'Till I met you (Father's Day Special)

43 3 0
                                    

"Kuya!"

"Bakit ba?!"

"Your putting that in a wrong way!" Sigaw ko sa kan'ya.

"How about this?" Kuya gestured the ribbon on another place.

"Ayan!" Sabi ko naman.

Its father's day today at dadating na mamaya si papa galing germany, may training kasi sila dun for one week. And we didn't get to see him for a week. Saktong father's day rin ang balik n'ya, so I am freaking excited right now.

Si Kim naman lumabas dahil bumili ng mga ingredients para sa mga lulutuin namin mamaya. Meanwhile me and kuya are decorating the living room for the suprise later.

I filled the whole living room with balloons hanging at the ceiling and some on the walls, then a whole lot on the floor.

"Sis dumating na pala 'yung flowers na inorder ko," ani naman ni kuya na kakagaling sa front door, dala-dala ang mga bulaklak sa isang basket.

"Paki lagay na lang sa seperate vase kuya at lagyan mo ng tubig. Baka kasi malanta agad," sabi ko naman.

Tinapos ko na ang pagsasabit ng mga ribbons, at binalak ko na lang na mamaya ko na ilagay 'yung ibang mga bulaklak.

I quickly went to the fridge para silipin ang cake na ginawa ko kagabi lang.

"I hope he likes it," ani ko sa sarili.

"Ngayon pa lang natin gagawin 'to noh?" Rinig ko namang sabi ni kuya at sumangayon naman ako.

"Oo kuya, palagi kasi s'yang wala noon eh."

Ramdam ko ang pag-patong ng kamay n'ya sa ulo ko, dahilan ng pag-tingin ko sa kan'ya.

"You did a good job," ngiting sambit n'ya.

Kuya ko ba 'to?

"Sino ka?"

"Huh?" Pag-tataka n'ya.

"Sa pagkakaalam ko never akong nakatangap ng compliment galing sa kuya ko," sabi ko naman.

Tinangal n'ya agad ang kamay n'ya sa ulo ko at nagpatuloy sa pagaayos. I chuckled ng samaan ako ng tingin ni kuya, I heard the bell rang.

Nung una nagtaka ako pero lumapit agad ako sa pintuan, not looking through the peephole at agad ang pinto.

"Hi Kath!"

Anak ng-bakit nandito 'tong mga 'to? Wala bang kahit isang araw na pwede nila akong hindi gambalain?!

"Kuya, mga bwisita mo," sinamaan ko sila ng tingin at naisipang pumunta na lang ng kusina.

"Uy nandito na pala kayo," pagsalubong naman ni kuya sa kanila.

"O anong meron dito?" Tanong ni kuya Bryan.

"Isu-suprise kasi namin si papa mamaya, Kath decided all this. Kaya eto kami ngayon," sagot naman ni kuya.

"Si tito nasaan?" Tanong naman ni Ain.

"Mamaya pa balik galing germany. O s'ya gusto n'yo muna bang kumain? Tamang-tama nagluto si Kath ng chicken curry," pag-alok naman ni kuya.

"Sige ba," sabi ni kuya Bryan.

"Makakatikim din ako ng luto ni Kath!" Pagkislap naman ng mga mata ni Ain.

"Natikman ko na 'yung dating luto ni Kath, ang sarap," komento ni kuya Jonathan.

"Wala bang lason 'yan?" Dagdag naman ni kuya James na ikinainis ko.

"Kung ayaw mong kumain edi wag!" Sigaw ko sa kan'ya.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now