Kabanata 37

3.2K 58 0
                                    

Pagdating namin sa school, iniikot ko ang aking paningin kung may AJ ba na umaaligid.
Magkakaayos parin kaya kami? Totoo kaya iyong sinabi ni Bernard? Ugh!

"Mommy, nandito na po tayo. Come on!"

Bumaba na ako sa kotse at nagtungo na sa classroom ni Sam.
Kumatok ako sa pinto at pinagbuksan naman ako ng kaniyang guro.

"Mrs. Jerico, akala ko ho ay hindi na papasok itong si Samuel." Bungad niya sa akin.

"Sammy!" si Miley na tumakbo palapit kay Sam.

"Since, nandito na rin ho kayo.. pwede ho ba tayong mag-usap?"

Tumango naman ako.
"sige."

Bago ako lumisan..
"Sam, hihintayin mo ako mamayang uwian ha? Huwag kang sasama kung kanikanino." Sabi ko at tinap ang kaniyang ulo.

"yes po!"

Pagkatapos noon ay tinalikuran na niya ako at kaagad na kinausap ay si Miley.
sumunod naman ako sa guro ni Sam patungo sa kaniyang opisina.

"have a sit." Sabi niya sa akin at umupo siya sa kaniyang silya.

"Kung inyong mamarapatin, maaari ko ho bang malaman kung bakit hindi pumasok ng isang linggo si Sam?" tanong niya sa akin.

"Noong nakaraang araw kasi ay nilagnat siya. I'm sorry if I'm not able to text you ma'am. Wala ho kasi sa akin iyong phone ko."

Tumango-tango naman siya.
"Mrs., just a friendly advice...kung may away man ho kayo ni mister, huwag niyo namang hayaan ang pag-aaral ni Sam. That kid is excellent, to be honest."

"w-what do you mean po?" mautal-utal kong tanong.

"Galing po kasi dito ang asawa ninyo at hinahanap si Sam."

"s-si AJ?"

Muli, tinanguan niya ako.

"Oh, ok. Ok." Sagot ko naman.

Pagkatapos naming mag-usap, hindi na ako dumaan kay Sam at lumabas na ng school.
bakit ba ang tyaga ng lalaking ito? Hindi ba dapat ay nasa opisina siya at nagtatrabaho?

"Hindi ka na ba papasok sa trabaho mo?" tanong ko nang makasakay na ako sa kaniyang kotse.

"It doesn't matter. I have men and I have my secretary. Kaya na niya lahat ng iyon. I belive in him."

Napakunot naman ako ng noo.
"Him?" tanong ko.

"yah. My secretary is a man. Kahit hindi mo tinatanong, mula noong maghiwalay tayo never akong nag hire ng female secretary." Sabi niya at mataman na nakatitig sa akin.

"Sus, sabihin mo baka ma-in love ka lang ulit."

"Hindi no. ang lakas kaya ng impact mo sa buhay ko. I'm just afraid baka akala mo'y may iba na kaagad ako."

Napairap naman ako.
"Eh ano naman?"

Ngumiti naman siya at pinisil ang aking pisngi.
Pagdating namin sa bahay, hindi ko na hinintay na pag buksan niya ako ng pinto.

"Bianca, sandali.."

Tumigil naman ako sa paglalakad.
Humarap ako sa kaniya ng nakataas ang kilay.

"Ah, wala naman si Sam e. Pwede ba nating pag-usapan ang tungkol sa'tin? Alam mo na, 'yung sinabi ko kanina."

Umiwas naman ako sa kaniya.
"Bernard, tama na. I realized na hindi tama itong ginagawa natin. At tungkol sa nangyari kagabi, kalimutan mo na lang."

Pagkatapos nun ay dumeretso na ako sa loob ng bahay.
Hindi naman na sumunod sa loob ng bahay si Bernard. Ok lang naman sa akin iyon.
Hindi kasi ako makaagot kapag nag-uumpisa nanaman siya sa mga tanong niya.

Payapa akong nakaupo sa sofa nang sumagi sa aking isipan si Bernard, iyong nangyari kagabi..—argh! Ano ba!.
Shit!

"Ano ba! Ano ba!" sigaw ko habang sinabunot ang aking buhok.

Ilang sandali lamang ay may kumakatok.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?"

Ayan, baka akala nila nababaliw na ako.
"Ok lang po ako manang." Sabi ko at napapikit ng mariin.

Nang pumatak na ang oras upang sunduin ko si Sam sa school.
agad kong pinaharurot ang aking sasakyan.

30 minutes na akong naghihintay sa labas ng eskwelahan, wala akong Sam na nakikitang lumalabas sa gate ng school nila. Kaya minabuti ko ng lumabas sa kotse and I approached the guard.

"Manong, si Sam po nasa loob pa?" tanong ko.

"Ay naku ma'am. Akala ko po ay kayo ang sumundo kanina. Sumakay siya sa ibang sasakyan kanina."

Bigla naman akong ginapang ng kaba.

"H-hindi naman ho siya sasama sa iba na hindi niya kilala." Sabi ko rito.

"Ay ma'am. Iyon po ang hindi ko alam. Sa palagay ko naman po kilala niya iyong sumundo sa kaniya."

Kung kilala niya hindi kaya si Jas iyon? O, si AJ?
ang mahirap pa ay wala akong cell phone upang tumawag kay Bernard kung siya nga ba ang sumundo kay Sam.

Sasakay na lang ako sa kotse ko nang humabol ang guard ng eskwelahan.
"Ma'am, ma'am! Sandali lang ho."

Lumingon naman ako.
Hinihintay ko siya na magsalita. Hawak hawak niya ang kaniyang cell phone.

"May tawag po kayo."

Nagkasalubong naman ang aking dalawang kilay.
"Tawag? Sa akin po?"

Tumango naman siya at iniabot ang kaniyang cell phone.
kinuha ko naman iyon at itinapat sa aking tenga.

"Hello?"

"Mommy!"

Nabuhayan ako ng dugo nang marinig ko ang boses ng aking anak.

"Sam, baby! Nasaan ka? Sinong kasama mo?" tanong ko kaagad.

"Mommy, punta ka po sa... uhm, 'daddy, saan po ito?'" rinig ko na bulong niya.

Napaikot ang aking mata nang marinig ko iyong tanong niya.
"Just tell me where are you?" Malamig kong sabi.

Dali-dali akong pumunta sa lugar kung saan niya sinabi.
pagpasok ko sa restaurant na sinabi niya.. nagulat ako sa biglang pagputok ng confetti sa aking harapan at palakpakan ng iilang tao.

Sa paghawi ko sa mga confetti na lumulutang-lutang sa hangin, unti-unti kong nasisilayan ang pagmumukha ni...

"AJ?" gulat kong tanong. "I thought it was..—"

"I missed you. Please, come back." Sabi niya nang maka lapit siya sa akin.

"A-AJ, ano 'to? Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"surprise." Sabi niya at ngumiti sa aking harapan.

Hindi ako makapagsalita sa nangyayari.
Akala ko pa naman...

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka? Sino ba ang inaasahan mo?" dagdag pa nito.
umiling naman siya. "Whatever, halika nga. Namiss kita ng sobra." Sabi niya at niyakap ako.

"Mommy, matutulog na po ba tayo sa house natin?" si Sam naman na humawak sa dulo ng aking blouse.

"Oo naman, Sam. Diba, mommy?? Sabi ni AJ sa akin at hinawakan pa ang aking pisngi.

"ugh, oo." Sabi ko at tumango.
Ano pa bang magagawa ko kapag humindi ako diba?

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Where stories live. Discover now