Kabanata 29

3.9K 80 31
                                    

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Agad akong nagtungo sa aming kwarto. Hindi kalakihan ang bag na aking kinuha. Doon ko isinilid ang mga mahahalagang gamit at aking damit

"What do you think are you doing?!" singhal niya sa akin at inagaw ang bag na aking hawak.

"I can't take this anymore, AJ." sagot ko at ako naman itong umagaw sa aking bag mula sa kaniya.

"You're not going anywhere, ok? I'm sorry." Sabi niya.

Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng kwarto. Si Sam naman ay saktong lumabas sa kaniyang kwarto. Walang ano-ano ko siyang hinatak palabas ng bahay.

"Bianca! Mag-usap muna tayo ano ba!" sigaw ni AJ na sinundan kami hanggang sa garahe ng aming sasakyan.

"Umayos ka muna, AJ!" sigaw ko din saka na sumakay sa aking kotse kasama ng aking anak.

Mula sa side mirror ng aking sasakyan ay tanaw ko si AJ na sinabunot ang kaniyang sarli.

"Mommy, where are we going po?" si Sam na umiiyak na rin pala.
Hindi ko man lang namalayan.

"Pupunta tayo sa house ni lola. Doon muna tayo. Kasi, si daddy stubborn e." naiiyak kong pahayag.

"hindi na po kayo ok ni daddy? Hindi na po natin makakasama si daddy? Wala na po ba akong daddy niyan?"

Inihinto ko ang aking sasakyan sa tabi ng kalsada. Sam's seeing me crying, and I don't like it. Pero, anong magagawa ko? kusa na itong bumababa sa aking mga mata.

Pagdating namin sa bahay ni mama, nadatnan ko doon ay ang mga taga pangalaga ng bahay. Pagbaba naman namin ni Sam sa aking kotse ay sinalubong kami ng iilang katulong doon.

"Ma'am, hindi po kayo nagsabi na darating po pala kayo. Hindi man lang kami nakapag linis." Sabi ng mayordoma ng bahay.

"Ok lang naman, ate ising. Palinis na lamang po ng kwarto ni mama sa taas. Doon na lang kami matutulog." Sabi ko at pumasok na.

"Mommy, hanggang kailan po tayo dito?" tanong ni Sam.

Lumuhod naman ako sa kaniyang harapan upang kami'y maging magkalebel.
"Hindi pa alam ni mommy. Basta, you have to be good boy. Pasensya ka na, hindi ka nakapasok ngayon sa school." Sabi ko.

"Miley will surely look for me." Sabi niya at sumimangot.

Hindi naman na ako nakasagot sa sinabi niya. Umupo ako sa sofa at kinalkal ang aking bag. Shit! My phone. Na kay AJ pala.
Tumayo na ako at nagtungo sa study room ni mama. Ang alam ko ay iniwan niya doon ang kaniyang laptop bago siya lumapad patungong New Jersey.

Kaagad hinagilap ng aking mga mata ang icon ng sikat na internet media na ginagamit upang maka-usap ang mga mahal sa buhay mula sa malayo.
Nakita ko ang green light sa gilid ng pangalan ni mama.

*BiancaJericho – requesting video call*

Kaagad naman iyong inaccept ng aking ina.

"Oh, anak? Nasa bahay ka ba?"

"Uh? Yah. How did you know?" tanong ko.

"Ano ba, anak. kabisado ko ang bawat sulok ng aking study room." Sagot ni mama na natatawa pa.

Napa 'Ahh' naman ako.

"Buti nandiyan ka? Kasama mo ba ang apo ko?" tanong naman niya.

"Si sam nasa labas. Dito muna kami magstay ni Sam, mama." Malamig kong saad.

"Si AJ?"

Hindi naman ako kaagad naka kibo nang dahil sa pagbanggit niya kay AJ.
Sa itsura ni mama ngayon, alam ko na na alam na niya kung bakit kami nandito ngayon.

"Nag-away kayo? Why? Ang alam ko'y hindi kayo nagkakagalit ng asawa mo." sabi ni mama.

"'yun na nga po, ma. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Unti-unti siyang nagiging malamig sa akin." Sagot ko.

Ikinwento ko kay mama kung ano ang puno't dulo nito pati na rin ang pinagseselosan niyang si Bernard. Nagulat pa nga si mama nang malaman niyang ilang ulit kaming nagkita ng lalaking iyon. Pero, naexplain ko naman lahat sa kaniya at nangako ako na hindi na mauulit iyon.

"Paano, pahinga na ako. galing akong trabaho e. ika din, kapag nakipag ayos ang asawa mo sa'yo, makipag ayos ka. Ikaw na rin ang may sabi na ayaw mong mawalan ng tumatayong ama si Sam." Habilin ni mama.

"Opo ma. Sobrang late na, sorry kung naistorbo kita."

Pagkatapos naming magpaalaman, ay sinarado ko na ang laptop. Nagulat naman ako nang bumungad si Sam sa aking harapan. Para bang nasa isa siyang Japanese / korean horror movie.

Ang dusing dusing niya!

"Saan ka galing? Bakit ganiyan ang itsura mo?" tanong ko.

"I saw flowers po kasi. Maybe hindi po sila nadidiligan beause they are really dry po. That is why I tried to replant them tas dinilig na rin po." Sabi ni Sam na ngiting-ngiti pa.

Parang kanina lang ay umiiyak ang aking anak. Tingnan niyo ngayon, nakikita ko na siyang naka ngiti. Ang sarap talaga sa pakiramdam na makita mo 'yung anak mo na hindi nahihirapan.

"sana makita minsan ni tito Bernard 'yung work ko."

Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi.

"Bakit si tito Bernard pa? Ayaw mo rin bang ipakita kay daddy?" tanong ko naman.

"Daddy is bad po kase. He made you cry, and I don't like it. Buti pa si tito Bernard. He told me na everytime you are sad po he's always there lang daw pos sa inyo. Sabi pa nga po niya I will call him if something happen po."

Hindi naman na ako nag-isip na tataagan niya 'yun dahil wala naman itong cell phone at ni hindi niya alam pakealaman ang isang cell phone. Isa pa, wala siyang number nito.

"That's why po I called him." Pagpapatuloy niya.

"Hmm, niloloko mo naman si mommy e. ikaw talaga." Sabi ko at ginulo ang kaniyang buhok.

"No! I'm not lying po. He gave me this paper. Sabi po niya I will give this to someone who has cell phone. Nihiram po ako dun sa maid po." Sabi niya at iniabot sa akin ang piraso ng papel.

Napa nganga naman ako nang makita ko ang labing dalawang numero na nakasulat sa katiting na papel.

"A-anong sab niya?" mabilis kong tanong.

"He's going here daw po." Inosente niyang sagot.

Nasapo ko naman ang aking noo. Bakit ba napaka masunurin ng batang 'to? as in, sa lahat ng bagay pa siya masunurin.

"Sinabi mo ba lahat ng napag-usapan nina daddy at mommy?" tanong kong muli.

Tumango lamang siya. For the second time, nasapo ko ang aking noo.
What to do now?!

"He will be here for a moment."

Napasimangot naman ako sa aking naiisip. Hindi ko ba alam kung nagagayuma niya ang anak ko o talagang nilalason niya ang utak niya.
ahhh! Ano ng gagawin ko? anong sasabihin ko sa lalaking iyon kapag pumunta siya rito?

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Where stories live. Discover now