'Till I met you(Choose one)

173 10 14
                                    

EDITED

Bakit pa kasi ngayon nagpakita sakin 'tong dalawang 'to?!

"Kath pwede ba tayong mag-usa-" bigla na lang naputol 'yung sasabihin ni kuya james dahil bigla akong hinila ni Chris papunta sa likod n'ya.

"Sino ka?! At bakit mo kilala si Kathileen?!" sabi ni Chris, teka hindi ba natatandaan ni Chris si kuya James?

"Sino ka rin!" Nagsamaan ng tingin 'yung dalawa at hinila ako bigla ni kuya james sa likod n'ya.

"Wag mo ngang hawakan si kath!!" sigaw ni Chris.

"At bakit hindi, boyfriend n'ya ko kaya pwede ba," sagot naman ni kuya James, at ako naman napatunganga sa sinabi n'ya. Eto nanaman s'ya.

"A-ah ikaw pala 'yan kuya James, sorry akala ko kasi kung sino," sabi ni Chris.

Ah kaya pala, naka-hood kasi si kuya James kaya pala hindi  n'ya nakilala.

Hinila na ko ni kuya James palayo at ako naman ay naka-sunod sa kan'ya. Ng makalayo na kami  humarap naman s'ya sakin.

"Kailangan nating mag-usap," ani n'ya.

"Wala naman tayong pag-uusapan eh," sagot ko naman sa kan'ya, naiinis pa rin ako sa ginawa n'ya sakin.

"Sorry."

"Huh? Hindi ko narinig," pagkukunwari ko.

"Sorry," mas lalo n'ya pang hininaan.

"Ano?"

"Sorry!" sigaw n'ya.

"Hindi mo kailangan sumigaw!" sigaw ko naman pabalik sa kan'ya, bigla na lang kami nagka-tinginan at napa-tawa na lang sa kalokohan namin.

"Ang binge mo kasi eh," biro n'ya pa.

"Tumigil ka na nga d'yan, hindi na nakakatuwa," sabi ko sa kan'ya.

He simply smiled at me and he pulled me closer to him, hindi ko alam pero at that very moment my heart is beating in a special way, again.

No! Hindi pwede ulit tumibok 'to!

Nagulat ako ng hawakan n'ya ang baba ko at inangat ito, at dahil dun kitang-kita ko na ng malinaw ang mga mata n'ya.

Onti-onti n'yang nilapit ang mukha n'ya, and the next thing I knew he kiss my forehead. Ako naman ay nagulat kaya tinulak ko s'ya.

"Bakit mo ginawa 'yun?!" sigaw ko.

"Bakit ayaw mo?" sabi n'ya sabay ngisi.

"Ano sa tingin mo, malamang hindi! D'yan ka na nga!" aalis na sana ako ng hablutin n'ya ang braso ko at niyakap ako.

'Kuya James and his kalandian tactics' ang tawag ko sa ginagawa n'ya ngayon.

"K-kuya James tumigil ka n-na nga sa mga kalokohan mo-"

"5 mins."

"Huh?"

"Give me 5 minutes at bibitaw na ko," tumango na lang ako at pinabayaan s'ya.

After 5 minutes bumitaw na s'ya and he gave me another smile.

"Sige na umuwi ka na, baka hinahanap ka na ni Kim," ani n'ya, tumango naman ako at nag-simulang mag-lakad.

Sa bawat hakbang ko napapaisip ako sa mga ginawa ni kuya James kanina. First is he kissed me on the forehead then he hug for like 5 minutes, anong meron sa utak n'ya at ginawa n'ya 'yun.

Bago pa ko makalayo tumalikod ako para tignan kung nandun pa rin s'ya, to my suprise nandun pa nga s'ya sa pwesto namin kanina. Kita kong nakatingin s'ya sakin kaya kumaway ako at kumaway naman s'ya pabalik, at muli na kong nag-lakad pa-uwi.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ