'Till I met you(Test of courage)

70 5 0
                                    

"Kath"

Hmm?

"Kath"

Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko ngayon.

"C-chris?"

"Ako nga, bakit namumutla ka? Ok ka lang ba?" tanong n'ya sa'kin at ako naman ay napakusot ng mata.

Totoo bang si Chris ang nasa harap ko ngayon?

"Huy, ok ka lang ba talaga?" tanong n'ya ulit sa'kin.

"U-um..oo ok lang ako," sagot ko naman.

"You seem down lately, may problema ba?"

Why can he speak at me na parang walang nangyari? Just last time sa Flerih Academy, he smiled at me na parang walang nangyari. At isa pa bakit kasama ko s'ya ngayon? At bakit kami nasa beach?

"Are you for real?"

"Yes wh-" naputol ang sasabihin n'ya ng biglang humangin napapikit naman ako dahil may mga buhangin na pumasok sa mata ko, at sa muling pagmulat ko, nawala s'ya sa harapan ko.

Napatayo ako at napatingin sa paligid ko nagbabasakaling nasa tabi-tabi lang s'ya, pero hindi ko na s'ya nakita.

"P-patawad.."

At sa natitirang oras na bago lumubog ng tuluyan ang araw nakita ko sa hindi kalayuan si Chris, tumakbo ako papunta sa kan'ya. Nakatingin s'ya sa palubog na araw at ng makita n'ya ko, he gave me a sad smile na nagpahinto sa'kin.

Naramdaman kong may tumulong luha sa pisnge ko kaya napahawak agad ako dito, bakit ako naiyak?

"P-patawad Kath, p-patawarin mo ko," nagulat ako ng makatingin ako kay Chris, h-he's crying.

"B-bakit Chris?"

"U-umalis ka na dito," sabi n'ya ng makalapit s'ya sa'kin nakita ko namang nakahawak s'ya sa kaliwang dibdib n'ya, d-duguan.

"C-chris bakit nagdudugo ang dibdib mo?"

"Umalis ka na!" tinulak n'ya ko at ako naman ay natumba dahil sa lakas ng pagkakatulak n'ya sa'kin.

Ng muli akong tumingin sa kan'ya may dalawang lalaki ng nakahawak sa magkabilang braso n'ya 'yung isa naman ay may hawak-hawak na kutsilyo. Bigla akong napatayo at itutulak ko sana 'yung lalaking may hawak ng kutsilyo ng bigla n'yang saksaki-

"WAG!"

Tumingin-tingin ako sa paligid ko laking gulat ko na nasa loob ako ng tent. Panaginip? Nanaman?

Napatingin naman ako sa mga katabi ko, mahimbing na natutulog 'yung tatlo. Naisipan kong lumabas muna para makahinga ako ng maayos, kinuha ko ang jacket ko at dahan-dahang lumabas ng tent.

Paglabas ko ng tent isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa'kin, naisipan ko namang umupo sa katabing log ng tent namin. Kinuha ko ang cellphone ko upang tignan kung anong oras na, five na pala ng umaga.

Napakamot ako sa ulo ko ng maalala ko ulit 'yung panaginip. Ano nanaman ba ang nangyayari sa'kin?

Ano ba ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Sandali akong nanahimik at pinakingan ang bawat tunog ng mga insekto. Sa tingin ko masyado lang akong maraming iniisip kaya ganun.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad, palayo ng palayo may nakita akong liwanag sa di kalayuan. Dahan-dahan akong lumapit sa direksyon ng liwanag.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant