Chapter Six - The Conflict (Updated)

Start from the beginning
                                    

"Tinanong mo na ba ang kuya mo?" tinanong sa kanya ni Clark pagkatapos niyang ikuwento ang nangyari sa ospital.

"Hindi pa," buntong-hininga niya. Konti lang ang kagat niya sa malaking burger na in-order niya para sa lunch break niya. "Pero bakit ko naman tatanungin si Kuya? Panigurado naman na business lang ang pinag-awayan nila nung tatay ni Matilda."

"Well," gumulong si Clark sa kabilang side ng higaan nito, "ano naman kung pinalalayo ka niya kay Matilda, 'di ba? Eh 'di layuan mo na lang. Hindi naman kayo friends, n'un or something."

"We are friends."

"Kaya binu-bully mo siya?" tawa nito. "Come on, Efren, wala namang purpose sa iyo si Matilda. I mean, you don't need her to run the SC, you don't need her to get good grades or anything. Hindi rin naman natin siya kabarkada. Para lang siyang filler sa manga story mo, you know. Pasulpot-sulpot lang. Yung tipong may essence pa rin ang life story mo kahit wala siya."

Naningkit ang mga mata nito. "So iyon ang tingin mo kay Matilda?"

"Bakit? Ano ba talaga siya para sa iyo?"

Napabuntong-hininga si Efren. "I told you already, she's a friend."

"Eh may conflict ang kuya mo at ang tatay niya eh," Clark groaned. Medyo nakukulitan na ito sa katigasan ng ulo ni Efren. "Dumistansya ka na lang para wala ka nang sakit sa ulo. Simple lang naman ang solusyon sa pinoproblema mo."

"Eh ayoko nga sabi, eh!"

Wala na siyang narinig na sagot mula kay Clark. Nakatulog na naman kasi ito.

He already disconnected the call. Tama naman si Clark. She has no significant role in my life. I can distance myself from her.

Pagkatapos kumain, dumeretso na si Efren sa susunod niyang klase. Inihanda na niya ang sarili sa posibilidad na magkikita sila roon ni Matilda dahil magkaklase sila sa subject na iyon.

Dumating na si Matilda at umupo sa lagi nitong inuupuang arm chair na malapit sa bintana. Umupo naman si Efren sa arm chair malapit sa pinto ng classroom.

Pagkatapos ng klase, hinayaan lang niya na daanan siya ni Matilda. Hindi rin siya nito pinapansin.

Bakit? Ano ang nagawa ng kuya ko sa papa niya? Napakabigat ba para magkaganito?

Hindi na niya napigilan ang sarili na habulin si Matilda.

"Matilda!" pihit niya rito paharap sa kanya.

"Ano? 'Di ba sinabihan ka na ng daddy ko na layuan mo na ako?"

Napailing saglit si Efren. "Oh really, Matilda? Can't you approach me a little nicer? Hindi ko naman kasi alam kung ano ang nagawa ng kuya ko sa papa mo."

Halatang galit talaga sa kanya si Matilda. "Whatever it is, he almost killed my dad, Efren. Inatake ang papa namin dahil sa kuya mo."

"I am sure na hindi iyon sinadya ni Kuya Jude, Matilda. He might be a cold person but he's not as cold hearted as that! Remember Ellen? She's your friend, right? But my brother loves her very much."

Napapikit lang saglit si Matilda. "I. Know."

He let out a sigh. "So bakit kailangan nating madamay sa alitan nilang dalaw?"

"Look, Efren," she stared into his eyes. "My daddy doesn't want me to be associated with anyone from the Castillo family. It includes you. At saka, pabor naman sa akin ito dahil finally, matatahimik na ang buhay ko."

Tila nagdilim ang anyo nito. "So ako lang pala ang nag-eenjoy sa biruan natin."

"Biruan?" She scoffed. "Hoy, Efren, alam mo at alam ko at alam ng buong university na binubully mo lang ako. Alam naman nating lahat na ikaw lang ang nag-eenjoy sa pinaggagagawa mo!"

She quickly turned on her heels amd walked away from him. Ang nasa isip ni Matilda ay ang susunod niyang subject.

***

Akala mo, ha. Buti na lang at hindi ka na ngayon pwede lumapit sa akin. May maganda na akong dahilan. Ito ang nasa isip ni Matilda pagkaupo niya sa arm chair para sa susunod niyang klase. Matagal ko na rin itong hinihintay, ang tigilan mo na ang paninira sa bawat araw ng pagpasok ko dito sa university!

Lumapit sa kanya si Courtney kaya napatingala dito si Matilda. Umupo si Courtney sa arm chair na katabi ng arm chair niya.

"So, Matilda, you said na puro kalandian lang ang Valentine's party, huh?"

Hindi nagpatalo si Matilda sa kanyang ex-best friend. "Wala na nga si Efren, ikaw naman ang pumalit para sirain ang araw ko."

"Why? You dumped him after he generously brought you to the Valentine's party?"

Ngumisi si Matilda bago ito natawa. "Ang hilig mo mag-assume. As you can see, may utang na loob siya sa akin, pumayag ako maging date niya para hindi siya maging isang kahihiyan sa party na iyon."

Courtney displayed her most devilish grin and glanced at the boy standing by the classroom door. Malapit si Efren sa kanila at narinig nito ang lahat ng sinabi ni Matilda.

"Well, is that true, Efren?"

Gulat na napalingon dito si Matilda. Kanina pa ba siya nakatayo sa pinto?

Efren gave her a deadly stare before he replied to Courtney. "I don't care whatever her reason is. I like her, so I will keep on dating her even if the Valentine's party is over."

Tila may kung anong atomic bomb na sumabog sa classroom na iyon at napasigaw ang mga nakarinig sa sinabi ni Efren. Napasigaw sila sa tuwa, napasigaw sila sa kilig. Nagkagulo na ang lahat.

"Whoa," napaatras si Courtney, naging alanganin ang ngiti. "Seryoso ka ba? You don't even know the real Matilda."

"I don't care," he answered grimly before he pulled Matilda by wrist.

"Ano ba?" nagpumiglas siya kay Efren pero nahablot lang nito muli ang kamay niya.

"May 15 minutes pa tayo para mag-usap."

At hinila na siya nito palabas ng classroom na iyon.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Where stories live. Discover now