Chapter Eight - Tango

2.8K 47 0
                                    

Efren heard someone laugh. Gabi na pero naisipan niya na mag-ikot-ikot muna sa barko bago ang salu-salo. Hindi na siya nagpalit ng damit dahil hindi naman siya nagbaon ng pamalit.

Sinundan niya ang pinanggalingan ng tawa. He saw a woman facing the ocean with a cellphone on her ear.

"See you tomorrow, baby. I missed you so much."

Nakaramdam siya ng kakaiba sa dibdib niya. Tila huminto ang paghinga niya at sinampal siya ng malamig na hangin galing sa dagat.

"I love you too, baby."

Pagkasabi niyon ay lumingon na ang babae. It was too late for Efren to hide, he was actually caught off-guard.

It was Matilda.

"Why are you here?" he asked.

Lagi niya itong pinapasadahan ng tingin kapag nakikita niya ito. Naka-bun ang buhok nito at mag suot ito na maliit na cap na kulay asul. Nakasuot ito ng uniform ng staff ng Casa Vida na kulay sky blue na may puting stripe na nakayakap sa hubog ng katawan nito at hanggang kalahati lang ng hita nito ang haba ng palda. It was partnered with a pair of white high heels. He saw every detail with the help of the bright light post.

She's talking to her man in my own ship! his eyes narrowed on her. How can she say she loves him after what I did to her last night?

Hindi nahagilap ni Matilda ang sasabihin dito. Kahit siya man ay nagulat nang nalingunan niya ito. Hindi pa niya napaghahandaan ang mga sasabihin dito.

He stepped closer to her. "I said, why are you here?"

May sumulpot na crew at nilapitan si Efren.

"Sir, pinapahanap po kayo ni Sir Miggy. Nasa may ballroom area na siya."

Efren quickly changed his facial expression.

Paano niya nagagawa iyon? Matilda wondered. Ang madilim nitong anyo ay napalitan ng isang nakangiting mukha.

"Oh yes, nagpapatulong nga ako sa kanya kung saan ba ang papunta sa ballroom. I felt lost in this ship," tinuro nito si Matilda.

"Hey," baling sa kanya ng crew na naka-sailor's uniform pa rin. Mukhang wala itong plano na magpalit. "Magbihis ka na. Ayaw mo naman siguro ma-late sa party."

Matilda smiled. "Thank you."

She lowered her head and raced back to their cabin.

My ass is saved... for now. Napabuntong-hininga siya nang nakabalik sa siya sa cabin. Paalis na kasi ang mga kasama niya doon kaya naiwanan siyang mag-isa.

Dahil hindi pa naman talaga simula ng pagbiyahe ng Casa Vida, casual na mga damit lang ang baon ng karamihan sa kanila. Matilda pulled out her favorite orange summer dress and wore it. Hindi na siya nagpalit ng sapatos dahil nagmamadali na siya. Tinanggal na niya ang cap at nilugay ang buhok niya. She just retouched her make-up before she kept her stuff in her bag and left the cabin.

Pagdating niya sa ballroom area, hindi niya alam kung saan uupo. Yung mga kasama niya kasi sa cabin, may sarili nang table at may mga kasama na sila roon kaya naman wala na siyang mauupuan.

She chose to sit on an empty table for eight and looked around.

Parang nung college lang, ilag sa akin ang mga tao, she grinned.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now