† Kabanata 20 †

Start from the beginning
                                    

Hinigit naman niya agad ang kamay ko. "Hindi ka pa nga pwedeng bumalik do'n! Delikado pa."Inis niyang sabi.

"Tsk! Bitawan mo'ko! Kaya ko naman ang sarili ko eh!"

Natawa siya.

"Kaya? Pinagloloko mo ba'ko?! Eh mangiyak ngiyak ka nga kanina tapos sasabihin mong kaya mo?!"Hindi na'ko nakapagsalita ng sabihin niya 'yon.

Inirapan ko lang siya dahil na speechless ako eh! Tsk! Okay! Tama naman siya eh!

Hinigit na niya 'ko ulit at pumasok na kami. May tatlong babaeng receptionist ang sumalubong sa'min at nagbow ito sa harap namin.

"Hello, Sir Yoshio. Sino siya? Girl friend niyo?"Malambing na tanong nung isang babae tapos tumingin sa'kin ng nakataas ang kilay. Aba't! Sarap kalbuhin ah.

Inirapan ko 'to. Girlfriend? Yun na ata ang pinaka-nakakadiring salitang narinig ko.

"Di karin chismosa noh?"Iritang sabi ni Yoshio sa kanya.

Natawa naman ako. Napatungo lang yung babae sa kahihiyan at nagsorry ito kay Yoshio. Hahaha! Nice. Wala talaga 'kong masabi sa paggiging suplado niya.

Hinila na muli ako ni Yoshio at pumasok na sa elevator.

[ 9nth floor: Room 112 ]

Atlast. Andito narin kami sa tapat ng condo niya. Pumasok na kami.

Pinagmasdan ko ang loob. Malinis...mabango...at maganda.

Napakaclassy tingnan. Halos lahat kulay puti. Naalala ko nanaman yung napanaginipan ko kanina nung nasa Hospital ako. Nasa langit daw ako tapos nameet ko si MJ tapos yung matandang wirdo. -__- Sows! Ayoko na maalala 'yon. Kinikilabutan ako.

May tatlong espada naman ang nakasabit sa dingding na kung di ako nagkakamali ang mga 'yon ay isang ...buke-zukuri.

"Psh"Hindi halata na kulay puti ang favorite color niya dahil sa ITIM NG BUDHI NIYA!

"Asdgjg!!! Ano ba?!"Siraulo talaga 'to! Hagisan ba daw ako sa mukha ng twalya!?

Napansin ko na iba na ang suot niya. Nakasando siyang itim na fitted sa katawan niya tapos nakaboxer. Mabilis kong inalis ang tingin ko. *Gulp*

(<.< ).....Ba..bakat kasi eh. ...

( >.>)

Yung ano, Ash?

Yung ano... yung...abs tas ..yung... *gulp*..sa boxer...ashdgj!!! Ewan!

"Maligo ka. Mangamoy aso pa 'tong condo ko."Sabi niya. Binuksan niya ang tv at umupo sa sa sofa dito sa sala.

Asjhmgdi!!!

"Leche!"Sigaw ko. Inamoy ko naman yung kili-kili ko tas yung damit ko.

Di naman e.

Tinanong ko naman siya kung sa'n ang cr dito. May kalakihan kasi 'tong condo niya, mga doble ng laki ng apartment ko, ganun. Syempre, dahil sa napakagandang kausap nitong Pokemon na'to eh hindi na'ko nagtaka sa sinabi niya. "Hanapin mo."O diba? 'Yan yung mga taong masarap kausap eh. Sarap ding supalpalin. =__=

Dahil sa banas ko, mabilis akong lumapit sa kanya habang bisi itong nanonood ng basketball at kinonyatan ko siya agad at mabilis na tumakbo papunta kung saan. Narinig ko pa siyang nagmura sa galit.

Napansin ko na nandito pala 'ko sa kusina. Maganda...malinis.

May nakita akong pinto dun kaya lumapit ako at binuksan 'yon. At ....BULAGA! may multo. De wala! Banyo lang. -_-

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now