'Till I met you (Confuse Heart)

101 7 5
                                    

"Mahal kita"

Lord kunin n'yo na ko, wait! Di pa pwede! Joke lang po! Marami pa kong pangarap sa buhay.

Bakit umabot sa ganito? Bakit hindi ko manlang napansin? I'm really out of words right now.

Kim, bakit ako?

Flashback:

"Mahal kita"

"K-kim wag ka ngang magbiro," kabado kong sabi sa kan'ya.

"I'm not joking Kath, totoo ang mga sinasabi ko. Totoo lahat 'to kahit ang nararamdaman ko para sa'yo. Totoong totoo," Sabi ni Kim na mas lalo kong ikinagulat.

Anong gagawin ko? Hindi pa ko handa, nalilito pa ko.

Ayoko s'yang masaktan dahil sa'kin, pero bakit kasi ako? Why would he choose me over a thousand girls out there?

"K-kim b-bakit ako?" Tanong ko sa kan'ya.

"Yun din ang tanong ko sa sarili ko Kath, bakit nga ba ikaw ang pinili ng puso ko? Milyon na babae ang meron sa buong mundo, pumunta ako sa iba't-ibang bansa. At ang babaeng magpapatibok lang pala ng puso ko ay nasa tabi ko lang," pagpapaliwanag n'ya.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahilan ng nakaramdam agad ako ng kirot.

Kirot? Hindi, hindi pwede 'to malala na ko.

Kim, please stop. Nasasaktan din ako!

"Kath I love you more than you can imagine, sorry kung binigla kita. I don't have a choice, kung hindi ako aamin ngayon kelan pa?" Sabi n'ya.

Wala talaga akong masabi, hindi ko kilala ang Kim na nasa harap ko ngayon.

Kim is a joyful person yes, he always puts a smile on his face. He's like a little brother to me sometimes. Pero 'yung Kim na nasa harap ko ngayon? He's so serious, wala akong nakikitang saya sa mga mata n'ya.

Dahil ba sa'kin?

I'm hurting him, I'm hurting my bestfriend.

"Kim..."

"I'm fine Kath," Sabi n'ya sabay pilit na ngumingiti.

Liar, wala pa kong sinasabi pero alam n'ya na kung ano ang isasagot ko.

"Itigil mo na 'to Kim, mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo," Sabi ko sa kan'ya, but damn! He's still smiling!

"Kim ano ba?!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Kath, huminahon ka," Sabi n'ya at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Bakit ako hihinahon?! Your damn hurting yourself! P-please itigil mo n-na 'to, ayokong n-nakikita kang nasasaktan dahil sa-sa'kin. P-please stop," ramdam ko na ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

Nanatili namang hawak-hawak ni Kim ang magkabilang pisnge ko, at ipinagdikit n'ya ang noo namin.

"Sa pagibig Kath hindi maiiwasan ang masaktan, pain is part of love. Masakit, oo pero kaya kong tiisin at tanggapin. Para lang sa'yo," Sabi n'ya.

"Stop! Tama na Kim! Itigil mo na 'to!" Patuloy pa rin ako sa paghikbi habang hinahampas ng marahan ang dibdib n'ya.

Ayoko na!

Sinasaktan ko na nga s'ya, sinasaktan ko na rin ang sarili ko.

"Kim please s-stop," mahinang sabi ko.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now