Chapter Six - The Conflict (Updated)

3.3K 66 0
                                    

Sinamahan na siya ni Efren hanggang sa kwarto ng papa niya sa ospital na iyon.

Napatingin si Hermes at ang mga magulang ni Matilda sa kanila pagkapasok nila. Tila may pinag-uusapan ang mga ito ng maabala nila. Noon lang naalala ni Matilda na nakalimutan pala niya na kumatok dahil sa pagmamadali na makita kung okay na ba ang papa niya.

"Oh? Tapos na ba ang party?" tanong ni Hermes sa kanila.

"No." Humakbang na si Matilda palapit sa ama niya na nakahiga lang. Naiwan si Efren sa pinto na nakatayo. "I just got worried sa SMS mo, Kuya."

Hermes shook his head. "You don't have to bring him along."

Ang tinutukoy ni Hermes ay si Efren, kaya naman dinepensahan agad nito si Matilda.

"It is me who offered to take her here. Hindi niya kasi ma-contact yung driver niya."

"That's so kind of you," singit ni Israel kaya nagulat si Matilda. "But as you can see, I told Hermes to tell Matilda to drop by here so I can tell her something very important."

"Sorry, Sir," tipid na ngiti ni Efren. "I guess, I should go then--"

"No," pigil nito sa kanya. "Nandito ka na rin lang naman, siguro mas mabuti na pati ikaw ay may alam sa sasabihin ko."

Nangunot ang noo nito, maging si Matilda ay nagtaka kung ano ang kinalaman ni Efren sa gustong sabihin ng kanyang ama.

"Close the door, please," patuloy ni Israel. "Habang kalmado pa ako."

Efren did what he just said and approached them closer. He felt like a human alone in a tank submerged in the deepest sea and surrounded by sharks.

"Kinamusta ko si Hermes kanina," panimula ni Israel. "At nabalitaan ko nga na ikaw ang date ng anak ko sa party niyo."

Efren nodded.

"Why?" he asked. "Why did you ask her out?"

Nanlaki ang mga mata nito. Iyon? Iyon lang ang pag-uusapan nila dito?

"She's my friend," he answered with a sigh. "She has no date, so do I. So I asked her out."

"If she wants to be your date, bakit siya pumunta kina Abby?"

Efren narrowed his eyes on Matilda. "Di ko alam. Ang alam ko lang ay may usapan kami na siya ang magiging date ko."

Napaubo saglit si Israel. "Sa totoo lang-- Efren Castillo, right?"

He nodded.

"Sa totoo lang, Efren, ayoko na dumidikit ka sa anak ko."

He swallowed. What did I do? Nagsusumbong ba si Matilda sa papa niya?

"Why?" Efren had the guts to ask.

"Dahil ahas ang kapatid mo. At ang kapatid ng ahas ay ahas din, 'di ba?"

Tila umakyat lahat ng dugo sa ulo niya. "Don't you call my brother a snake."

Sarkastikong ngisi ang sinukli ni Israel sa kanya. "Maangas ka rin pala."

"Dahil pinaparatangan mo ang kapatid ko."

"Do you even know why I am here?" umiinit na rin ang ulo nito. "It's because of him!"

Napaatras si Efren dahil hindi nito inaasahan na sisigawan na siya ng ama ng date niya.

"Papa," Matilda tried to calm him. Panay naman ang hagod ni Isa sa dibdib ng asawa para mag-slow down ang breathing nito.

"Now get out! And get out of my daughter's life too!"

***

Kausap ni Efren sa cellphone si Clark na hindi na nakapasok dahil nagka-hang over ito nung nag-inom ito sa party. Bukod kasi sa Valentine's party nung Saturday, may pinuntahan pa itong party nung Wednesday, so when Thursday came, heto at hindi na siya nakabangon sa hinihigaan.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz