Chapter Twenty-Five - Summer Outing 2

2.8K 41 0
                                    

Nasa dalampasigan na si Matilda, sa lilim ng mataas na coconut tree at kinakalikot ang DSLR niya. Nauna na siyang pumunta roon pagkatapos kumain kasabay ng lahat ng estudyante na present sa summer outing.

"Huwag kayo mag-agawan, guys, hindi pa end of the world!" narinig niyang saway ni Professor Vicky sa ibang estudyante na nagbu-boodle fight pa sa mahabang table na ini-set sa harapan ng kubo.

Matilda sighed. Inisa-isa niya lahat ng pictures sa DSLR niya. Most of them were pictures of her and Efren. Wherever they go, she would always take a couple of pictures of them being together. All of a sudden, she felt like she wanted to cry. Nakatitig na siya sa litrato ng acacia tree kung saan sila tumatambay pag gusto nila mag-relax at masolo ang isa't-isa.

"Hey, are you alright?" tumabi na pala sa kanya si Abby kaya nagulat si Matilda.

Naka-tank top na puti at shorts na kulay puti rin si Matilda. Si Abby naman suot pa rin ang pink nitong one-piece swimsuit pero nakabalot na ito ng pink na tuwalya.

"I am okay," suminghot si Matilda. "Just looking at some pictures."

"Hindi ka yata kumain masyado."

"Nalalansahan ako sa isda," ngumiti lang si Matilda sa kaibigan. Hindi lang naman isda ang ulam sa boodle fight pero hindi maintindihan ni Matilda kung bakit hindi niya gusto ang mga pagkain.

Abby shrugged her shoulders. "Well, how's Efren? Ano ba ang pinag-awayan ninyo kanina?"

Matilda rolled her eyes. "Oh, that... Biruin mo, he got angry because I wore a swimsuit!?"

"What? Just because of that?"

"You see? Ang irrational 'di ba? Anong gusto niya, mag-swimming ako ng naka-pajamas?"

Abby's mouth dropped open in disbelief. Moments ago,she just saw the most beautiful black-stringed bikini and how she loved it and how it looked on Matilda. Sigurado siya na may mga napatingin dito kasi sino naman ang hindi mapapatingin? Matilda had a body to die for, too.

"Ang sexy mo kaya kanina, girl!" napanguso na lang si Abby. "Tsaka it is your favorite bikini! Of course, you will want to wear it on a day like this!"

"You see what I mean?" Matilda groaned. "Grabe talaga, he's sooo ewan!"

***

Siniko ni Miggy si Efren sa tagiliran kaya nailuwa nito ang pagkain na naka-stock lang sa bibig nito.

"Eeew! Ano ba yan, Effy?" automatic na reaksyon ni Ashton na katabi ni Efren sa boodle fight na iyon. Nahulog kasi yung niluwa ni Efren sa tabi ng kamay nito. Nanguya-nguya na pa naman iyon ni Efren bago niluwa.

Natawa lang naman sila Miggy at Clark.

"Ang layo kasi ng tingin dun, oh!" ngumuso si Miggy, pointing to the direction where Matilda and Abby sat under the coconut tree.

"Asus," patay-malisya na ini-swipe pahulog ni Ashton ang pagkain na niluwa ni Efren sa buhanginan. "Ano ba kasi ang nangyari kanina? Nasalubong ko kanina si Matilda na naka-bikini kanina tapos may dalang damit tapos parang galit."

"Pinagpalit niya ng damit, men," ngumisi si Miggy. "Protective si Lolo." Pagkabanggit ng lolo, tinuro nito si Efren.

"Sayang, pang-model pa naman si Matilda, no?" sinabi iyon ni Ashton habang ngumunguya.

"Protective nga si Lolo," pang-aasar na naman ni Miggy kaya nabatukan na ito ni Efren. Muntik na siya sumubasob sa pagkain sa harapan niya kaya naman nagtawanan lahat ng nakakita doon.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now