T'll I met you(Nagkita muli)

119 12 0
                                    

EDITED

Kathileen Pov:

Lumipas na ang dalawang araw ng makabalik ako dito sa bahay galing camp.

So far so good naman pero hangang ngayon natatakot pa rin ako.

Malakas naman ako diba kaya hindi ko kailangang matakot, tsaka isa pa kuya Jonathan kept me a promise.

Alam na rin nila Nica, Kim at Peter ang mga nangyari at nakita ko. Kaya sa buong natirang limang araw nagmasid kami sa mga kilos ni sir Dave.

At ng bumalik ulit kami sa south section naabutan naming may bago s'yang k-katay. Ayoko na!

At dahil buong araw akong nanginig sa takot naginsist si Nica na magreunion kami nila Alexa at Laila. Para na rin makalimutan ko muna ang mga nakita ko sa camp.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagbibihis. Si Laila at Alexa naging kaibigan ko sila nung 1st year highschool pa lang ako pero ngayon nagtransfer na sila sa ibang school.

I don't why pero sigurado ako ang rason ni Alexa ay dahil kay Levi at Ross. Her crushes when we were still 1st years.

"Ano ba pwedeng sootin? " tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang reflection ko sa salamin.

Ay alam ko na yung jeans ko na lang at blue green kong mickey mouse na t-shirt. Close shoes then naka half bun ako pwede na 'yun, kahit ano naman sootin ko bagay sa'kin. Pano banaman sa ganda't sexy kong 'to, oops medyo sumobra.

Pagkababa ko sa sala naabutan kong si kuya na nanonood ng tv at si papa ay naghuhugas ng pingan.

"Pa alis na ko, " paalam ko kay papa ng biglang harangan ako ni kuya.

"Pa! Si Kath may date!!"

"Anong date?! Gagala lang kami nila Nica,Laila at Alexa wag ka, wala ngang nagkaka crush sakin date pa kaya?!" Sabi ko naman sa kan'ya.

"Tsk buti alam mo ang pangit mo kasi, " asar n'ya pa sa'kin.

Napakuyom naman ang kamao ko dahil sa inis.

"Pano kasi nagmana sa kapangitan mo! Wait mas pangit ka pala, " Asar ko sa kan'ya pabalik.

"Oh tama  na nga 'yan para nanaman kayong aso't pusa. Sige nak magingat ka lang ah. Wag lalagpas ng seven ng gabi, " sabi naman ni papa.

"Ok pa, alis na ko!" Paalam ko at lumabas na ng bahay.

Naglakad ako palabas ng subdivision at nagabang ng jeep na masasakyan. Pumara agad ako ng may nakita akong paparating. Pagsakay ko ng jeep ay nagbayad ako.

"Kath?"

Napatingin naman ako sa nagsalita sa harap ko.

"C-chris?"

No way! Bakit ngayon pa?! O sh*t anong gagawin ko?! Ok Kathileen chill ka lang hindi naman nangangagat si Chris para magpanic ka. Chill tao lang din 'yan.

"Oh hi! Musta na?" Pagbati ko naman sa kan'ya kasabay ng isang plastic na ngiti! Buti marunong akong maging plastic!

"Ok lang eto buhay pa naman hahaha," laughing at his own joke, seriously hindi s'ya nagbago.

"So saan punta mo? May date ka ba? " Tanong n'ya sa'kin.

"A-ah wala reunion lang namin nila Nica," sagot ko naman sa kan'ya.

"I see."

"Ikaw saan ang punta mo?" Tanong ko naman.

"Ah solo galaan. By the way kamusta na kayo ni kuya James?" Nabigla ako sa tanong n'ya kaya medyo natulala ako.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang