“Talagang sinusubukan mo ako.”

Tumayo ito at hinila ang buhok ko patayo tsaka idinikit ang pisngi ko sa isang salamin. Kita ko ang mukha kong puno na ng dugo mula sa pambubugbog na ginawa sakin ni Agatha. 

“Look at your face. Ang panget mo na. Hindi ka na magugustuhan ni Love kaya dapat mamatay ka nalang kasi wala ka ng kwenta pa sa mundong ito.” Idinuldol pa nitong maigi ang mukha ko sa salaman na dahilan para lalong mgasgas ang mukha ko dito. “Tignan ko lang kung pagkatapos kong iumpog ang mukha mo dito sa pader eh makalaban ka pa sakin.”

Hinila niya muna ang mukha ko palayo sa salamin. Pumikit ako para hindi ko makita kung malapit na bang tumama ang mukha ko sa salamin. Masakit kaya ‘yun. Ng biglang parang kumalas ang pagkakahawak ng kamay ni Agatha sa buhok ko at bumagsak ito sa sahig. Wala na itong malay.

“Ayos ka lang ba, Allie?”

Si Icee pala ang tumulong sakin. Gamit ang malaking bato ay hinampas niya si Agatha sa ulo. Nakarinig na ako ng putukan mula sa labas.

“Nakatawag na siguro ng tulong si Chinee.” Bulong sakin ni Ice habang patuloy kaming naglalakad paalis sa lugar na ito. Salamat naman at ligtas na si Chinee.

Sa pagbaba namin ng hagdan ay nakita namin si Eros na medyo dehado sa dalawang kalaban. Iniupo ko muna si Icee sa may gilid tapos ay kinuha ko ang isang kahoy at ipinukpok sa isa sa mga kalaban. Piagtulungan namin ni Eros ang isa pa.

“Allie, ayos ka lang? Nasaan si Icee?” nag-aalalang tanong nito.

Tinuro ko si Icee at agad itong pinuntahan ni Eros. Agad nitong inalalayan ang kapatid para makatayo.

“Paano niyong nalaman na nandito kami?” I asked.

“Tinawagan ni Ryan si Love kaya nalaman namin kung nasaan kayo. Lagot sakin si ang Ryan na ‘yon pag nakita ko.”

“I already called the poli—Icee?”

Tumingin ako sa bagong dating. Si Arthur (twh). Agad nitong dinaluhan si Icee na hawak ni Eros.

“What happened? Who did this to you?”

“Medyo napag-initan kami ni Agatha kanina.”

“She’ll pay for this.” Binuhat nito si Icee. “Let’s leave.” Nauna na itong lumabas bago kami sumunod ni Eros ng may maalala ako.

Tinawagan ni Ryan si Love kaya nalaman namin kung nasaan kayo

Love?  “Nasaan na si Love?”

“Nagkahiwalay kami kaya hindi ko na alam kung nasaa—Allie!”

Agad akong tumakbo pabalik. Hahanapin ko si Love. Baka kung mapano ito dahil sakin. Ayokong may mangyaring masama dito dahil sa akin. Ayokong hindi na naman matuloy ang love story namin.

Tumigil ako sa isang sulok dahil nakarinig ako ng kaluskos.

“Mga gugong talaga kayo! Dalawang babae lang natakasan pa kayo.” Boses ni Ryan. “Hala! Hanapin niyo sila!”

Narinig kong papalayo ang yabag ng marahil ay mga tauhan ni Ryan at Agatha. Dahan dahan akong gumalaw para makaalis doon kaso ay may nasanggi ako dahilan para mahulog. Bakit ba laging may nahuhulog kapag ganitong sitwasyon?

Narinig ko ang papalapit na yabag kaya naman dali dali akong naglakad papunta sa may dulong pinto ng biglang may humawak sa bewag ko at takpan ang bibig ko.

Titili na sana ako ng marinig ko ang pamilyar na boses.

“Allie ako ‘to.”

Love?

My BIG Transformation (another ending)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें