Chapter Fifteen - Matilda's Dilemma

3.2K 52 0
                                    

Nang nakatulog na si Ephraim sa kwarto ni Matilda, nakababad na siya sa cellphone kausap si Abby. Kinuwento niya rito ang tungkol kay Courtney at sa mga napag-usapan nila.

"What should I do?" nagpapanic na tanong niya kay Abby pagkatapos niya magkwento.

Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh, tell Efren the truth already!

Napabuntong-hininga siya. "He's not answering my calls."

I will ask Miggy what's going on with Efren, okay? O bakit hindi mo na lang itext sa kanya yung totoo?

"Come on, Abby, ayoko mag-risk. Baka hindi niya mabasa o baka hindi niya lang ako replyan."

Fine, fine. Pero tingin ko iimbitahan ni Courtney si Efren sa party na iyan. Kaya pumunta ka doon, okay?

Napapikit ng mariin si Matilda. "I will be there."

Humiga na siya sa tabi ng anak. Naging magulo ang isip niya simula nang umuwi siya sa Pilipinas. Isang bagay lang naman ang klaro para kay Matilda, may nabubuhay pa rin na galit para sa kanya si Efren dahil sa pag-alis niya ng walang paalam. Alam din nito na may anak na siya, hindi pa nga lang nito alam na siya ang ama. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, he still wanted to touch her, he wanted to do dirty things with her. Nung una, nagulat siya, she tried to stop him. But then she realized that she had to take it. Kahit minsan natatakot si Matilda, hindi na niya tinanggihan iyon. She took the pain and pleasure wholeheartedly. Inisip niya na marahil lalambot ang pakikitungo ni Efren para sa kanya kung ipapakita niya rito na handa siyang magpaalipin sa mga yakap nito at mga halik. But he ended up resorting to violence. Hindi na rin niya in-approach si Efren after that night that he spanked her dahil nagulat pa rin siya sa pangyayari na iyon. They made love after that spanking, but he stopped in the middle of it. Hindi maintindihan ni Matilda kung bakit, she was too drowned in pleasure when he suddenly distanced himself from her.

Enough with choosing the perfect timing, Matilda. You have to act fast.

***

Saturday, Fresnedi Residence...

It was like a small college reunion party. May mga nasalubong si Matilda na naging kaklase nila nung college. Hindi na niya kilala yung iba pa roon na marahil ay sa ibang lugar na nakilala ni Courtney o mga naging kaklase nito sa ibang subjects. Iginala ni Matilda ang mata sa paligid, wala na roon  ang wardrobe na sinira ni Efren nung nag-Seven Minutes in Heaven siya roon kasama si Josh. That was also the last time that she had been in Courtney's house, but the memory was still clear.

Nakasuot siya ng high heels at asul na dress, wala namang tema kasi ang party ni Courtney. She just threw a party to celebrate her homecoming from France. She said she just wanted to catch up with her friends, with almost hundreds of her friends who came to that party.

Nahanap na rin niya sa wakas si Courtney. Nakasuot ito ng pink na stilletos at pink na tight dress. She was checking her wrist watch when Matilda approached her. Tila may hinahanap ang mga mata nito sa mga taong nasa party na nagtsitsismisan na nang batiin ito ni Matilda.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now