Chapter 44

122 5 41
                                    

Hirap hehe.

-------------------------------

Ran Away

Ilang linggo na ang lumipas matapos ang nangyari. Haley never visited me again. She didn't even send me a message nor give me a call after the incident. It's like I'm all alone again.

But then, the most important thing is that she will be okay. I hope. Because if not, I will move heaven and earth  just to make her happy again. Even if it means I'll sacrifice my own happiness.

I made myself busy with our business. Tinutulungan naman ako ng mga tito ko sa pamamahala. I also visited our factories and they introduced me as one of the owners of the company. But most of the time, I'm just in the office reading and approving some of the proposals for our business venture and new policies.

It's now been three months simula nang umuwi ako ng Pilipinas. Wala na kaming communication ni Haley. Hindi narin updated ang Facebook account niya kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Gusto ko siyang i-text or tawagan man lang, but then I remembered, who am I to her? I may be her friend, but then she has Dimitri. Ayokong mag-away sila nang dahil sa akin.

Inilagay ko ang cellphone ko sa dashboard dahil nag-green light na. Papunta ako ngayon ng airport para sunduin sina Mommy. Nakalabas na si Remelly sa rehab at gusto niyang makauwi na sa Pilipinas kaya pinagbigyan sila ni Daddy. At ngayon, buong pamilya ulit kaming magkakasama dito.

Napahilot ako sa sentido ko nang dahang-dahang tumigil ang mga sasakyan. Damn it. Thirty minutes nang naghihintay sina Mommy sa airport. Pinapunta ko narin ang driver namin sa airport pero maging sila ay maaaring naipit din sa traffic.

Nag-ring ang cellphone ko at nakita kong si Joella ang tumatawag. Sinagot ko iyon.

"Kuya! Where are you!" she asked, irritated. I sighed.

"I'm stuck in traffic, Joella."

"We're hungry already."

"Then eat! Jeez. Where's Mom?"

Hindi na siya sumagot. Narinig ko na agad ang boses ni Mommy.

"Job, where are you?"

"Hi, Mom. I'm stuck in traffic. Kumain nalang muna kayo diyan. I'm sorry."

"It's okay, hijo. Ikaw? Have you eaten?"

Napasapo ako sa noo ko. I haven't eaten anything yet. But it will make Mommy worry so I just said yes. Tinapos din naman agad ni Mommy ang tawag. I just reminded them that in case the driver arrived earlier than me, doon nalang sila sumakay.

Kumalam ang sikmura ko. Tinignan ko ang paligid at nakakita naman ako ng isang burger stall sa may gilid ng kalsada. Ibinaba ko ang salamin ng kotse ko at sinigawan ang isa sa dalawang tindera doon.

"Hey! Can I buy some?" I squinted my eyes. I, then, wore my wayfarers because the heat of the sun is too much to bear. One of the ladies walked towards my car. She smiled widely.

"Hi, Sir. Ano pong gusto niyo?" mahinhin niyang tanong habang nakangiti.

"Two cheeseburgers nalang," sabi ko. "And mineral water."

Kumuha agad ako ng 500 pesos para hindi na siya bumalik ulit kapag ibinigay na niya ang order ko. Pagkabigay ko ay sinigawan niya agad ang kasama niya.

"Genesis! Dalawang cheeseburgers, bilis!" Humarap siya ulit sa akin. "Saglit lang, Sir ha."

I smirked. "I can wait but I don't think the traffic will, any moment from now."

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon