Chapter Twenty - The Fight

3.1K 48 0
                                    

Umuwi si Matilda na may mahiwagang ngiti sa mga labi. As usual, Efren stopped three lots away from their house. He finally held her by the nape and kissed her forehead, then her lips.

"I will talk to your dad. I promise," he smiled at her.

"Thank you." Medyo kinabahan pa rin si Matilda dahil sa kondisyon sa puso ng kanyang ama pero nangako naman si Efren na kakausapin niya ito kapag maayos-ayos na ang lagay nito. He was wiliing to wait.

"I love you, Matti."

"I love you too."

Sa usapang iyon nagsimula na maging opisyal ang lahat. Sila na. Naging mabuti na boyfriend sa kanya si Efren, lagi siyang hinahatid sa bahay pauwi dahil ang Kuya Hermes ni Matilda ang naghahatid sa kanya sa university bago ito pumasok sa kumpanya nila.

They spent most of their free time with each other. Efren would always eat lunch with her and as usual, he would ask Miggy to distract Abby for them to be alone. Lingid sa kaalaman nila na sumasama na ang loob ni Abby kay Matilda at napagbalingan nito ng galit si Miggy sa pamamagitan ng pagtataray.

Pagkatapos na pagkatapos nilang mag-exam, Matilda was inside Efren's car again.

"Where are we going?" nginitian niya ito habang nagi-start ito ng sasakyan.

The car's engine came to life. Efren returned her smile.

"Alam ko, masakit sa ulo ang naging finals week natin at dugong-dugo na ang utak natin, kaya naman we will relax."

Inilabas na nito ang sasakyan sa parking lot ng university.

"Saan naman?" Kinandong ni Matilda ang backpack niyang maliit na kulay pink.

"Iyon ang magiging surprise ko for you."

Nakita ni Matilda na pumasok na naman sila sa gate ng mansyon nila Efren. She blushed at the memory of making love with him in their library room. It was the first and last time they did that. During the finals week, they focused on reviewing and answering test papers. After the day, they would talk about their exams and comfort each other. Sinabihan nila ang isa't-isa na makakapasa sila at mananatili sa dean's list.

Efren drove his car over the green grass of their huge landscape. By huge, it meant hectares of land. May nadaanan silang mausoleo pero wala man lang binanggit si Efren tungkol dito. Iniliko ni Efren ang sasakyan sa likod ng isang bundok at inihinto ito sa tapat ng isang puno.

Sa kabilang side ng maliit na bundok na iyon ay may mas malaki pang landscape na nilatagan ng berdeng damo. May mga puno dito at mga namumulaklak na halaman.

"Wow," Matilda gasped as she got out of the car. "Sa inyo rin ito?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko sure. Kaya patago ako pumunta dito eh."

Ang may bakod lang kasi sa lupain nila ay ang sides nito at front gate. Hindi na nabakuran sa bandang likuran dahil sa bundok na nakatayo rito. Mukhang wala namang may-ari ng lupain na nasa likuran ng bundok. Sa totoo lang kasi, lingid sa kaalaman ni Efren na hanggang sa paanan lang ng bundok ang sakop ng pagmamay-ari ng pamilya nila.

Inakbayan ni Efren si Matilda at dinala ito sa ilalim ng puno ng akasya. Some of its yellow leaves were falling like gold coins in that cold, cloudy afternoon.

Humiga sila sa ilalim ng puno na iyon. Napapikit si Matilda. She inhaled the fresh scent of the air and smiled.

"Ang presko dito. Ang tahimik pa."

"See?" tumawa na ito. "I told you, relaxing dito."

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" lingon niya kay Efren.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora