'Till I met you( Dear Diary )

187 15 2
                                    

EDITED

Nagumpisa nanaman ang bagong araw para kay Kathileen ngunit parang hindi n'ya pa rin maalis sa isip n'ya ang lalaking nagpa-tibok ng puso n'ya, ang lalaking nag-sira din sa puso n'ya. Naka move on na kaya s'ya? O muli nanaman s'yang aasa sa kawalan, dahil tuwing nababasa n'ya ang naka-sulat sa diary. Nung panahong mag-kasama pa silang dalawa.

Kathileen Pov:

Eto nanaman ako panibagong araw para sakin, ako si Kathileen Mendoza na hindi pa rin maka move on kay Christopher Florenz Bacolod. Wah kainis talaga utak ko!!!

Napansin kong naka-bukas ang drawer ko kaya lumapit ako dito para isarado, pero bago ko pa man maisara ay napansin ko ang dati kong diary.

Kinuha ko ito at binuksan upang mabasa muli ang mga naka-sulat dito.

Dear diary,

Muli nanaman akong umasa na magk-kagusto s'ya sakin, pero akala ko lang pala 'yun. Sadyang napakabait n'ya lang talaga sakin, nag-assume kasi agad ako eh. Kaya eto nanaman ako nagi-inarte sa kwarto ko, pasensya ka na ah. Sa'yo ko lang kasi nasasabi ang mga nararamdaman ko.

Dear diary,

Kanina lang sa klase ay nahuli kong tinitignan ako ni Chris, ayokong umasa pero dahil sa mga galaw tuwing mag-kasama kami ay nag-aassume nanaman ako. Ang hirap pala pag-tinatago mo ang nararamdaman mp sa isang tao, lalo na't mag-kaibigan kayo. Gusto ko ng umamin sa kan'ya pero natatakot ako na baka-masira ang pagka-kaibigan namin.

Dear diary,

Habang nasa byahe pa-uwi kanina, napansin kong tinititigan nanaman ako ni Chris. Pero nung lumingon ako sa kan'ya nginitian n'ya lang ako. Pwede ba kahit ngayon lang ulit na isipin kong may gusto s'ya sakin?

Dear diary,

Narinig kong nag-uusap si Nica at Chris kanina about sa crush n'ya na balak n'yang ligawan. Sabi na nga ba at utak ko lang ang nagsasabing may gusto s'ya sakin.

Dear diary,

Bakit kung kelan wala na kong nararamdaman para sa kan'ya ay kung kelan ako naman ang hahabulin n'ya? Sa kan'ya lang ako naging ganito.

Bakit ba kasi ako umasa? Argh sarap sabunutan ng sarili ko!

Lahat ng pinag-sisihan ko, ilang beses na kong nabigo.

Ilang beses na rin akong nasaktan, sa bagay na ako naman gumagawa nito sa sarili ko.

At kumilos lang ako ng huli na ang lahat, hindi ko na pwede ibalik ang nakaraan.

Yung nakaraan na yun na iiwan mo na lang, kaya hindi magawang kalimutan s'ya. Dahil ang daming alaala na importante sakin na ibinigay n'ya.

Pero eto sahuli nagsisi ako dahil wala na sya sa tabi ko, wala na yung taong nandyan lagi para sakin. Yung tao na 'yun na laging nagpapa-ngiti sakin. Lagi kong kasama, pero ngayon hangang tingin na lang talaga.

Sinarado ko ang diary ko at ibinalik ito sa drawer, bumaba ako ng sala para kumuha ng pagkain. Pero pag-bukas ko ng ref wala dun 'yung pudding na binili ko, kinain siguro ni kuya!

Naisipan kong bumili na lang sa convenience store dahil malapit lang ito sa subdivision namin. Bumalik ako ng kwarto para mag-palit ng damit at kumuha ng pera, bago ako lumabas nilock ko muna ang pintuan ng bahay.

Habang nagla-lakad niraramdam ko ang simoy ng hangin.

Ng makarating ako sa convenience store hinanap ko agad 'yung pudding na favorite ko. Kaso nga lang nung nahanap ko na nasa pinaka-taas na shelf s'ya, 'yun nga lang sa sobrang liit ko hindi ko s'ya maabot.

Sinubukan kong talunin para makuha ko pero bigo ako.

"Hahahaha ang kyut mo talaga," napatingin ako sa nag-salita, laking gulat kong si kuya James pala. Inabot n'ya ang pudding na kanina ko pang kinukuha at binigay sakin, akala ko nga aagawin n'ya pa buti hindi.

Pumunta kaming dalawa sa cashier para makapag-bayad. Nung kukuha na ko ng pang-bayad, sinangi ako ni kuya James.

"Ako na ang magba-bayad," sabi n'ya, hindi na ko nakipag-talo pa at tumango na lamang. Hindi na ko nahiya sa kan'ya dahil pudding lang naman ang babayaran n'ya sakin.

Ng maka-bayad na s'ya lumabas na kami ng convenience store at ibinigay n'ya na sakin 'yung pudding na binili ko.

"Salamat, babayaran na lang kita," sabi ko sa kan'ya.

"Wag na, mura lang naman 'yan," wow that sounded like na nagyayabang s'yang may pera s'ya.

"Ok, bye!" sabi ko at kumaway bilang pagpapaalam ko sa kan'ya.

Habang nag-lalakad pauwi may nakatagpo ng mga mata ko, and I froze at the spot.

"Kath?"

"C-chris?"






Dear diary, I think I fell inlove again....











Author's note:

Sorry short update lang. Don't forget to vote and comment your opinion about this chap! Ciao!





'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now