'Till I met you (Caught in Action)

99 3 1
                                    

"Chéri"

Pauwi na kami ngayon ni kuya Bryan galing Enchanted Kingdom, nag-aya na rin akong umuwi dahil alas-otso na ng gabi.

Napansin ko din na napapadalas na akong umuwi ng gabi, siguro pagnalaman 'to ni papa lagot ako dun.

Hindi nagtagal nakarating na kami sa harap ng bahay ko, bubuksan ko na sana ang pintuan ng pangunahan ako ni kuya Bryan. Ng makababa ako hinarap ko muna s'ya upang magpaalam.

"I'll see you on monday then," ani n'ya and I smiled.

"Thank you kuya Bryan, for earlier," sambit ko naman.

"No, thank you for letting me see your smile again."

"And it was nothing, gusto ko lang din naman makita ulit ang ngiti mo," sagot naman n'ya.

"Why is that?" Tanong ko.

"Napansin ko lang na you've been frowning lately, I thought something was bothering you. So I insisted to have fun earlier. And I'm so lucky to see you smile again," sabi n'ya while smiling.

He was right, patagal ng patagal nawawala na ang mga dalasan kong pagngiti. Not like before.

"Sige, dito na ko. Baka gabihin ka pa lalo, alam kong traffic na ng mga ganitong oras," ani ko sa kan'ya, as he waved goodbye at sumakay na ng sasakyan n'ya.

Before he leave bahagya n'yang binaba ang bintana ng sasakyan n'ya at dumungaw, "Goodnight Chéri," he said as he wink, said he's goodbye one last time. At tsaka na s'ya tuluyang umalis.

Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa bahay. Ng makapasok ako sa bahay isa-isa ko namang binuksan ang ilaw ng biglang lumitaw si papa sa kung saan.

"Pa?!"

T-teka hindi naman 'to ilusyon diba?

"At saan ka nanggaling? Gabi na," ani n'ya.

Loka ka! Si papa nga! Akala ko-nakalimutan ko! Ngayon nga pala ang pagbalik ni papa galing hospital! Anong sasabihin ko?!

"A-ano kasi pa, gumawa pa ko ng project sa school," palusot ko naman, maniwala ka na muna sa'kin ngayon pa.

"Project? Kakatanong ko lang kay Nica kanina, nagdiscuss lang daw kayo ngayon," pagsingit naman ni Kim sa usapan. Na nakatayo na ngayons sa may hagdan.

Anak ng kabayo ka talaga Kim! I gave him that look at nginitian n'ya lang ako! Mamaya ka sa'kin!

"Sino 'yung naghatid sa'yo?" Seryosong tanong naman ni papa.

"Si kuya Bryan pa, 'y-yung kaklase ni kuya," sagot ko naman. Umayos ka Kathileen! Mahahalatang nagpapalusot ka lang.

"Akala ko ba wala ng iba nak?" Tanong ulit ni papa na ikinataka ko.

"A-anong ibig mong sabihin pa?"

Sumenyas s'yang lumapit sa kan'ya, kaya ginawa ko naman.

"Bukod kay James at Chris, may Bryan pa pala," bulong naman sa'kin ni papa at ako naman ay nakaramdam na para bang binaksakan ng langit at lupa.

Lagot na ko.....

"Ay nakalimutan ko, si Kim pa pala," dagdag pa ni papa na lalo kong ikinakaba.

"Kumain ka na, nagluto na ko ng ulam. Nakakain na kami nila kuya mo."

Papa laugh is butt off at umakyat na ng kan'yang kwarto. Leaving me standing on the front door, at si Kim na hangang ngayon nasa hagdan pa rin.

"Lagot ka," rinig kong asar ni Kim at sinamaan ko naman s'ya ng tingin.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now