Chapter Two - Who's Your Date?

5.1K 81 0
                                    

"Hoy, Effy," akbay ni Miggy kay Efren. "Bakit ba trip na trip mo asarin iyang si Matilda? Crush mo no?"

Narinig na ni Efren ang panunukso ng mga katropa.

"Gago, parang kayo hindi rin nag-eenjoy ah!"

"Tumatawa lang kami, no," depensa naman ni Clark. "Eh ikaw, ang lakas mang-asar."

Napakibit ng balikat si Efren. "Ako pa. Imagine, yung pinaka-maldita sa school na ito, napapatameme ko."

"Yeah, bro," high-five ni Miggy sa kanya. Sumunod dito si Clark.

"So, p're," umakyat na sila ng hagdan ng magtanong ni Clark, "sinong ide-date mo sa Valentine's party?"

"Kilala niyo na naman, 'di ba?" baling niya sa mga kasama.

"Si Marie?"

"Si Maldita?"

Magkakaiba ang hula ng mga ito kaya natawa lang si Efren. "Mga kupal, siyempre si Marie 'no. Alam niyo naman na siya lang ang pino-pormahan ko dito."

"Hay naku, pare, kung ako sa iyo, titigilan ko na si Marie. Alam naman natin ang issue ng babae na iyan."

Ang tinutukoy na issue ni Miggy ay ang pagiging palikera ni Marie. Lagi kasing nagiging usap-usapan sa school nila kapag nakikita ito na may kasamang iba't-ibang lalaki. Marami na rin ang nakakakita rito na may kasama papunta sa mga motel.

Si Marie ang matagal nang crush ni Efren sa university nila. Senior student na si Marie pero para kay Efren ito na ang pinakamagandang babae. Maganda naman talaga si Marie. Sa totoo lang, matured na ang dating nito pero iyon ang nagustuhan ni Efren dito. Maganda kasi at maayos ito manamit. Tsaka, sexy din ito bukod sa maganda pa. Maraming nag-lalaway para sa varsity volleyball player na ito.

Hindi close si Matilda kay Marie kahit na ito pa ang ate ng katropa niya na si Courtney, na tila sumusunod sa yapak ng ate nito pagdating sa kaartehang taglay sa pananamit ng sexy.

"Mapapansin din ako ni Marie," ngisi ni Efren. "Pero kung hindi man ngayon, eh 'di si Maldita ang ide-date ko." Tumawa na naman ito na tila nakakaloko.

"Ahh... So, kay Maldita pa rin talaga ang bagsak neto," tawa ni Clark.

"Hey, don't take me wrong. Magiging date ko lang siya para kahit papaano eh mag-enjoy ako sa Valentine's party kahit hindi si Marie ang ka-date ko."

"Asus, naging defensive kaagad," pang-aasar ni Clark kaya nasuntok ito ni Efren sa braso. "Aw!"

"Gago, wala nga kasi akong gusto kay Maldita, kanina ka pa nang-aasar eh."

"Oh, bakit ka napipikon?" tawa ni Miggy dito.

Si Efren Castillo ang bunsong anak ni Jose mula sa pamilya ng Castillo, ang isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. Sa edad na 19, pag-aaral muna ang pinaatupag sa kanya ng kanyang kuya na si Jude. Patay na ang kanyang ama at ang mama naman niya ay sa U.S. na nakatira kaya naman ang kuya na lang niya ang kamag-anak na nakakasama niya, maliban sa mga pinsan niya at iba pang kamag-anak na sa Pilipinas pa rin nakatira.

Noong una ay nakitira siya sa bahay ng pinsan niya sa Tagaytay dahil masyadong malayo ang bahay ng kuya niya at ng asawa nito mula sa school na pinapasukan niya; pero sa huli ay napapayag rin niya ang kanyang Kuya Jude na tumira siya muli sa mansion nila kahit na nag-iisa lang siya.

Kaya naman kahit papaano ay natuto maging independent si Efren, pero mas madalas itong nakatambay sa bahay ng pinsan niyang si Pinky kasama ang mga kapatid nito.

At si Matilda? Wala 'yun. Hindi sila friends. Basta kapag gusto lang ni Efren sumaya, naghahanap na siya ng mabu-bully, at si Matilda iyon. Achievement iyon para sa kanya, dahil ang tao na hindi mabangga ng kahit sino pagdating sa katarayan ay kinakaya-kaya lang niya. Kaya siguro lately, hindi na apektado ang mga nasa school sa kamalditahan ni Matilda. Katulad ni Efren, inenjoy ng mga ito ang mga times na napikon ito o nagmaldita.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now