Kabanata 3

5.7K 85 2
                                    

"Mommy, daddy? I can't sleep po."

Pumikit siya ng mariin at bumalik sa kaninang pwesto namin.

"Come in, Sam." Sagot ko saaking anak na nasa labas ng aming kwarto.

Pagpasok ni Sam sa kwarto, umusog ako upang makahiga ang aking anak sa aming gitna.

And as for AJ, bakas sa kaniyang mukha ang inis.

"Hon." Tawag ko sa kaniya.

"Lagi na lang." sabi naman niya at tumayo.

"Sam, matuto ka namang matuo=log mag isa sometimes." sabi niya at nagtungo sa pintuan.

"Where are you going?" tanong ko.

"Sa labas lang, magpapahangin ako." sabi niya at hindi na ako hinintay pang sumagot.

Ilang saglit lamang nang mapatulog ko na si Sam ay sinundan ko siya sa labas.

Nakatalikod siya at may usok na lumabas na nanggaling sa kaniyang bibig.

"Are you smoking?" galit kong tanong.

"No, I mean.. aish! Isa lang naman." Sabi niya.

Muli siyang humithit sa yosing hawak niya at itinapon na ito.

Sa sobrang inis ko, nakuha ko pa itong apakan.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na huwag kang manigarilyo? Hindi lang ikaw ang maapeketuhan diyan sa bisyo mong iyan, kundi kami din lalo na si Sam." Sermon ko.

"Wala na nga o." sabi niya at pinakita pa ang dalawang palad.

"Matulog na tayo." Sabi ko.

Hinila ko ang kaniyang kamay ngunit bumitiw siya.

Kaya, ako'y napatingin sa kaniya.

"Sanayin mo si Sam na natutulog sa kwarto niya ng mag-isa. Kaya nga may sarili na siyang kwarto hindi ba? Para hindi na siya nakikishare ng room satin, he's too old to share room with us every evening." Sabi niya.

"Anak naman natin si Sam, AJ. Kahit ba makitulog siya ng ilang gabi sa room natin ok lang." sagot ko naman.

"Malaki na siya for Pete's sake, Bianca." Matigas niyang sabi saka ako tinalikuran.

"He's just five!"

Hindi ko ba alam kung anong problema niya sa anak ko.

We can still make love, para namang end of the world na bukas at hindi na niya ako matitikman.

So, ako naman itong tumalikod sa kaniya.

Bigla kong naramdaman ang kaniyang matigas na dibdib sa aking likod, mahigpit niya akong niyakap.

"Sorry na, ayoko naman na matutulog tayo na magkagalit. I'm just upset dahil tatlong taon na tayong kasal pero hindi parin tayo nagkaka anak."

"I understand, ayoko din naman na nagkakaroon tayo ng tampuhan. Babawi ako sa'yo bukas, I promise." Sabi ko at humarap sakaniya upang hinalikan ang kaniyang labi.

"Now, all we have to do is rest. Pagod ka from work at may pasok ka bukas, ayoko na makita ka ng mga empleyado mo na sobrang haggard, baka sabihin nila napapabayaan kita." Sabi ko at nagpout sa kaniyang harapan.

"Don't do that, my love. Your tempting me a kiss." Sabi niya at inilapit ang kaniyang mukha.

"Tama na nga 'yan. Tara na." sabi ko at hinatak na siya papasok ng bahay.

--

Kinabukasan, maagang umalis ang aking asawa upang buksan ang kaniyang restaurant, doon namin kinukuha ang pang-araw araw namin at para sa school na rin ni Sam.

Wala pang alas siyete ay hinatid ko na si Sam sa school.

"Mommy, magstay ka na lang kasi dito." Sabi ni Sam at ayaw pang bitawan ang aking kamay.

"Sam, big boy ka na. Tingnan mo sila o nagpapaiwan sila sa mga mommies nila. So, ikaw din dapat kase hindi ba't you have a strong personality?"

Sumimangot naman siya at binitawan na rin ang aking kamay.

Pumasok na siya sa kaniyang classroom kaya kinawayan ko na siya hudyat na aalis na ako.

Pagdating ko sa bahay, nilinis ko lahat ng dapat linisin sa kusina. Pagkatapos noon ay duty ko naman sa harapan ng bahay namin.

Busyng-busy ako sa pagdidilig ng halaman then suddenly someone approached me.

"Hi, busy ka nanaman sa mga halaman mo." sabi ng Excel, our neighbor.

"Wala namang ibang mandidilig nito kundi ako lang naman at ang asawa ko e." sagot ko at nakatuon parin ang pansin ko sa aking dinidilig.

"So, how is your baby boy doing at school? Mabuti at naiiwan mo na siya sa school?"

"Kailangan e, wala akong matatapos dito sa bahay kapag patuloy siyang nagpabantay." Sagot ko.

"Tama nga naman. Anyway, do you want some help?" alok nito.

"Nako huwag na, kaya ko naman at baka makaabala rin ako sa'yo." Tanggi ko at saka siya nginitian.

"It's ok, I just wanna help my neighbor." Sabi niya at binuhat ang isang paso.

Inalis ko kasi ang mga ito sa pagkakasalansan.

I want a new look that's why.

"Kaya ko na, Excel. Thank you na lang." sabi ko at inagaw sa kaniya 'yung paso.

Kaya in the end, nabasag 'yun at nadumihan 'yung shirt niya.

"Ah, shit!" mura ko at dali-daling pinulot iyong basag na paso.

"No, don't!"

"Ouch!" daing ko.

"Huwag mong sabihing hindi kita pinigilan, Bianca." Sabi niya at nagpamewang sa aking harapan.

Hinugasan ko naman kaagad ang kamay ko.

Mahirap na, baka magka tetano pa ako.

"Are you ok? Gamutin na natin 'yan." sabi niya at hinila ang aking kamay.

"I'm ok, I can manage. Nadumihan ka pa tuloy." Sabi ko at binawi ang aking kamay mula sa kaniya.

"Let me do this." Sabi niya.

Nagulat ako nang alisin niya ang kaniyang shirt sa aking harapan.

Kaagad kong iniiwas ang aking tingin, ano ba ito? Nagpapasikat?

Isa-isa niyang ibinalik sa pwesto ang pasong dapat aayusin ko.

"O ayan, tapos na. All we have to do now is gamutin 'yang sugat mo."

Umiling naman ako.

"Kaya ko na, thank you nga pala ha. Paano, pasok na ako." sabi ko at dali daling pumasok sa aming bahay.

"No problem! Basta ikaw, neighbor!" habol pa nito.

Pagkatapos kong gamutin ang aking sugat ay sakto namang nagring ang aking telepono.

It is my friend, Francesca.

"Ano?" bungad ko rito.

"Lunch ko mamaya ha?"

Napa-irap naman ako sa kaniyang sinabi. Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'to!

"Ipapadeliver ko na lang diyan kay AJ." Sagot ko.

"Yey! Makakatipid ako nito., thanks friend. Nga pala, natanggap ko na iyong pera. Naibigay ko na din kay Bernard mo."

"Anong 'Bernard mo', baliw ka ba? Naaaning ka nanaman diyan. Sige na, iyon lang ba ang tinawag mo?" tanong ko.

"Ay, sorry. Hehe, hindi nga siya makapaniwala na ako 'yung nakabangga sa kaniya kuno. Pinapakumusta ka nga pala niya."

Hindi ko ba alam kung pinipikon ako nito o ano e. Kaya, puputulin ko na ang aming usapan.

"Whatever. I'll hung up na..—"

The last thing I heard is the end tone. Bastos talaga 'yun! Ako dapat ang magbaba ng tawag e!

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora