Chapter Twenty-Eight - Indecisiveness

2.5K 40 0
                                    

Nag-echo sa isipan ni Matilda ang sinabi ng doktor na positive siya sa pregnancy test.

Can we try again, doc? B-Baka nagkamali lang yung test...

Naalala niya na positive lang din ang kinalabasan ng pangalawang test. Magsi-six weeks na raw siyang buntis. Matamlay na bumalik sa sasakyan si Matilda at nagpahatid kay Anthony sa bahay.

"Kamusta ang check-up, ma'am?" tinanong iyon sa kanya ni Anthony nang nasa kalagitnaan na sila ng byahe.

"Okay naman..." she lied to avoid the topic.

"Masama pa ba ang pakiramdam mo, ma'am? Akala ko nga eh, okay ka naman kasi nananaba ka naman eh."

She let out a sigh. Kanino ko ito unang sasabihin? Anong gagawin ko? Efren doesn't want a baby. Mas lalo na siguro sila papa...

What should I name you too? Hinaplos niya ang tiyan niya at tinitigan ito. Why did you arrive too soon, baby? Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.

Should I tell Abby? Oh, delikado. Panigurado kokomprontahin niya agad si Effy pag nalaman niya ito.

Effy. Siya ang mas dapat na makaalam nito... Pero nung nag-usap kami kanina... It makes me feel that... hindi niya matatanggap ito...

"Anthony, hanggang anong oras kaya gising si Papa?"

"Ewan ko, ma'am. Pero gising pa siya ng mga alas-siyete ng gabi. Gan'ung oras kasi nagpapahatid si Ma'am Isa sa ospital."

"Mga alas-sais kaya, pwede mo ba ako ihatid sa ospital ulit? I want to talk to dad."

"Sige, ma'am. Kung hindi maagang magpapasundo si Ma'am Isa."

***

Efren's phone call was finally answered after a lot of his attempts.

Hello?

"Hello, Kuya. Are you busy?" pumuwesto si Efren sa may balkonahe ng penthouse. Nakatanaw lang siya sa may malayo.

Nasa biyahe pa naman ako for a meeting. Make it quick, lil' bro.

He rolled his eyes. Ayaw na niyang matawag kasi na little brother.

"Kuya, I need help. I need an organ, a heart to be specific, for a heart transplant."

For whom? Hindi tayo basta-basta na lang naghahanap ng organs, Efren. Dapat compatible yung organ sa taong kakabitan nito.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt