'Till I met you(Just the three of them)

165 13 4
                                    

EDITED


Nandito pa ko sa school ngayon at vacant pa namin. Halos wala naman kaming ginawa mag-hapon pero hindi pa daw pwedeng umuwi. At eto naman si Nica at Peter nagdadaldalan sa harap ko, hindi manlang hinaan ang mga boses nila eh magkalapit lang naman silang dalawa.

Medyo naiinis ako kay Kim, dahil nadapa ako sa may school gate kanina ng makapasok kaming dalawa. Kaysa tulungan n'ya kong tumayo, tinawanan n'ya ko at nagbigay pa s'ya ng lecture sakin. Halos magpalamon na ko sa lupa ng mga oras na 'yun dahil sa hiya ko, nakatingin pa naman sakin si kuya Jonathan nun.

Ganito kasi 'yung nangyari kanina.

FLASHBACK:

"Goodmorning bessie!!!" bati sakin ni Nica ng makapasok kami ni Kim ng school gate.

Babatiin ko na rin sana s'ya ng madapa ako dahil hinarang ni kuya James ang paa n'ya.

"Yan kasi di nagiingat si pusa," pangaasar pa ni kuya James.

Tinignan ko s'ya ng masama pero tuloy pa rin ang tawa n'ya, tinawanan na lang din ako ni Nica.

Saktong dumating naman si Peter at Kim, lumapit sakin si Kim na akala ay tutulungan akong tumayo.

"Ano ba 'yan Kath ang lampa mo naman, sa susunod kasi mag-ingat ka," sabi n'ya pa.

Napansin ko namang pababa si kuya Jonathan ng hagdan kaya wala naman akong nagawa kundi pilitang tumayo kahit nananakit ang binti ko dahil sa pagbagsak ko.

Nakaramdam ako ng may umalalay sa braso kaya napatingin ako dito. Nagulat ako kay kuya Bryan na inaalalayan ako habang naka-ngiti sakin.

"Ayos ka lang?" tanong n'ya, tango na lamang ang nasagot ko at dumeretso na ng classroom.

END OF FLASHBACK

Nakakahiya talaga 'yung nangyari kanina, buti pa nga si kuya Bryan tinulungan ako.

"Huy, bakit ka tulala? May problema ba?" tanong sakin ni Kim na nasa harap ko ngayon at nakatitig sa mukha ko.

"Wala, dun ka nga," sabi ko sa kan'ya pero hindi pa rin s'ya naalis sa harap ko.

"Ano ba kasi problema mo?" pangungulit n'ya pa.

"Pwedeng mamaya ka na mangulit?!" nagulat s'ya sa pagsigaw ko kaya bumalik na s'ya sa upuan n'ya.

Biglang dumating ang adviser namin kaya lahat ng mga kaklase ko bumalik na sa mga upuan nila.

"Good afternoon class I have an announcement, this upcoming friday may camping tayo. Sa mga sasama kailangan 3 am ng umaga ay nandito na kayo sa school dahil 4 hours ang biyahe," sabi ng adviser namin.

"Kailangan kasing maaga para hindi tayo ma-traffic. Now para sa mga students na mga sasama lang ay sila James, Peter, Kim, Nica at Kath. Ok, dismiss," at sa huling sinabi ng adviser namin umalis na s'ya ng room namin at ako naman napaharap sa mga kaibigan kong hindi 'maaasahan'.

"Hoy sino may sabing kasama ako?!" sigaw ko sa kanila.

"Huy ano ba 'yan Kath, pwede mo namang hinaan boses mo," reklamo ni kuya James, napatingin naman ako sa kan'ya at sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Bakit, Ikaw ba kausap ko? Diba hindi?" sabi ko sa kan'ya at binaling ang atensyon ko sa mga kaibigan kong hindi 'maasahan'.

"So, sino ang nag-sabi sa adviser natin na sasama ako?" paguulit ko.

"A-ako," sabi naman ni Kim, tinignan ko naman s'ya ng masama.

"Para masuprise ka," sabi n'ya sabay ngiti, ako naman binatukan s'ya.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora