Chapter Twenty-Four - Summer Outing

2.9K 49 1
                                    

Iritang-irita si Matilda habang nag-eempake ng mga gamit. Hindi niya na kasi mapagkasya ang mga ito sa iisang backpack. Kaya naman nahirapan siya mamili kung ano ang iiwanan na lang niya sa bahay.

Isang araw lang naman ang summer outing nila. Pagpatak ng alas-singko ng gabi, babalik na sa university amg lahat para mag-headcount bago umuwi ng bahay. Hindi sumama lahat ng estudyante sa outing pero marami pa rin naman sila kaya in-assign ni Efren ang leader ng bawat grupo para sa headcount. Dahil lima ang bus nila, lima rin ang leader. At ang mga leader na iyon ay ang mga piling professors sa university nila na hindi KJ at trip sumama sa outing nila.

Sinundo siya ni Efren, pero as usual, nakaparada ito ng tatlong lote ang layo mula sa bahay nila. He helped her carry her bag and let her get inside the car first.

"Are you excited? Summer outing na, woooo!" sigaw nito bago ini-start ang sasakyan.

Nakabusangot lang ang mukha ni Matilda na hindi naman pinalagpas ni Efren.

"Oh? What is wrong, Matti?" nag-drive na ito. "Hindi ka ba excited?"

"Excited," matamlay nitong sagot. She rolled her eyes.

Naningkit ang mga mata ng lalaki. He kept stealing glances at Matilda. Her arms were crossed.

"Matilda," naging seryoso na ito, "ano ang problema?"

"Bakit kasama natin sa bus si Courtney?"

"Lahat ng second year students nasa iisang bus, Matti."

"So? Alam mo naman na inaagaw ka niya sa akin."

Hindi naman talaga iyon ang ikinaiirita ni Matilda. Bigla na lang niya naisip si Courtney.

"So din? Kailan ka pa naging threatened d'un?" he snickered a little. Naiinis na ito pero natatawa na lang din dahil all of a sudden Matilda was acting out of her character.

"I am not threatened." Sinundan niya iyon ng pag-hmph.

Hininto ni Efren ang kotse at hinawakan ang baba ni Matilda. He made her turn her head to face him. Efren studied her reaction before he pressed his lips against her lips. She quickly kissed back and happily pulled away from him.

"Hey," nakangiti na si Matilda sa kanya na para bang walang nangyari. "What is that kiss for? Mag-drive ka na, male-late na tayo sa summer outing!" Kinanta pa nito ang pagkakasabi sa summer outing.

Nangunot na lang ang noo nito.

"Y-Yeah," napilitan na lang si Efren na ngumiti. Then he just ignored the weird feeling and laughed cheerfully."Let's go."

Nagkita-kita ang lahat sa university at sumakay na sa assigned bus nila. Pagka-check ng mga professors ng attendance nila, nagsimula na ang byahe nila papuntang Batangas. Masaya ang lahat ng second year students dahil ang bakla na Marketing prof na si Professor Vicky, na ang totoong pangalan ay Victor, ang bus leader nila. Marami itong tsika at ginawang pang-ookray sa ilang kasama nila sa bus.

Nakitawa lang sa kanila si Efren at pasilip-silip kay Matilda na buong byahe na natulog nang nakasandal aa balikat niya. He kept on kissing her forehead everytime he would happen to stare at her face.

"Oh, itong si Mr. President," nagbunganga na naman ang non-stop bunganga ni Professor Vicky. "Halik ng halik sa noo ni girlfriend. Ikaw, ha, baka kakahalik mo mabuntis na yan."

Nagkatawanan lang ang lahat. Napangisi na lang si Efren at namura nito si Miggy na tumayo mula sa kinauupuan nito sa likuran nila para lang batukan si Efren. Hindi na nakaganti dito si Efren dahil nakasandal sa kanya ni Matilda.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now