'Till I met you (Faded Smile)

78 3 2
                                    

Its already tuesday and I can't even stop thinking about what kuya James said the other day.

"You owe me a date."

At pano n'ya naman nalaman na nag-cutting classes ako with kuya Bryan, at pati nung lumabas kami ni kuya Jonathan nung araw na nagtext s'ya sa'kin.

Was someone stalking me?

"Kath," rinig ko namang tawag sa'kin nung president namin, kaya agad naman akong napalingon sa kan'ya.

"Yes prez?" Tanong ko.

"May ginawa ka bang kasalanan?" Bulong n'ya sa'kin, kaya naman nagtaka ako.

"Wala," sagot ko.

"Yung vice president ng SSC hinahanap ka, ayun o nakaabang sa labas," ani naman ni prez.

Napatingin ako sa may pintuan ng classroom namin, at tama nga si prez. He's standing right infront of our classroom door, waving at me like an idiot.

Ano nanaman bang kailangan n'ya? Napabuntong hininga na lang ako at tsaka naman lumapit sa kan'ya.

"Goodmorning Kathy," pambungad n'ya sa'kin with a smile on his face.

"For you, but not me," sambit ko.

"Bakit? May problema ka ba? Gusto mo bang pagusapan?" Tanong n'ya.

"No thanks, by the way. Ang aga-aga nandito ka na  agad sa harap ng classroom namin. Mamaya kung anong isipan ng ibang studyante," ani ko naman.

"Your famous you know, baka kalbuhin pa ko ng mga fan club mo," dagdag ko.

"Let them think what ever they want, alam mo naman sa sarili mo kung ano talaga ang pinunta ko dito," he said, as he took my hand and put a little box on top of it.

"My little morning gift for you, enjoy your day Kathy," dagdag n'ya ng bigla n'ya kong halikan sa pisnge na ikinagulat ko.

"Hoy Ain!" Pagtawag ko sa pangalan n'ya, ng bigla s'yang umalis sa harap ko.

Siraulo talaga 'yung lalaking 'yun.

I sighed and went back to my seat, ng makarinig ako ng asaran sa mga kaklase ko.

"Kath! Akala ko ba Kames lang?!" Paginarte ni Bim, 'yung escort naming bakla.

"Lagot ka kay kuya James!" Dagdag pa ni Misty, ang muse naman naming ubod ng kaartehan.

"Walang titibag sa Kames!" Pagepal pa ni Peter at Nica sa gitna ng room.

Sinamaan ko na lang sila ng tingin at napatingin sa box na hawak-hawak ko. I guess he's kinda sweet too....

"I didn't know the rumors where true!" Rinig kong sabi ni prez.

Ok here we go again.

Nakita ko ang paglapit nila Aeron at Levi sa pwesto ko. Nagtaka na lang ako ng i-abot nila sa'kin ang isang kapirasong papel at pati ballpen.

"Anong gagawin ko d'yan?"pagtataray ko naman.

"Ms. Rapunzel, pwede po bang pa-autograph?" Asar nung dalawa, hindi ko na lang sila pinansin ng saktong dumating 'yung teacher namin.

Pasalamat na lang ako, absent s'ya ngayon.

*****

Tumunog ang bell sinyales na tapos na ang klase, at lunch time na. Agad kong inayos ang mga gamit ko ng bigla akong hilahin ni Nica.

"Bes sa rooftop tayo kumain, marami tayong paguusapan," sabi n'ya.

With that sentence alam ko na agad kung ano 'yung gusto n'yang pagusapan.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now