'Till I met you (Something that I can't resist)

195 16 0
                                    

EDITED

Kathileen Pov:

       Mahigit isang linggo na ang nakakalipas ng napanaginipan Chris. Pano kaya kung mangyari yun sa totoong buhay? Nope no thanks, at kahapon nag-kita kami.

Sabado ngayon at nandito ako sa kwarto ko nagba-basa ng wattpad. Bigla na lang ng ring 'yung cellphone ko, at pagtingin ko kung sino 'yung natawag napa-ikot na lang ang mata ko. Kainis iistorbohin nanaman ako nito.

*Hello?* sabi ko.

*Hello kath, pwede mo ba kong samahan sa Sm mamaya?* tanong ni kuya James.

*Bakit?* tanong ko.

*Explain ko na lang mamaya, sige kita na lang tayo sa Sm mamaya ng 11:00 bye* 

Bago pa ko makasagot binaba n'ya na agad 'yung tawag.

Umilaw ang screen ng phone ko ng maka-receive ako ng text galing ulit kay kuya James.

'Ay nakalimutan kong sabihin mag-sout ka ng pang-babae hindi 'yung mukha kang tomboy, sige kitakits na lang mamaya!' 

Kainis 9:30 pa lang naman, ano ba kasi meron at biglang umepal 'yun sa magandang umaga ko ngayon? Biglaan 'yun ah, tapos pinapasout n'ya pa ko ng pang-babae ano akala n'ya sakin walang taste? Tsk sarap n'yang sapakin.

Lumipas na ang tatlumpung minuto at naka-hilata pa rin ako dito sa higaan.

10 o'clock na, maligo na kaya ako? May isang oras pa naman ako eh, pabayaan na nga lang kaysa mag-apura pa ko mamaya.

At dahil ayoko mag-apura mamaya naligo na ko ngayon. Pagkatapos kong maligo nag-bihis na rin ako, sinoot ko yung dress kong off shoulder na floral na below the knee din s'ya ng onti. Tapos yung peach kong shoulder bag at light brown kong sandals. At yung tela kong headband na may bulaklak den yan pak na pak ang ganda ko, siguro naman hindi na s'ya aangal sa soot ko.

Ano ba 'yan, kahit wala sa kalooban kong mag-dress ginawa ko pa rin dahil mamaya awayin pa n'ya ko mamaya.

Nag-paalam na ko sa kuya ko at pumunta na ng Sm. Saktong 10:30 ako nakarating dun at pumasok na ko sa loob, sakto rin na kakabukas pa lang ng Sm. Nakita ko si kuya James sa tapat ng isang shop ng mga damit at pinuntahan ko s'ya.

"Kuya james late ba ko?" Tanong ko sa kan'ya, habang s'ya naman ay napatingin sakin.

"Huy ano ba nakatingin ka lang" sabi ko, nagandahan ata sakin. Joke!

"A-ay sorry hindi ka naman late aga mo nga eh," sabi n'ya. 

"Ano ba meron? Bakit ka nagpapasama sakin"" Tanong ko, bigla n'yang tinuro 'yung babaeng naka-dress na may kasamang dalawa pang babae.

"Kasi pwede bang magkunwari kang kadate ko?" What?! No way!!

"Ha? Bakit? Teka wag mong sabihing susundan natin 'yung babaeng 'yun?" Sabi ko at tumango naman s'ya, malas talaga ako dapat di na ko pumunta.

"Bakit naman? Kaano ano mo ba sya?" Tanong ko naman.

"Type ko, ganda noh?" sabi n'ya, sabay taas baba ng kilay n'ya, piningot ko naman tenga n'ya.

"Aray!"

"Napaka-babaero mo talaga! D'yan ka na nga!" aalis na sana ako ng hilahin n'ya ko pabalik.

"Ang pangalan n'ya ay Teresa dati ko rin s'yang kaklase, kaso nga lang hindi n'ya ko pinapansin nung niligawan ko s'ya," pagpapaliwanag n'ya, kinalas ko naman ang pagkaka-hawak n'ya sakin at humarap sa kan'ya.

"Anong gusto mong gawin ko? Pretend to be your date at pag-napansin ka n'ya, and then 'hi', 'kamusta?' kayong dalawa. Then ayun nagka-yayaan, tapos iiwan mo na lang ako sa ere? No way!"

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now