Kabanata 8

4.4K 84 14
                                    

"Answer it."

Tumayo ako na hawak-hawak ang aking cell phone at lumayo ng kaunti sa kaniya bago ito sinagot. Tumatawag naman ngayon iyong unregistered number.

"Sino to?" kaagad kong tanong sagutin ko iyon.

"I missed you, Bianca."

Para bang nabulunan ako nang marinig ko ang kaniyang boses. Nakainom yata ang lalakeng ito. Oo, si Bernard ho itong tumawag. But, how does he know my number? Tanging si Cesca, AJ at Jas lang naman ang nakakaalam sa aking cell number.

"I'm sorry, but I think you dialed a wrong number. Bye." Sabi ko kaagad at pinatay na ang tawag.

Kakaupo ko palang sa kama nang mag vibrate nanaman ang aking cell. Labag man sa aking loob pero, tiningnan ko parin iyon.

'Let's meet. Kahit saan, kahita kailan. Ikaw ang bahala. I want to talk to you. Please.'

I swallowed the lump in my neck. Napaka bilis ng tibok ng aking puso. Ano nanaman bang trip ng lalaking 'to?!

"Sino 'yan?" kunot noong tanong ni AJ.

"Ah, wrong number. Saan na nga ba tayo?" tanong ko.

"Sleep." Maikli niyang sagot.

Binigyan ko siya ng isang makahulugang tingin.

Sleep?

"What do you mean, sleep?" pangka-klaro ko.

"Matulog na tayo, maaga pa ako bukas. Kung gusto mo, patulugin mo na rin si Sam ngayon dito para hindi na siya manggigising mamayang madaling araw."

I know he's mad. What should I do? Kasalanan ko bang may tumawag? Hindi naman ah. Kasalanan iyon ng pesteng si Bernard! Buwisit!

Nakatalikod si AJ ngayon sa akin habang nakahiga. Niyakap ko naman siya from his back.

Hindi man lang siya humarap para yakapin ako, nagstay siya sa ganoong posisyon.

Sana paggising ko bukas, masaya na ang aura niya.

--

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha.

Narinig ko ang buhos ng shower mula sa loob ng C.R ng aming kwarto.

Si AJ siguro ay naliligo na.

"Mommy! Natulog ako mag-isa sa room ko!" masiglang sabi ng aking anak at tumabi sa aking tabi sa higaan.

Maya-maya'y lumabas si AJ mula sa CR. Kaagad itong humarap sa salamin at isinuot ang kaniyang pants. Galit kaya siya sa akin? Tumayo ako at niyakap siya mula sa kaniyang likod.

"Are you mad at me?" tanong ko.

"No, why would I?" balik tanong naman niya sa akin.

Ipinatong ko naman ang aking baba sa kaniyang balikat. Hinigpitan ko din ang yakap ko sa kaniya.

"Iww mommy! You're raping daddy!" singit naman nitong malisyoso naming anak.

Nagulat naman ako sa sinabi ng aking anak kaya napahiwalay ako sa pagkakayakap saaking asawa.

"At saan mo naman nalalaman iyang word na 'yan? Have you seen someone being raped?" tanong ko at nakapamewang na ngayon sa kaniyang harapan.

Umiling naman ito. Ikinagulat ko naman ang paghawak ni AJ sa aking bewang.

"Sam, baba na and get your things. Ako na maghahatid sa'yo sa school." sabi niya at nang makalabas ang aming anak ay iniharap niya ako sakaniya.

"Ok naman tayo, hindi ako galit ok? Magbreakfast ka sa resto, hihintayin kita doon." Sabi niya sa akin at humalik na sa aking pisngi.

Kaagad na akong nag ayos pagkaalis nila upang hindi ako abutan ng traffic. Ngunit wala rin akong nagawa and here I am stucked.

Halos lunch na nang makarating ako sa restaurant, kaya pagdating ko doon ay isa-isa ang bati ng mga empleyado ng asawa ko saakin.

"Si AJ?" tanong ko doon sa babae.

"Ah, nasa kusina po. Kanina pa po siya busy sa pagluluto." Sagot nito sa akin.

Hindi na ako nagtaka na busy siya dahil napakaraming costumer ngayon. Siguro'y dahil oras na rin ng tanghalian.

Mula sa aking kinatatayuan, naaaninag ko ang isang napaka pamilyar na babae sa counter. Anong ginagawa nito dito?

"Hoy, Cesca!" tawag ko.

Nagulat pa siya sa pagtawag ko sa kaniya. Pagkaharap niya'y bigla siyang namutla.

"Nandito ka pala. Hindi ba dineliver ng asawa ko 'yung lunch mo?" tanong ko.

"A-ah, oo e. Kaya ako na ang kukuha, buti naparito ka?" tanong din niya.

"Dapat kanina pa nga ako nandito e, inabutan lang ng traffic." Sagot ko.

Tumango-tango naman siya.

Ilang saglit lamang ay nakita ko na ang paglabas ni AJ galing sa loob, may dala itong paper bag na may tatak ng pangalan ng kaniyang restaurant.

Mukhang hindi niya ako napansin.

"Pasensya na, ngayon lang lunch mo. Special 'yan." Sabi pa niya at ngumiti sa aking kaibigan.

"Salamat, AJ ha. Paano mauna na ako." – cesca.

"Mag-iingat ka." Sabi ko.

Tila nagulat din ang isa sa aking presensya. Kagulat-gulat ba ang pagdating ko?

"Nandito ka na pala, wala ka man lang pasabi." sabi niya at nagpunas pa ng kamay sa kaniyang apron. "Halika na dito." Sabi niya at hinatak na ako sa isang vacant table.

"Busy ka daw e, sakto namang nakita ko si Cesca doon sa may counter kaya hindi na kita pinatawag. Mabuti naman at special 'yung lunch niya, ang laki pa naman ng utang na loob ko dun sa babaeng 'yun." Sabi ko.

"Ehh, syempre, kaibigan ko na rin siya, kahit papaano siya ang tumulong saakin para makuha ko iyang matamis mong oo." sabi niya at ngumiti pa.

"Nga pala, hindi ako uuwi ng maaga mamaya. Magiinbertaryo kami kaya baka malate ako ng uwi." Sabi naman niya at sumandal.

"Ah. Sige, paano diretso na lang kami sa fast food or dito parin for dinner?" tanong ko.

"Dito parin. Nga pala, anong gusto mong kainin? Hindi ka man lang nagbreak fast." Dagdag pa niya at tumayo na.

"Kahit ano, masarap naman lahat ng luto mo." sagot ko at nginitian siya.

Dali-dali naman siyang pumasok sa kusina nila. Ilang minuto din akong naghihintay sa pagkaing iseserve nila. Buti na lang nang maramdaman ko na ang gutom ay saktong dumating na ang aking pagkain.

Hindi ko man lang nakausap ng matagal si AJ. Lagi siyang nandoon sa loob at naiintindihan ko naman kung ano ang pinagkaka-abalahan niya. Kaya, ok lang sa akin kahit na mag-isa lamang ako na naka upo sa table.

Tatayo na sana ako upang magpaalam nang magvibrate ang aking phone.

Nang i-open ko iyon ay ginapang nanaman ako ng kaba sa dibdib.

'Please, answer me. Magkita tayo, mag-usap tayo. I need to talk to you, Bianca.'

Ano pa ang kailangan naming pag-usapan? Wala na, diba?

Aalisin ko na sana ang sim card ko nang mag vibrate itong muli.

'This is an important matter, Bianca. Let's meet. Please! I'm begging you.'

Umupo akong muli at pinag-isipan kung rereplyan ko ba siya o tuluyan ko ng aalisin ang aking sim card.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Where stories live. Discover now