Chapter Eighteen - Like I'm Sorry

3.6K 70 1
                                    

Ilang beses nang nagdo-doorbell si Miggy pero walang nagbubukas ng pinto. Ilang beses na rin niyang tinawagan si Efren pero hindi naman ito sumasagot. Sinubukan ni Miggy ang door knob at doon lang niya napagtanto na hindi naman pala naka-lock ang pinto.

Napalitan ng kaba ang galit niya. Pero sumaglit lang iyon, dahil pagkabukas niya ng pinto, bumalik ang matindi niyang pagnanais na bugbugin at sakalin ang kaibigan.

From what Abby told him, alam na ni Efren ang lahat. Ang ikinagagalit ni Miggy, bukod sa nadamay sila ni Abby, ay kung bakit hindi pa rin napatawad ni Efren si Matilda.

He should be happy already and stop putting the people around them to hell.

Dumere-deretso siya sa kwarto nito pagkabalibag niya pasara ng pinto, pero pagka-switch on niya ng ilaw, walang natutulog sa kama. Tinanggal na niya lahat ng mga unan at kumot, sumilip na rin siya sa banyo at walk-in closet pero wala talaga roon si Efren. Lalo siyang nakaramdam ng panggigigil.

Wala pa rin siya rito sa ganitong oras? What is he doing? Partying?

Pagkalabas, papunta na sana siya sa kusina nang may napansin siya. Nakahawi ang kurtina sa living room kaya kitang-kita niya ang view ng mga ilaw ng mga building mula sa labas ng glass wall. Bumaba pa ang tingin niya. He finally saw a familiar silhouette in that dark living room. Dahan-dahang lumapit si Miggy dito. Muntik na rin siyang madapa dahil marami palang bote ng alak na nakakalat sa sahig hanggang sa kinauupuan ni Efren.

Miggy stood on the other end of the glass wall. Sumandal siya sa concrete wall na malapit dito at ibinulsa ang mga kamay. He stared at Efren intently. Mukhang wala naman itong pakialam sa presence niya. He just stared outside through the glass wall.

Namayani ang katahimikan. Miggy released a heavy sigh. "Ano na ang nangyari, Efren?"

May dinukot si Efren sa bulsa niya at initsa iyon sa paanan ni Miggy. Pitaka niya iyon.

"Bilhan mo ako ng beer," he murmured in a hoarse voice.

Sinipa lang iyon ni Miggy at tumama ang pitaka sa isang nakakalat na bote.

"Anong nangyari sabi?" hindi na niya napigilan na bulyawan ito. "You are the most immature thing this earth had, Efren! You blew it! Ano pa ba ang kailangang gawin ni Matilda para maging okay na ang lahat? You should be happy, Efren! Hindi napunta sa wala ang paghihintay mo ng six years! You did not commit adultery too, dahil fuck, anak niyo pala ni Matilda yung batang kasama niya palagi! Maybe that's why the kid looked familiar to me! He looks just like you when you were a kid! You have companies! You have the brain na kung ginagamit mo ng tama eh dadaigin pa si Einstein!"

Hindi na niya napigilan na kaladkarin si Efren patayo, pero sadyang mabigat ang katawan nito kaya hindi iyon masyado nai-angat ni Miggy.

"Nandito kami ni Ashton at Clark para sa iyo! You have loyal friends! Ang Kuya Jude mo, pakialamero iyon pero dahil mahal ka niya! Ang dami mong blessings, man! Tapos ayan, dumating na si Matilda! Siya na yung hinihintay mo, 'di ba? Alam ko, siya ang kukumpleto sa iyo dahil, man, anim na taon kong nasaksihan ang pagiging malayo mo sa mundo! Naging loner ka! Araw-araw kang malungkot, araw-araw mong gusto na mapag-isa! Pero nandito na si Matilda, man, ano pa ba ang gusto mong gawin niya? Bakit mo siya ginaganito? Bakit ka nagpapalamon sa galit mo? Masaya ka na ba? Wala na ulit si Matilda! At ayaw na rin ako makita ni Abby kahit kailan! Alam mo naman ang nararamdaman ko para sa kanya, 'di ba? Pero ano? Nabalewala na dahil sa iyo!"

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon