Chapter 31

113 6 18
                                    

Her

I went out crying from Papa's office. Alam ko na ang totoo. Hindi ako makapaniwalang itinago nila sa amin iyon nang matagal na panahon.

And what hurts me the most is that they don't have any plan to tell us the truth.

Nagmadali ako sa pagbaba. Ayoko na silang makausap. Papa disowned me because I chose Mommy, my real mommy. I compromised. Sabi ko ay mananatili ako sa kanila basta't makakasama ko rin si Mommy pero hindi pumayag si Papa. Gusto niyang layuan ko ang tunay kong ina. Mama cried so hard because of Papa's decision, but I don't care. Madre ako at hindi ko na kailangan pa ng yaman nila.

I love Mama. I really do. Hindi ko lang talaga maatim na wala silang balak sabihin na si Cora Zabala ang tunay kong ina. Kung hindi pa nila ako binisita kasama si Mateo sa kumbento ay hindi ko malalaman ang totoo.

The truth will really reveal itself in its right time. And that day has come to us.

"Ate?"

Palabas na ako ng mansyon nang marinig ko ang nakababata kong kapatid. Sixth smiled at me and I saw her blue eyes twinkled. Later on, her twin, Fifth, ran after her. He saw me and I saw his green eyes widened.

"Ate!" sigaw nila. Niyakap ko sila. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. I miss them so much.

Hindi ko parin makalimutan ang araw na dumating sila sa buhay namin. Papa came home with the twins from a business trip. Sabi niya ay inampon niya daw ang dalawa dahil namatay na ang mga magulang nito.

Naaalala ko parin ang pakiramdam na pagdududa lalo na nang nakikita kong kahawig din naming magkakapatid ang kambal habang lumalaki sila.

Ngayon, ang pagdududa na iyon ay wala na. Because it is already confirmed.

Fifth and Sixth are our real siblings. From another mother. Masaya ako na tunay ko silang kapatid kay Papa. Pero hindi ko maiwasang masaktan lalo na't hindi nila alam ang tunay nilang ina. At walang balak ang mga taong nakapaligid sa kanila na malaman ang totoo.

"Your dress is funny!" Hagikgik ni Fifth. Natawa ako, pilit na hindi mapaiyak sa harap nila. I tapped his cheek.

"Ate, dito ka na ulit? I miss you already," Sixth pouted. I kissed the tip of her nose.

"I can't. I'm serving God, remember? So I have to live in the convent. You can always visit me if you want."

Tumango lang siya. Inilahad niya ang mga braso niya.

"I'm hungry." Napangiti ako dahil alam kong gusto niyang magpabuhat. Ginawa ko naman iyon at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Oh, ang bigat mo na!" Tawa ko. They're already six years old.

"Ate, me too," hila ni Fifth sa damit ko. Natawa ako. Pero lumingon na siya sa likuran namin.

"Kuya!" Tumakbo si Fifth papunta sa Kuya niya. Nagulat si First nang makita ako.

Ibinaba ko ang kapatid ko. "Sixth, kayo nalang muna ang kumain. Mag-uusap lang kami nj Kuya, okay?"

"Okay!" Bibo nilang sagot at tumakbo na papuntang kitchen. Kumunot ang noo niya.

"May pag-uusapan tayo?" Nagtataka siya pero nakangiti. Nag-igting ang panga ko.

"Alam mo, 'di ba?"

Ngayon ay nawala ang ngiti niya. Mas kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

"That we're not Mama's children. That we're product of surrogacy." I straightly said. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now