at iniinda ang kaniyang siko.
Madali akong lumapit sa kaniya.

"Anong nangyari? What happened, Sam?" tanong ko.

"Kasi po, nakatayo siyang nagswing. Nahulog tuloy." Sabi nung batang madungis.

"Get out, kid." Sabi ni AJ at bahagyang tinulak ito.

"AJ! bata lang iyan." Suway ko.

"Asikasuhin mo si Sam. Hayaan mo na 'yan."

Hindi ko alam kung anong klaseng merong ugali itong si AJ.
Dumukot na lamang ako ng barya sa aking bulsa at ibinigay doon sa bata.

"Sige neng, bili ka na lang ng cotton candy mo." sabi ko then I tap her head.

"Salamat po."

"Hindi mo dapat binigyan ng pera 'yung bata. Masasanay sila kapag ganun. Imbis na sa mga magulang nila sila humingi e natututo silang mamalimos." Si AJ na tonong nanenermon.

"Wow, para namang ako ang dahilan kung bakit maraming batang namamalimos now a days a?" sarcastic ko naman sabi.

"Stop na po, mommy daddy! My hand is aching, and my ankle too." Sabi ni Sam na todo simangot.

Kinarga naman ni AJ si Sam at isinakay sa kotse.

"Idalanatin siya sa clinic. Baka, napilayan itong baby boy namin." Sabi ni AJ atpinaharurot na ang kaniyang sasakyan.    

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Where stories live. Discover now