'Till I met you(Ano ba talaga?)

222 19 3
                                    

EDITED


Lagi ko na lang ito sinasabi sa sarili ko, bakit di ko sya magawang kalimutan? 

Ano bang nangyayari sakin ano-ano na lang iniisip ko.

Nung nakaraang araw napanaginipan ko si Chris di ko alam pero parang may ibig sabihin ang panaginip na 'yun.

Nasa isang park kami naka-upo kaming dalawa sa bench naguusap, napansin ko rin na kami lang dalawa ang nasa panaginip ko.

"Kathileen may gusto akong aminin sayo," sabi n'ya, ako naman ay nakaramdam ng kaba sa dib-dib ko.

"A-ano yun?" tanong ko sa kan'ya, laking gulat ko ng hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Kaya kita gustong makausap, dahil- hindi ko alam kung bakit pero mula nung hindi na tayo nagpansinan. Dun ko na realize na naging masama pala ako sa'yo  na nasaktan kita, tinuring mo ko na mabuting kaibigan. Pero nung nalaman kong may gusto ka sakin hindi na kita pinansin, dahil sa mga oras na 'yun ang totoo gusto rin kita. At nagsisi ako Kath, nagsisi ako dahil nasaktan kita kinalimutan kita. Hindi muna kita kinausap para ipaintindi sa'yo," anong pinagsasabi ni Chris, bakit n'ya pa kailangan bangitin 'yun?

"At ngayon nahingi ako ng sorry, patawarin mo ako Kathileen naging duwag ako. Ayoko kasing masira ang pagiging kaibigan natin pero nagulat kasi ako nung time na nalaman kong may gusto ka sakin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo," bigla na lang s'ya napaluha at hinawakan ang mukha ko, napaluha na lang din ako pero di ko alam kung bakit.

Bakit ako naiyak? Dahil ba hangang ngayon may gusto pa rin ako sa kan'ya, o simpleng naawa lang ako sa kan'ya ngayon. Pero eto nanaman 'yung puso ko tumitibok.

"Chris please don't bring that up now, past is past kalimutan na natin 'yan. Isa pa wala naman talaga akong magagawa eh, and present na ngayon. Sorry din kasi di ako naging responsable sa sinabi ko noon, kung hindi ko sinabi 'yun siguro hangang ngayon mag-kasama pa rin tayo." 

"Hindi wala kang ginawang masama Kath sinabi mo lang naman ang nararamdaman mo at dun ako naging mali. Pasensya ka na talaga hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi na kita makikita ulit.... Kathileen," sabi nya at niyakap n'ya ko.

"Sana lagi ka na lang sa tabi ko, masaya ako kapag kasama lagi kita nawawala lahat ng problema na nasa isip ko. Pasensya ka na at naging makasarili ako sorry talaga hindi ko mapapatawad sarili ko," sabi n'ya

"Chris wag kang mag-sorry dati na 'yun at ngayon kalimutan na natin 'yun let's start over," sabi ko at ngumiti ng pilit, kahit alam ko sa sarili ko nalulungkot din ako.

"Kath iba na ang nararamdaman ko ngayon para sayo. Hindi ko alam kung bakit tuwing naririnig ko pangalan mo, nakakasama ka, nakakausap ka tumitibok ng mabilis bigla ang puso ko," h-hindi pwede, hindi pwedeng ngayon pa mangyari 'to.

"Kathileen I love you," sabi n'ya at hinalikan ako. Bigla na lang uminit ang mukha ko at tinulak s'ya.

"Kath ok ka lang? B-bakit mo ko tinulak?" Lalong namula ang pisnge ko ng nakatingin s'ya sakin. 

"S-sorry Chris pero wala na kong-."

"Alam ko," deretsahang sabi n'ya, ako naman ay nagulat.

"Kung alam, b-bakit mo pa rin ginawa 'yun?" tanong ko, liar.

"Dahil gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo, simula ng magka-kilala tayo hangang ngayon. Ngayon huli na ang lahat, kung sinabi ko na sa'yo 'to noon pa. Hindi sana ako mag-sisi ngayon," sabi n'ya at tumayo.

"Kahit anong mangyari, hindi magbabago ang mararamdaman ko para sa'yo," at bago pa ko makapag-salita tuluyan na s'yang nag-laho.

"Hello earth to Kathileen Mendoza!" Sigaw sakin ni Peter.

"Huh? Akala ko kasama ko si Chris sa park," tinignan nila akong may halong pagtataka sa mukha nila.

"Bes nakatulog ka kaya habang nagkaklase si sir. Martinez," i-ibig sabihin.

"Ayy napanaginipan si Mr. Pogi, ano sabi n'ya sa panaginip mo?" Tanong ni Nica bigla na lang uminit mukha ko.

"Ayieee kenekeleg si bestie," asar n'ya pa.

"Ewan ko sa inyo wala na kong feelings dun kay Chris bahala kayo dyan," nakatingin silang dalawa sakin na kinikilig sabay ngisi.

"Bakit may sinabi ba kaming si Chris ang tinutukoy namin?" ani ni Peter

"Yieee! Chris pa rin ang nais!" asar ni Nica, pinalo ko naman 'to sa braso.

"Aray!"

"Tumahimik ka! Ewan ko sa inyo!"

Lumabas na lang ako ng room at dumeretso ng rooftop para magpa-hangin, tutal lunch time na namin ngayon.

Masakit man isipin pero wala na talaga, hindi na ko aasa pa. Kakalimutan ko na s'ya 'yun lang naman ang paraan para hindi na ko masaktan pa. Wala na rin naman s'yang pake sakin kaya ok lang na kalimutan ko s'ya.

Pero mahirap pa din dahil may nagpapaalala sakin tungkol sa masasayang moments namin dati. Ang hirap may kasabay pang pananakit, eh diba nga wala na wag ka ng umasa Kathileen Mendoza. Lalp mo lang ginawang tanga ang sarili mo.









Author's note:

See the difference? Sorry talaga kung ngayon ko lang inedit, dahil na rin ngayon ko lang napansin lahat. Don't forget to vote and comment your opinion about this chap! Ciao!

















'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora