Chapter 39

112 5 28
                                    

Light chapter lang. Ayokong mastress tayong lahat :D

-----------------------

Scared

"Condolence."

Pinagmasdan ko si Tito Ricardo na nakikipag-usap sa mga nakikiramay. Tipid lang niyang nginingitian ang mga ito at tinatanguan. Tinignan ko rin si Richard na kausap din ang iba pang mga dumadating na nakikiramay. Tahimik lang si Joella sa tabi habang yakap-yakap ang paboritong damit ni Tita Matilda. Si Remelly naman ay katabi ng isang lalaki na tinatahan siya habang nakayakap.

At si Job. Si Job ay nakatulala lang sa kabaong kung saan nakahimlay si Tita Matilda.

Everything happened so fast. One moment, Tita Matilda was okay. Noong araw na nagising siya ay nagagawa pa niyang ngumiti habang nag-uusap kaming lahat. Kahit na hindi siya makagalaw ay pinipilit niyang ngumiti.

We were so happy that she was okay. Pero saglit na kaligayahan lang pala iyon.

I looked at Job. I'm hurting to see this side of Job. Para bang bigla siyang nawalan ng buhay. Naalala ko iyong nangyari sa kanya noon. Noong nawala si A, nawalan din siya ng ganang mabuhay.

And now his mother's gone, I'm afraid that Job will be back on that side of him again.

I closed my eyes. What is your will, Lord God? I'm hurting that the love of my life is hurting, too. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Alam ko, masakit na mawala si Tita Matilda. Hindi Kita dapat tanungin kung bakit Mo iyon ginawa, Panginoon. I know, you have plans, my Lord.

Napadilat ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin. Agad kong niyakap si Job at hinalikan sa sentido. Akala ko ay iiyak siya pero hindi. Yumakap lang siya sa akin. Walang imik na parang wala siyang buhay.

Hindi na rin ako nagsalita. Ipinaramdam ko nalang sa yakap ko na hindi ko siya iiwan.

Do not leave Job no matter what.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Tita sa akin. Pinilit niyang sabihin sa akin iyon. Marahil ay tanggap na niya na mangyayari sa kanya ito. At kung natanggap na niya, kailangan din naming tanggapin.

Tutuparin ko ang ibinilin sa akin ni Tita. Dahil mahal na mahal ko si Job.

Hinayaan ko lang si Job na nakayakap sa akin. Pinapakiramdaman ko lang ang paghinga niya sa leeg ko. Pero naramdaman kong nabasa ang parteng iyon ng katawan ko. Mas niyakap ko siya dahil doon.

"Job..." bulong ko at mas niyakap siya. Umalog ang mga balikat niya at alam kong umiiyak na siya ngayon. Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak.

Ayokong nasasaktan siya dahil nasasaktan din ako.

"I miss my mom," bulong niya at mas niyakap ako. "Why is this happening, Genesis?"

I remained silent. Hindi ko masagot ang tanong niya dahil maski ako ay hindi ko alam. Nobody knows what God's plan is. All we have to do is to trust Him.

"Tita Matilda is now at peace, Job. Hindi niya gugustuhing ganito ka. She's happy now with our Lord."

"Why does He have to make me miserable all the time?"

"No, He's not. Look at the bigger picture, Job." I cupped his cheeks and looked at him. "Maybe the Lord doesn't want Tita Matilda to suffer anymore. Alam kong mahirap, Job. Pero 'di ba mas mahirap kapag makikita natin si Tita na mas mahihirapan pa?"

Napailing siya at tuloy-tuloy parin ang pagdaloy ng luha. I can feel his pain he's feeling right now.

"Kinuha na niya noon si A. Ngayon si Mommy." Nag-igting ang panga niya. Tinignan ko siya nang mataman sa mga mata. Tipid ko siyang nginitian.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now