Chapter Thirteen - This Is War

3.1K 62 0
                                    

"Ihinto mo na lang dito ang kotse," inutos ni Matilda.

Tatlong lote pa ang layo nila sa bahay nito pero nagmadali nang bumaba si Matilda. Walang anu-anong sumunod na rin ng pagbaba si Abby sa bestfriend niya. Bago sinara ni Matilda ang pinto ng kotse, tumingin ito kay Efren.

"Salamat," tipid itong ngumiti sa lalaki.

"Malayo pa ang bahay niyo ah?"

Umiling lang ito. "Hindi ka pwedeng makita ni Papa, okay?"

Efren sighed. Napagdesisyunan na rin nito na kausapin ang kuya niya kinabukasan.

Pagkasara ni Matilda ng pinto hindi umalis agad si Efren. He remained sitting in his car as he watched her reach the front of their gates. Ilang saglit pa ay pinapasok na ito at si Abby ng gwardiya.

Nang naisara na ang gate, doon lang pinaandar ni Efren ang sasakyan at lumabas ng subdivision.

Ano kaya ang pinag-awayan ni Kuya at ng Papa ni Matilda?

***

Pumasok na ang dalawa sa kwarto ni Matilda. Naghalungkat si Matilda ng damit sa walk-in closet nito habang tumitingin-tingin lang si Abby sa mga libro nito na nasa bookshelf.

"Maliligo lang ako," paalam ni Matilda sa matalik na kaibigan nang papasok na ito ng banyo.

Nagmamadali niyang binuksan ang shower. Kanina pa siya diring-diri sa pinag gagagawa sa kanya ng Josh na iyon. She wanted to scrub off all of his saliva and the feel of his touches on her body.

Humalo na lang sa sabon at sa tubig ng shower ang mga luha niya. But Matilda bit her lower lip to stop herself from completely crying.

A Rodriguez is strong. They don't tolerate shit and they don't cry.

She continued scrubbing. Pagkatapos maligo ay nahimasmasan na siya. Inisip niya na at least, iyon lang ang inabot niya. Hinablot niya ang towel at nagpunas, pagkatapos, nagbihis na rin siya agad.

Pagbabayaran mo ito, Courtney.

Paglabas niya ng banyo, nakahiga na si Abby sa kama niya. Hawak nito ang isa sa mga libro ni Matilda at nagbabasa.

"Girl," upo niya sa tabi nito. Nakasampay lang sa balikat ni Matilda ang tuwalya niya at natatakpan nito ang likod niya para hindi ito mabasa ng buhok niya.

Binaba ni Abby amg libro at umupo na rin. "How are you? Buti na lang busy sa office room ninyo ang Kuya Hermes mo, girl."

Matilda sighed. "I am better but bitter. Hindi ko mapapalagpas itong ginawa sa akin ni Courtney."

"Hindi talaga!" sang-ayon nito. " That evil bitch! Ipapa-rape ka pa ng bitch na iyon!"

"Kaya kailangan ko ng idea, kung paano ko siya mapapagbayad sa ginawa niya," her eyes narrowed.

"Well," Abby let out a sigh. "Dapat ipahiya mo siya."

"Or maybe, dapat ko siyang bugbugin."

"Kaya lang malaking gulo iyan no," kontra ni Abby sa ideya ng kaibigan.

"Eh sa ginawa niya baka hindi lang bugbog ang magawa ko sa kanya eh! Baka mapatay ko pa siya!"

Binalik na ni Abby sa bookshelf ang libro ni Matilda. Habang ginagawa iyon ay nag-iisip na ito ng maisa-suggest sa kaibigan. Humarap na ito kay Matilda.

"Atakehin mo si Courtney sa weakness niya, Matti."

"Well... boys are her weaknesses. Malandi yun eh."

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now