'Till I met you (ConflictxSuprise)

93 4 1
                                    

Bakit n'yo ba ginagawa sa'kin 'to?

Ang akward kailangan kong umalis dito, hindi ko kakayanin kung magtatagal pa ko dito.

Mabilisan akong tumalikod sa kanila at umalis ng balcony, rinig ko ang pagtawag sa'kin ni kuya Jonathan pero hindi ko pinansin 'yun.

Tumingin ako sa likod ko habang natakbo baka sinusundan ako ni kuya Jonathan, at tama nga ang hinala ko.

Takbo lang ako ng takbo hangang sa may nakabungo ako.

"Aray!" Napaupo ako sa sahig at ramdam ko ang pagsakit ng pwet ko sa pagkakabagsak ko.

"Sorry mi-Kath?" Napatingala ako sa nagsalita laking gulat kong si kuya James pala. Napatingin ako sa kamay n'yang inaabot sa'kin para tulungan akong tumayo.

"Kath!" Rinig kong palapit na ng palapit si kuya Jonathan, tumayo na agad ako at iniwan si kuya James dun nakatayo.

Kuya sorry! Kailangan ko lang talagang umalis.

Takbo lang ako ng takbo ng bigla akong hawakan ni kuya James sa kamay at hinila ako sa isang sulok at dun kami nagtago.

"Kath!" Rinig kong muling pagtawag ni kuya Jonathan sa pangalan ko at nakahinga ako ng maluwag ng makalagpas s'ya sa tinataguan namin.

Ng sumilip ako para tignan ng maigi kung wala na s'ya, tsaka ako lumabas. Napatigil naman ako ng naramdaman ko pa rin ang kamay ni kuya James na nakahawak sa kamay ko.

Ayaw n'ya bang bumitaw?

Tumingin ako sa kamay naming dalawa at sa kan'ya.

"U-umm kuya James," bangit ko sa pangalan n'ya.

"S-sorry," sabi n'ya at tsaka tinangal ang pagkakahawak sa kamay ko.

Teka.. did he just stutter?

"Kuya ok ka lang ba?" Tanong ko sa kan'ya, teka diba iniiwasan ko s'ya?

"Oo, ok lang ako. Bakit ka ba hinahabol ng Jonathan na 'yun? At bakit mo s'ya tinataguan?" Sunod-sunod na tanong naman n'ya.

"Basta, gusto ko lang lumayo," sabi ko.

"Ano 'yun?" Muling pagtanong n'ya.

"A-ah wala, sige alis na muna ako," Bago pa ko makaalis hinablot n'ya agad ang bewang ko at hinarap sa kan'ya.

"K-kuya anong ginagawa mo?" Tanong ko.

Wag mong sabihing eto na naman 'yung isa sa mga 'kalandian tactics' n'ya?

Nagulat na lang ako ng yakapin n'ya ko at pinatong n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko.

Kuya ano nanaman ba nangyayare sa'yo?!

"Why do you look so damn beautiful?"

Maya-maya lang ay bigla na lang n'ya kong binitawan at nginitian.

Ano 'yung binulong n'ya?

"Before you go, pwede ba kita isayaw mamaya?" Tanong n'ya sa'kin.

Teka tinutukoy n'ya ba 'yung slow dance mamaya?

Should I say no or yes?

"Pagiisipan ko, pag-yes makikita mo na lang ako sa may hagdan ng ball room," sabi ko sa kan'ya at mabilisang umalis sa loob ng ball room.

Lumabas ako at pumunta sa garden, kahit gabi na nagsilbing liwanag ko ang buwan. Nakakita ako ng isang malaking duyan sa harap ng mga rosas.

Umupo ako dun at dahan-dahang dumuyan habang nakatingin lang sa mga rosas.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now