'Till I met you (Halloween Special)

39 3 0
                                    

"Levi paki lagay naman nito sa likod ng kurtina," utos ko kay levi ng makarating ako ng room dala-dala ang isang kahon ng drinks.

"O sige, pero bakit ikaw ang nagbuhat ng mga 'to? Hindi ba't kasama mo si Kim?" Tanong naman n'ya.

"Oo nga, kaso naharangan s'ya ng grupo ng mga babae along the way," just thinking about it makes my eyes turn.

Ugh, how did they find Kim's vampire costume hot? Mukha na nga s'yang ililibing dahil sa sobrang puti n'ya. The fake fangs are even falling out.

"Kath!" Agad naman akong nagulat ng bigla na lang tumalon si prez sa tabi ko.

"P-prez?"

"We need you, right now!" ani n'ya.

"Para saan prez?" Tanong ko dito.

"Kailangan namin ng isa pang tao sa may entrance ng school para mag-abot ng flyers sa mga bagong parating na mga bisita," paliwanag ni Prez.

"Kaya isuot mo na 'to!" May binigay sa'kin na plastic si prez at tinulak ako papunta sa likod ng kurtina kung saan nag-bihis din ang mga kaklase ko kanina.

Binuksan ko ang plastic at kinuha ang costume na susuotin ko.

"P-prez kailangan ko pa ba talagang isuot 'to?" Sambit ko habang sinusuot ang costume na ibinigay sa'kin.

"Oo! Paano malalaman ng mga bibigyan n'yo ng flyers na cafe ang pupuntahan nila kung hindi mo suot 'yan. Wag kang magalala naka-costume din naman si kuya James, pinapunta ko na s'ya dito para sunduin ka," sagot ni prez.

I'm going outside with this maid outfit with kuya James, while giving flyers. Will this day even get worst than this?

"Kath tapos ka na ba?" Tanong ni prez.

I let out a deep sigh at hinawi ang kurtina.

"Wow."

"Prez nasaan na 'yung partner....ko."

"Kath 'yung box nga pala-"

I look up to see kuya James and Kim at the front door, eyes on me.

This is embarrassing...

"Bes! Ang cute mo!" Ani ni Nica at niyakap ako.

"To complete the look!" Naramdaman ko na lang ng may inilagay si Aeron sa ulo ko at si Mitsy sa bewang ko.

"Ano 'yung nilagay n'yo?" Tanong ko dito.

"Take a look at yourself at the mirror," ani ni Mia.

Agad naman akong tumingin sa salamin sa likoran ko and to my suprise it was a black cat ears and a tail. Match na match sa maid uniform.

Ugh.

"Seriously?" Tukoy ko sa cat ears.

"Bagay naman sa'yo ah, right kuya James?" Tanong ni Nica kay kuya James na kakalapit lang sa'min ngayon. Napatingin naman ako sa kan'ya.

"O-oo naman, you look...cute," did he just stutter?

"Ohhhh, someone's kiligin," asar ni Aeron at Levi na agad namang binatukan ni kuya James.

"Bagay nga sa'yo KATH," agad akong napatingin kay prez ng asarin n'ya ko.

Dahil sa inis kinuha ko na agad ang flyers na nasa isang lamesa, "alis na kami." Hinila ko na paalis ng room si kuya James at dumeretso ng entrance.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang mailang sa mga tinginan ng ibang i-studyante. Sino ba naman kasing maglalakad sa gitna ng hallway na naka-maid uniform.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now