Chapter Twenty-Six - Sugar Rush

3K 50 0
                                    

"You make me so excited and I don't wanna fight it. I start to blush, you are my sugar rush..." - A-Teens, Sugar Rush

A week later...

Nakatitig si Matilda sa tatay niya na natutulog sa hospital bed. Tumiyempo talaga siya ng bisita na wala ang mama niya. Umalis na naman ito para maghanap ng puso na pwedeng i-transplant sa papa niya.

The last time, she bought a heart from this Henry. Pagdating sa ospital, hindi nila tinuloy ang transplant dahil bukod sa hindi compatible sa papa niya ang organ, na-check na wala sa best condition ang organ na ipapalit sa puso ng papa niya. Nakuwestiyon pa tuloy ito kung saan niya nakuha yung organ dahil hindi man lang naging concerned ang pinagkuhanan nila sa blood type ng papa niya at inferior pa na organ ang binigay sa kanila. That only made Matilda sigh. Kasama kasi siya ng mama niya nung sabihan ito ng doktor tungkol doon. Alam niya rin sa sarili niya na desperado na ang mama niya kaya nahihirapan na rin ito mag-isip ng maayos. Tumataas na rin ang bill ng papa niya sa ospital pero matigas ang ulo ng mama niya, ayaw niya itong pauwiin. Ayaw nito ipa-discharge ang papa niya.

She saw how hard her mother cried the night after that revelation. Hindi biro ang halagang binayad nito para sa puso na iyon. At hindi rin biro ang hirap nito sa paghahanap at ang pagkapit sa patalim.

Matilda even made posts on her Facebook account. Maging siya kung kani-kanino na rin humingi ng tulong.

Abby made a proposition na sa US na ipagamot ang papa niya, kaya lang sa kondisyon nito, kahit ang pagbiyahe ay risky.

Bumalik na ang isipan ni Matilda sa kasalukuyan. Hinawakan niya ang kamay ng papa niya.

We won't stop, Daddy. Ayaw man sabihin ni Mama kung ano ang specific mong sakit, I will still help to make the heart transplant possible.

A teardrop rolled on her cheek. Ang hirap pala ng ganito, Daddy. Everything is in chaos without you. Mama is almost having an emotional breakdown already. Hermes is getting too drowned in solitude and work. Kahit anong kagustuhan ko na yakapin sila, Papa, lumalayo sila sa akin. Kahit rin ikaw, Papa. You have been treating your little princess so cold since you found out from that Courtney bitch na boyfriend ko na si Efren.

Efren is a good guy, Daddy. He is also able to tolerate my mood swings. He makes me happy during these stressful times. Kaya heto ako at nakakapag-isip pa ng maayos-ayos. He has that magic, Daddy. The look in his eyes secured me, his embrace calms the chaos you caused me and his kisses make me feel like I am flying when I almost thought that I am already drowning in troubles. I even wish I also have that kind of magic, Daddy. Siguro kung mayroon ako n'un, maybe I will be able to cheer up Mama and Kuya Hermes. Maybe I could have changed their mood. Maybe nakatulong man lang ako sa paraang iyon kahit papaano...

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now