Chapter Eleven - Breakthrough

Começar do início
                                    

Nirereto ba ako ni Marie sa kapatid niya?

He just shrugged her off. Efren found himself walking towards the wardrobe.

***

Patuloy pa rin sa panlalaban si Matilda nang dilaan siya sa leeg ni Josh. Pinagtutulakan niya ito kaya naman pareho na silang pawisan sa loob ng wardrobe.

"Tulong!" sigaw niya habang inaalis ang mga braso nito na yumayapos sa kaniya.

Tinawanan lang siya nito. "Ang ingay sa labas, Matilda. Walang makakarinig sa iyo."

"Let me go!" Tinutuhod na rin niya ito pero sa hindi malamang dahilan ay nakakailag ito.
Sinikmuraan na siya ito kaya napadaing si Matilda.

"Huwag mo na akong pahirapan," buga nito sa mukha niya ng hininga nito na amoy alak at sigarilyo na pinaghalo. "Mabilis lang naman ito."

She heard him unzip his pants kaya naman mabilis siyang nag-isip kung paano siya makakahingi ng tulong sa mga nasa labas.

Kailangan kong mauga itong wardrobe. Hindi ko magagamit ang cellphone ko dahil bago pa ako makatawag kay Abby makikita na ito ng hayop na ito.

Kaya naman tinukod niya ang mga kamay sa pinto ng wardrobe. Tinulak-tulak niya ito. Hinablot na siya ni Josh kaya napalaban na naman siya. Hanggang sa bumagsak na nga pataob ang wardrobe.

Natigil ang party at nagkagulo ang lahat. Dahil sa ingay ng sounds, may mga nadaganan ng wardrobe dahil hindi nila napansin ang pag-uga nito.

Tinigil na muna ang tugtugan at tinulungan muna nila ang mga naipit ng wardrobe. Agad na napasugod si Efren. Nung naglalakad pa lang kasi siya palapit sa wardrobe ay pinigilan ito ni Miggy at dinaldal siya. Nung bumagsak ang wardrobe, napasugod agad siya.

Dahil nasa ilalim ang pintuan ng wardrobe, tinadyakan na lang ni Efren ang likuran nito na napaibabaw dahil sa pagbagsak nito pataob.

"Nooo!" sigaw ni Marie pero huli na. Nasira na sa ilang tadyak ni Efren ang wardrobe nila na nung 1960's pa pinagpapasa-pasahan ng pamilya ng Fresnedi. Alam ni Marie na lagot sila pag-uwi ng parents nila.

"Tulong!" tili ni Matilda kaya napayuko si Efren para hilain ito palabas.

May mga tumulong na rin. Inilabas naman nila si Josh at nagulat siya dahil nakabrief na lang ito.
"Papatayin kitang rapist ka!" tadyak ni Matilda kay Josh na mahilo-hilo pa dahil sa kalasingan at sa pagkakabagsak.

Doon na tuluyang nagdilim ang paningin ni Efren. He pushed Matilda behind him and pulled Josh up.

Pagkatayo ni Josh, sinapak na niya agad ito na mas lalong ikinagulat ng mga naroroon. Hindi pa nakuntento doon si Efren. Tinadyakan pa niya ito at hinila ulit patayo para suntukin. Kaya naman inawat na siya ng mga naroroon.

"Ano ba, Efren!" sumigaw na si Marie sa sobrang galit at pagkapahiya sa mismong party nila. "Papatayin mo ba si Josh?"

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "You heard Matilda, right? She called him a rapist. He tried to rape her inside that wardrobe."

Napaluha na lang si Marie. It was her only way to get sympathy from people when she had no other choice. Niyakap agad siya ng mga kaibigan at pinatahan.

Kumawala si Efren sa mga umawat sa kanya at nilingon si Matilda. Nakita niya na nakayakap na rito si Abby. Tila baligtad ang reaksyon ng dalawa. Si Abby ang umiiyak at nakayakap kay Matilda. Nanatili lang naman na nakatayo si Matilda at hinahagod ang likod ng kaibigan. Efren saw her staring straight at him.

Nilapitan niya ito para yakapin pero pinalo lang nito ang kamay niya palayo.

"Don't touch me," malamig na banta nito sa kanya.

Ano na naman ang nagawa ko? titig niya kay Matilda na palabas na ng living room na iyon kasama si Abby.

Courtney touched Efren on his arm, "Hey, are you okay--"

"Don't touch me!" singhal niya rito bago sinundan sila Matilda.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora