Kabanata 23

3.7K 59 0
                                    

Tumayo na ako at hinalikan ang noo ni Sam.
Naunang nag lakad si AJ papasok ng aming kwarto kaya sinundan ko ito.
Kakapasok ko pa lamang ay kaagad niyang inumpisahan sa pag-uusisa ang usapan namin.

"Um-oo ka sa bata. So, you're able to see Bernard tomorrow. Anak niya ba iyong Miley na 'yun?" tanong ni AJ.

"Pamangkin siya ni B-bernard." Mautal-utal ko pang banggitin ang kaniyang pangalan.
"Um-oo ako sa bata para mapatawad niya ako. And he has a point, pupunta si Sam doon to give an apology to his classmate. At dahil kasalanan ko ngang kung bakit hindi nag perform ang anak ko, pinagbigyan ko siya."

"But..—"

"Don't you trust me?" putol ko sa kaniya.

Marahas siyang napabuga ng isang malalim na hininga.
"I trust you. But I don't trust Bernard."

Umupo siya sa gilid ng aming kama. Tumabi ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.
"I love..." hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang bigla kong maalala ang nakangiting mukha ni Bernard. Kaya umiling ako upang mabalik sa katotohanan.

"I love you and our son." Mabilis kong sabi.

"I'm just afraid nab aka one day, malaman ni Bernard na siya pala ang totoong ama tapos, kukunin niya si Sam sa atin and then next ay ikaw na." sabi niya at tumayo.

"Why are you thinking like that? Hindi iyon mangyayari..—"

"Hindi iyon mangyayari kung may sarili na tayong anak. We're already married for three freakin' years. Pero hanggang ngayon ay wala parin tayong anak." sabi nito at mataman akong tinititigan.

"Hindi naman natin masasabing may diperensya tayo kasi you already gave a birth and I...– ugh, and I already took a medical. Mismong si Francesca ay alam iyon." Pagpapatuloy niya at tinanaw ang bintana.

"And by the way, ang kaibigan mo ang tumayong ina kanina sa anak mo. She's with us. Pinatahan niya ang anak mo noong umiiyak siya." Dagdag pa nito.

"Now what? Do I owe her a thank you? Pag-uusapan nanaman ba natin 'yung tungkol kanina? At saka how come nandoon siya?" usisa ko.

"Tinaagan ako ng teacher ni Sam. Sakto nandoon si Francesca sa resto. Kaya, nag presinta na siyang umantabay sa anak mo habang wala ka." Sagot ni AJ.

Napa irap naman ako. Fine, fine. Siya na nag save ng araw ng anak ko =___=
Tumayo na ako at kinuha ang aking damit pantulog.

"Where are you going?" sita niya sa akin.

"Obviously, sa C.R. mag shoshower ako. Kung sa palagay mo ay aalis ako, pwes hindi. Saan ka ba nakakita na aalis ng bahay nang naka pantulog? Hindi ako tulad mo, nagwawalk out when we are arguing." Sabi ko then I slam the C.R's door.

Pagkatapos niyang mag shower din ay natulog na kami.
mahaba-haba na ang tulog ni AJ samantalang ako ay mulat na mulat parin ang mata.
Maya-maya ay nag vibrate ang aking cell phone. Bernard.

"It was fun to be ith you again. Hope you enjoy the day too. Thank you."

Umayos naman ako ng higa at pinindot ang reply button.

"Thank you din."

Wala na akong iba pang masabi kundi iyon lamang.
ilang segundo lamang ay naka tanggap na ako ng mensahe mula sa kaniya.

"Sana makasama pa ulit kita. J"

Naalala ko na bukas ay bibisita kami sa kanila.
Kaya, sasabihin ko na. baka, wala kaming abutan sa bahay niya.

"Nga pala, nag-aya si Sam na pumunta sa inyo tomorrow. Since walang pasok, pumayag na ako at para na rin makabawi sa anak ko. lam mo na."

--

Bernard's POV

"Nga pala, nag-aya si Sam na pumunta sa inyo tomorrow. Since walang pasok, pumayag na ako at para na rin makabawi sa anak ko. lam mo na."

Kaagad akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya.
Kaya minamadali ko rin ang sarili ko na magtype at mag-isip ng sasabihin sa kaniya dahil baka matulugan niya ako.

"ok. Copy. J"

Madali kong idinial ang numero ni Marco.
My male secretary slash body guard na rin. Wala lang, mag mula noong naghiwalay kami ni Bianca ay hindi na ako nag hire ng babaeng sekretarya.

"Sir?"

"Nagising ba kita? This is urgent."

"Hindi po sir. Ano ho ba iyon?" tanong nito.

"Cancel my meetings and appointments tomorrow. Ok?" I command.

"Pero sir, big investors po ang haharapin ninyo bukas..—"

Hindi ko na siya pinatapos pa.
"I don't care. Cancel them, naiintindihan mo?" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Sinarado ko ang aking laptop at lumabas ng aking kwarto.
Kinatok ko ang kwarto ni Miley at pinagbuksan naman niya ako kaagad.

"Did I wake you up? Natutulog ka na ba?" tanong ko rito.

"Not yet." Sagot naman nito sa akin.

"Hindi tayo matutuloy sa EK tomorrow." Sabi ko.
"But.." kaagad ko naman itong binawi.
"You will surely enjoy tomorrow. Kasi, bibisita dito sina Sam."

Nag make face naman siya.
"I'd rather go to EK."

"Bakit? Bati naman kayo ni Sam kanina ah."

"Yah. Pero, he left me standing on the stage."

Napa buntong hininga naman ako.
"Ok lang 'yan. Malay mo, babawi siya sa'yo bukas diba? Sige na, matulog ka na." sabi ko at tinap ang kaniyang ulo.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay ibinagsak ko ang sarili ko sa aking kama.
Shit, mukhang di ata ako makakatulog sa sobrang excited.
Ni hindi ko nga alam na napapangiti na pala ako.

--

Kinabukasan ay pinapunta ko ang mga katulong sa mansion.
Ano bang alam ko sa pagluluti? Wala.

"Fiesta ba tito?" – Miley

"Hindi. Ikaw talagang bata ka. Maligo ka na nga." Sabi ko at ginulo ang kaniyang buhok.

Pagkatapos nilang magluto ay pinabalik ko na sila.
Mag tatanghalian na lang wala pa sila.

"What's wrong with you tito?" tanong naman ni Miley sa akin.

"Huh? Wala naman, naligo ka na ba? Baho mo parin." Asar ko naman sa kaniya.

Bigla ba naman daw akong irapan.
"Tito, baka sariling amoy lang 'yan." Sabi niya at umupo na doon sa sofa.

Naligo naman ako ng maaga ha. 'yung talagang batang 'yun!
Kaag kasama niya si Sam parang anghel sa sobrang bait. Samantalang pag ako, minamaldita ako.

Ilang sandali lamang ay may nag door bell.
Dali-dali akong lumabas at nadatnan si...

"Jas? What are you doing here?" salubong ko.

"Nothing. Nagtaka lang ako kung bakit wala 'yung ibang mga maid sa bahay. Sabi ng iba, may handaan ka daw. Hindi ako invited?"

Napa iling naman ako.
"Walang okasyon. It's just..."

Napatigil ako nang makita kong huminto na ang sasakyan ni Bianca.
Kaya, itong si Jasmine ay sinunda ang aking tingin.

"Ate?" – Jas.

"J-jas... w-what are you doing here?" tanong naman ni Bianca.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Where stories live. Discover now