Chapter Five - Marathon

3.6K 73 0
                                    

"It might not be the right time, I might not be the right one but there's something about us I want to say, 'cause there's something between us anyway..." - Daft Punk, Something About Us

Alas-kwatro pa lang ng hapon ay pumunta na si Matilda kina Abby pagsapit ng February 13. Nagluto pa kasi sila ng popcorn at namili na rin ng mga snacks nila. They preferred to cook the popcorn on their own to have more time to chat with each other. Naka-pajamas na sila Matilda at Abby nang pumasok sila sa kwarto. Napagkasunduan nila na mag-movie marathon sa bahay ni Abby dahil ito ang may malaking collection ng DVDs sa kanila. Inihanda na rin ni Matilda ang sarili na umiyak ng balde-balde dahil puro malulungkot na Korean movies na naman tiyak ang ipapanood sa kanya ng kanyang best friend.

Nakasuot si Abby ng yellow na pajamas na may nakaprint na strawberries doon, si Matilda naman ay nakasuot ng pink na pajamas na may mga bunnies at cresent moon na naka-print.

Umupo na si Matilda sa kama ni Abby na katapat lang ng TV set nito. May hawak na siyang bowl ng popcorn at kumakain na.

"This will be the best overnight ever!" tawa ni Matilda habang pinapanood si Abby na magsalang ng bala sa DVD player.

"I hope you will like this movie," lingon nito saglit kay Matilda. "Nakakaiyak talaga ito, grabe."

"Then I will like that!" tawa lang ni Matilda.

At nagsimula na sila sa panonood.

***

Efren checked his wristwatch. Alas-cinco na at tapos na ang preparasyon para sa gaganaping party pagsapit ng alas-sais ng gabi. Dumating na rin ang mga estudyante sa party kasama ang mga dates nila. Yung iba naman ay nakapila pa sa registration.

Panay ang sulyap ni Efren sa pila at sa mga nagreregister sa list ng mga dumalo sa party.

"Hey," sulpot ng Vice-President ng Student Council nila na si Paulo. Naka-tuxedo ito na itim at may suot na reading glasses. "Parang may hinahanap ka."

"My date," sagot niya dito. "Hindi pa siya dumarating."

"Si Matilda?" ngisi nito. Kahit sino kasi ay hindi naniwala kay Efren nung sabihin nito na si Matilda ang magiging date niya sa Valentine's party. "Sa tingin mo talaga, dadating 'yun? Eh hindi ba malaki ang galit n'un sa iyo?"

"Ikaw naman talaga eh," irap niya rito. "Mas marunong ka pa sa akin eh."

"Sorry naman," atras nito.

Natulala si Efren nang dumating si Marie. Nakapulupot ang braso nito sa braso ng date nito na si Derek, ang bago nitong boyfriend na varsity player. As expected, she was wearing a revealing gown with a slit in the middle of her chest, down to her stomach which exposed her belly button with a piercing on it.

She's really hot. Dapat talaga pin-ush ko na lang na maka-date si Marie eh! Tumingin ulit siya sa suot na wristwatch. Five-thirty na! Malapit na mag-start ang party! Nasaan na ang malditang iyon?

***

Nasa kwarto siya ni Abby, kinikilig na sila sa pinapanood na Korean movie.

"Alam mo," usap ni Matilda kay Abby habang nakatutok pa rin ang mga mata nila sa TV, "wala na akong pakialam kung mamamatay ang isa sa kanila sa ending. Tingnan mo naman kasi oh! Ang sweet nila!"

Hindi na napansin pa ni Matilda na panay na ang tawag sa kanya ni Efren sa cellphone niya na naka-silent at nakapatong sa bedside table ng kwarto ni Abby habang nagcha-charge.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now