'Till I met you(one week kalandian by me)

143 11 2
                                    

EDITED


Sa wakas pagkatapos ng isang oras na paglalakad namin nandito na rin kami sa west section, buti na lang at may stock ng pagkain sa bawat section hindi na ko mahihirapan pa. Hindi nga pala uso ang sasakyan dito o kahit manlang na ihatid nila kami dito.

Ang bawat section ay malalayo sa isa't-isa kaya meron ka talagang matatawag na 'privacy', ang ganda nga ng camping sight na 'to. Napakalinis at halos tahimik ang buong paligid malayo sa mismong syudad. Kaso nga lang bago ka makapunta sa section mo maglalakad ka muna ng isang oras dahil malayo ito.

Ang problema ko nga lang ang mga lalaking kasama ko, dalawa pa 'yung sakit sa ulo. Tsaka sabi rin pala nung lalaki kanina na kanya-kanya ang luto, ibig sabihin ako ang aasahan nila dito.

Pinalo ko ang magkabila kong pisnge dahil sa mga pumapasok sa utak ko ngayon. Kaya ko 'to, tiwala lang!

Pumasok na ko ng bahay 'namin' at naabutan kong naka-upo lang sa sofa sila kuya James at Bryan samantalang si kuya Jonathan nag-aayos na ng gamit n'ya.

Hindi ko naman talaga s'ya masasabing bahay kundi parang isang cabin, pagpasok mo pa lang ay bungad na ang mini kitchen. Sa kaliwa ay isang cr at sa tabi ng cr ay hagdan papuntang  terrace, pagakyat mo ng hagdan at tapat nito ang isang malaking cabinet para sa boys.

Sa kanan naman ay living room, may malaking cabinet sa ilalim naman nito ang sofa na pwedeng maging kama. Paglapit mo sa gilid ng cabinet may hagdan, pag-akyat mo may tatlong higaan sa taas.

Pagkatapos ang tabi naman ng living room ay dining area, may isa pang pintuan sa tapat nito kung saan may isa pang terrace.

Tumingin naman ulit ako kayla kuya James at kuya Bryan na nasa sofa pa rin at ako naman ay pumunta sa harapan nila.

"Baka naman gusto n'yong mag-ayos muna ng gamit n'yo," sarkastiko kong sabi sa kanilang dalawa.

"Maya na," sabay pa nilang sabi.

"Ngayon na, mag-aayos lang naman kayo!" sigaw ko, nagulat ang dalawa sa pagsigaw ko kaya nagsitayuan na sila.

"Eto na po madam."

"Ano pala kakainin natin mamaya?" tanong naman ni kuya Bry.

"Ano bang gusto n'yong ulamin?" tanong ko.

"Ikaw magluluto, baka mamaya may laso 'yan ah," pag-asar naman ni kuya James.

"Edi wag, bahala kayo d'yan!"

Pumunta ako sa cabinet ko na katabi lang ng sofa at kinuha ang isang papel na naglalaman ng mga gagawin namin sa buong linggo.

Mamayang 7:00 ng gabi may camp fire sa main campus at bukas naman fishing.

Ang hirap naman nito mas-gusto ko pang-kasama si Nica kaysa sa mga lalaking 'to, siguro naman pwedeng mag-change ng group? Not a chance I think.

Anong gagawin ko kung may gawin sila sakin? Argh!! No way, Kathileen ano ba 'yang nasa utak mo?!

"Huy anong nangyare sayo? Tara na magluto ka na tanghalian na oh," utos sakin ni kuya James, pwede ko na ba 'tong sapakin?

"Eto na," padabog akong nagmartsa papuntang kusina at nilabas ang kawali at sinuot ang apron, napatingin naman ako sa kanila habang iniisip pa rin kung ano ang lulutuin ko.

"Ano gusto n'yong kainin?" Tanong ko sa kanila.

"Kung anong meron d'yan, basta masarap at walang lason," sabi ni kuya James.

"Lasunin kita d'yan eh," bulong ko naman sa sarili ko.

"Umm..... ikaw bahala," sagot ni kuya Bry.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now