Chapter Seven - First Rejection

3.1K 58 0
                                    

"Ano?" tanong ulit ni Matilda.

Habang hinihila siya ni Efren papunta sa balcony ng building na iyon hindi na ito tumigil sa kakasalita, panay ang tanong niya kay Efren kung saan siya nito dadalhin at ano ang pag-uusapan nila.

He pushed her against the balcony at binakuran siya ng mga braso nito. The closeness made her feel uncomfortable.

"Tell me, ano ba talaga ang nangyari? Ano ba ang nagawa ng kuya ko sa tatay mo?"

Ngumisi lang siya. "No, you tell me, may crush ka sa akin, no?"

Natigilan ito. Then he laughed.

"The fuck, Matilda, bawas-bawasan mo ang pagiging feelingera, pwede?"

She blushed. "Excuse me! Sa mga pinagsasasabi mo kasi kanina nakakahinala ka!"

"Hindi ka dapat naniniwala sa mga sinasabi ko," he leaned his face closer to hers. "Alam mo naman na puro biruan lang ang ginagawa nating dalawa. Binibiro lang kita, ikaw lang naman ang pikunin sa akin."

Pati ba yung paghalik niya sa akin, biro lang iyon para sa kanya?

Pati yung pagcomfort niya nung umiyak ako sa may fast food, biruan lang iyon sa kanya?

What are you even thinking, Matti? So what if he's just fooling around? You already know that damn well!

He lifted up her chin to make her eyes meet his. "So now tell me, what have my brother done to your dad?"

"Why don't you ask your brother?"

He grinned wider. "As if he will tell me. Sabihin mo na lang ang nalalaman mo."

"Ano ang mangyayari pag sinabi ko sa iyo?"

"We will solve their problem. Or suggest a solution to them."

"Para ano? Para makaaligid ka sa akin? Para mabully mo na naman ako?"

He snickered and whispered in her ear, the closeness was making his body press against her. "Yes. Because I enjoy doing that. You have been avoiding me since Monday, the boredom kills me."

"Sa mga pinagsasasabi mo, talagang mapapagkamalan kitang may crush sa akin."

"Ipagpalagay mo na oo. Oo, gusto kita."

"Well, let me get this straight, Efren. I don't like you," tulak niya rito para makabalik na siya sa classroom.

***

Rejection. It was one thing that Efren already knew how to take very well. Anytime kasi na mago-offer siya ng tulong pag may problema sa bahay, lagi na lang siya nasasabihan na huwag na siya makialam. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang ina dahil ang ama niya ay laging nasa trabaho. Kung wala naman ito sa trabaho, ang kuya naman niya na si Jude ang inaasikaso nito.

Para sa mga magulang niya, bata lang si Efren, kaya naman hindi siya pinaaako ng malalaking responsibilidad ng mga ito. Dapat nga ay masaya siya sa ga'nun, pero hindi. He felt useless, he felt the need to achieve something. Kaya naman lately, tumakbo siya sa Student Concil as president at pinagbuti na niya ang pag-aaral.

Matilda's rejection for him was something he still could not believe. Sa totoo lang, wala siyang naramdaman man lang. Marahil sanay na siya sa rejection nito sa kanya. Lagi naman kasi ganoon pag nag-aasaran sila, lagi naman itong naka-disagree sa kanya.

Why did I even said that I like her?  sapo niya sa noon niya. Do I even really mean it?

He opened his cellphone and looked at Marie's picture in his phone's gallery. Naka-volleyball uniform ito na t-shirt at short-shorts.

I like her. I like Marie. Why do I settle down with Matilda por que hindi ko maabot si Marie? Am I that desperate to feel accepted?

Ilang minuto rin siya nasa sarili niyang mundo bago pa dumating si Miggy sa pizza restaurant na iyon. Umakbay ito kay Efren.

"Heeey!" bati ni Miggy sa kanya. "Mukha kang Biyernes Santo diyan?"

Efren let out a sigh. "I did a foolish mistake."

Tumawa lang ito. "Sanay na ako, what is it this time?"

He groaned and laid his back flat against his seat. "I told Matilda that I like her."

Nanlaki ang mga mata nito. "May gusto ka kay Matilda?"

Napapikit ito ng mariin. "Wala! No! I don't know."

I don't even know anymore. But when she avoids me, it is killing me. I know that I should be doing something like annoying her and ruining her day and seeing her so pissed off at me which just looks so funny.

"Akala ko ba kay Marie ka?" lapit nito kay Efren sa kinauupuan nito.

He let out a sigh. "I don't know."

"Ganito na lang," ngisi ni Miggy. "Baka kulang ka lang sa party-party. Masyado ka na kasing nagseryoso sa pag-aaral eh, ibang-iba ka na sa Efren na katropa namin nung high school, eh. Why don't you come to Courtney's party this Friday?"

"Courtney's party?" he glanced at his friend. "Sinagot-sagot ko siya kanina eh. Baka naman ipatapon lang ako n'un palabas."

Tumawa lang si Miggy. "Ako ang bahala sa iyo, p're. I am sure na nandoon si Marie, ate niya 'yun eh. Then, alam mo na, with a little alcohol, you might be able to have the guts to make a move, p're."

Ngumisi na rin si Efren sa wakas. "Maybe, you are right."

Minsan talaga may mga matalik tayong kaibigan na hindi mo malaman kung ang advice nila ay makakabuti o makakasama lang sa atin. Everything they said would always seem to sound like a good idea, even if their motives are good.


Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now