Chapter Twenty-Eight - Indecisiveness

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yes, I know, I know," sinuklay niya pataas ang buhok niya. "So I am asking where we can get one."

The Rodriguez can handle that, Efren.

"What?"

Papunta ka pa lang, pabalik na ako, Efren. I may not be around you, but I am always updated on what's going with you. Don't get me wrong, Efren, but that is the last thing on my mind. Ayoko na galitin pa ang mga Rodriguez, so let them be with their problems.

"Please naman, Kuya. I am doing this for Matilda."

I know. Pero hindi tayo pwedeng makialam. Tatanggihan lang ng mga Rodriguez ang tulong natin. Ang pinaka-ayaw nila sa lahat ay ang magkaroon ng utang na loob sa atin.

Napatiim-bagang na lang si Efren. He clenched his fist and pressed it hard against the balcony's marble.

"Then we can pretend na hindi galing sa atin ang tulong, okay, Kuya? Kay Matilda ko ipapabigay yun--"

Efren. Listen to me. The best we can do is to stop meddling with their personal problems.

"This is your fault, Kuya," may bahid na na ng galit ang boses nito pero nanatili itong kalmante. "Alam mo ba iyon?"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kapatid niya sa kabilang linya.
Nobody knows about Israel's health condition, Efren. At huwag kang magpa-brainwash sa pamilyang iyan dahil it is never our fault. I am elected to be CEO of their company, pinagbotohan iyon. Pangalawa, kahit na si Israel ang may-ari ng kumpanya, may kahati siya sa ownership, his co-founders which includes me. Everyone decided what will be best for the company. Sana inisip rin niya iyon kaysa sa sarili niyang pride.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon