Chapter Ten - The Trap

3.1K 53 0
                                    

Naglalaro na ang mga ilaw nang huminto ang sasakyan ni Matilda sa tapat ng gate nila Courtney. Nakasuot lang siya ng jeans at puting t-shirt. Naka-ponytail ang mahaba niyang buhok at nakabagsak lang ang full bangs. Her only accessory was her dangling feather earrings.

Binasa niya ang SMS ni Abby, on the way na raw ito.

"Buti pinayagan ka ng daddy mo," baling sa kanya ng kanyang driver, nakatingin ito sa kanya mula sa salamin sa uluhan nito.

"Ano ka ba, kay Courtney namang party ito, no. She's my best friend so it's no big deal for him." Pababa na siya pero natigilan siya sa sinagot ng driver niya.

"Hindi ko gusto yung best friend mo na iyon."

Ang driver niya ay si Anthony, 38 years old na ito at may histura. Tahimik lang ito sa sasakyan pag may kasamang iba si Matilda, pero pag si Matilda lang ang kasama nito, nagsasalita rin ito. Pili-pili nga lang ang mga sinasabi nito, pero makahulugan. 

"Nobody likes us, Anthony," ngisi niya, "kaya nga 'di ba, bitch daw kami?"

Natawa lang ito ng kaunti. "Mas mabait ka naman sa kanila, Matilda."

Tinawanan niya ang driver. "That is not how I want to be described, Anthony. But thank you."

Bumaba na siya ng sasakyan at pumasok sa gate. Maingay na ang party, marami na rin ang nasa loob  na nagsasayawan, nagtatawanan at nagdadaldalan.

Where am I supposed to find Courtney? singit ni Matilda sa mga nadadaanang tao.

Pumasok siya sa living room nila Courtney. Mukhang matagal ngang out of town ang parents niya. How wild this party is!

Iisang oras pa lang sila nagpaparty kasi pero makalat na ang paligid, marami na ang maharot kung sumayaw, may mga nagsasakayan na sa sofa pero sumasayaw lang naman sila at hindi kung anong milagro ang ginagawa. Pero alam ni Matilda na pwede iyon humantong doon pag hindi pa sila nahimasmasan.

May nagtitilamsikan din na mga drinks dahil may mga party-goers na nagwawagayway ng hawak nilang mga bote ng alak at soft drinks. 

She checked her SMS. Nabasa na lang niya na nasa party na si Abby at hinahanap siya nito.

Matilda replied na nasa living room siya nila Courtney. Dahil sa gaslaw ng mga tao, natulak siya ng isa sa mga sumasayaw kaya napaatras si Matilda. Napalingon siya nang may mabangga siya sa likuran niya. Whoever that was, she did not like it that he held her waist and kept her firmly against his chest. So she pushed him to be able to turn around to face him.

The figure stood six feet tall and looked down to her. His eyes sparkled with every color of the party light that reflected in it.

Naningkit ang mga mata ni Matilda, hindi niya kasi agad nakilala ang mukha nito. Then she realized who it was.

"Efren?" she gasped. Dahil sa ingay ng paligid, walang nakarinig ng kanyang naibulalas.

"How's the party?" halos pasigaw na nitong tanong sa kanya. He leaned close to her ear to be heard clearly.

"I just arrived!" sagot niya habang tinatanggal ang kamay nito sa bewang niya. "You don't have to touch me there!"

He placed his hands back to her waists and pulled her closer. "I have been here for a while, their playlist is really boring!"

"Then leave!" Matilda rolled her eyes. Pinipilit pa rin niya na alisin ang mga kamay nito sa bewang niya. 

"Why should I?" dikit ni Efren sa mga labi nito sa tainga niya. "The fun part is just beginning."

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now