T'll I Met You (Pangalawang Pagtibok)

134 13 3
                                    

EDITED

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, napabangon naman agad ako at pinatay ang alarm clock kong nasa tabi ko lang.

Habang kinukusot ang mga mata ko dun ko naalala na may pasok pa pala ako.

Halos dalawang linggo na lang bago mag JS Prom at isang linggo na kong hindi pa nakakadecide sa alok ni kuya Bryan.

Bakit isang linggo? Dahil pinagtataluhan ng isip ko kung papayag ba talaga ako o hindi. Pero sa totoo lang may isang lalaki akong hinihintay na iinvite ako. Alam n'yo na kung sino 'yun.

Bumangon na ko sa kama ko at niligpit ang aking higaan. Nagsimulang maligo, magayos at maghanda na dahil ilang minuto na lang bago ako malate.

Like I care, tinatamad talaga akong pumasok ngayon. Pero hindi pwede, kasi magagalit si papa at si kuyang kala mo nagaaral talaga. Sabi n'ya importante daw ang pagaaral, makapagsalita s'ya kala mo masipag magaral.

Ready na ko at bumaba na sa dining area nakita ko si kim at kuya na nakain pa, si papa naman nagluluto pa rin.

Ang hirap talaga pagikaw lang babae sa isang bahay jusme kahit aso ko lalaki din.

"Morning Kath!!" Pangbungad ni kim sa'kin, kasabay ng isang mahigpit na yakap.

"Ang baho ng hininga mo magtoothbrush ka nga," reklamo ko kahit hindi naman talaga.

Ang nakakagulat talaga kay Kim na kahit buong araw syang hindi nagtoothbrush hindi pa rin mabaho ang hininga n'ya.

"Luh bad mo," pagiinarte n'ya na may kasamang pagbusangot

"Luh ang pangit mo!" Pagasar ko pa sa kan'ya.

"Hoy pangit kumain ka na, mamaya na kayo magharutan.

Inirapan ko na lang si kuya, imbes na makipagtalo pa ko. Kumain na lang ako ng mabilis para hindi na ko mapagalitan pa ng magaling kong kuya.

"Tara na!!" Sigaw ni kuya sa labas ng bahay.

Pano agad nakalabas 'yun?

"Teka!" Sigaw ko pabalik dito.

"Nak, dahan-dahan ang pagkain. Mamaya mabilaukan ka n'yan," saway ni papa sa'kin.

"Amung magogowa ko pa? Eh shi koya matawag na," sabi ko sa kan'ya habang may nginunguya pa ko.

"What did I told you?" Bago ko sagutin si papa nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko at tsaka nagsalita.

"Wag magsasalita habang nakain," sagot ko sa kan'ya at tumayo.

"Ayaw mo ng dessert?" Tanong sa'kin ni papa.

"Wag na pa, at si KUYA magwawala na kung hindi pa ko lalabas," hinalikan ko si papa sa pisnge at lumabas na ng bahay.

Mamaya pa pala ang pasok ni papa kaya  hindi s'ya makakasabay samin ngayon.

"Ang bagal mo!" Sigaw sa'kin ni kuya ng makasakay ako sa loob ng sasakyan n'ya.

"SORRY kuya! 'Di na po mauulit, love you kuya!" Panglalambing ko sa kan'ya, napairap naman s'ya sa ginawa ko at inistart na lamang ang sasakyan.

"May PE nga pala tayo ngayon noh?" Tanong sa'kin ni Kim, tinanguan ko naman s'ya bilang sagot.

"Nga pala Kath," Napatingin ako kay Kim ng muli n'ya kong tawagin.

"Bakit?" Tanong ko sa kan'ya, tumahimik s'ya ng ilang sigundo at bumuntong hininga.

"Pwede ba kitang maging partner sa JS Prom?" Tanong ni Kim dahilan ng paglaki  ng mga mata ko.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now