Chapter Eleven - Breakthrough

2.8K 65 0
                                    

Marie guided him to the balcony. Nilingon ni Efren si Matilda pero tila sinadya talaga nito na tumakas dahil hindi na niya ito nakita pa. Naunang umupo si Marie sa may sofa. She tapped the space beside her.

"Come, sit with me," ngiti nito sa kanya.

Umupo na siya sa tabi nito at medyo dumistansya dahil kung hindi, tatama ang boobs nito sa braso niya dahil nakapatong sa ibabaw ng backrest ng love seat ang braso ni Marie at naka-anggulo ito na medyo nakaharap sa kanya.

"So, you are Efren Castillo," ngiti nito. "It's so nice that I finally met you."

He simply nodded. "Thank you."

Saan ka na nagpunta, Matilda? Kakausapin pa kita.

Naglikot na mga mata ni Efren. He was scanning the party crowd in front of him for any signs of Matilda.

"You seem uncomfortable, are you not enjoying the party?" nagpa-cute na ito na kunwari ay nalulungkot.

"I was," baling niya rito. "Until you took me away from my partner."

"Oh, si Matti," Marie chuckled. "You know, Efren, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. My sister likes you. She likes you a lot."

Naalala ni Efren nung nadaanan nito si Courtney na inom ng inom at may kahalikang dalawang lalaki. Pinagsasalitan siya ng mga ito. Torrid kisses and butt squeezes were given to her by those boys.

"I see," natawa na lang si Efren nang sagutin si Marie dahil sa naalala. "But I am not the kind of guy she will like."

"Paano mo naman nasabi iyan? Why don't you get to know each other first?" nakitawa na lang rin si Marie.

Napasandal siya sa backrest. "Well, it is too late for that. I already like someone else."

His eyes narrowed when he finally saw Matilda. May kausap na ito na lalaki. Dahil nakatalikod ito sa direksyon nila, hindi nakita ni Efren ang facial expression nito. Pero hindi na iyon importante para sa kanya. Ang tila nagpadilim ng paningin niya ay ang hitsura ng kausap ni Matilda na nakaharap sa direksyon nila. Mukhang nag-eenjoy ito at natatawa pa.

So, you left me with Marie to entertain someone else.

Napatingin na lang sila ni Marie kay Courtney nang tumuntong na ito sa may lamesa at mag-anunsiyo na may palaro ito-- Seven Minutes In Heaven.

Napatayo na lang si Efren nang napili si Matilda at ang kausap nito. Lalong kumulo ang dugo niya nung narinig niya na galit na galit si Matilda kay Courtney at sa lalaking kasama nito.

Susugod na sana siya pero hinila lang siya ni Marie pabalik.

"She's her bestfriend, right? Bakit nya ginaganyan si Matilda?"

Tumawa lang ito. "Efren, it's just a party game. Isa pa, bawal siyang tumanggi dahil may secret consequence kapag hindi niya natapos yung game."

He groaned. "At ano naman iyang secret consequence na iyan?"

Marie grinned. "She will leave this mansion wearing nothing else but her underwear."

Kaya pinanood na lang ni Efren ang pag lock ni Maddie sa wardrobe.

Nagpatugtog na ulit ang DJ at sumayaw na naman ang mga tao.

"Why not ask my sister for a dance?" bulong na pasigaw sa kanya ni Marie.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat