Chapter 3

152 9 14
                                    

Genesis


"We already miss you, Gen. Please come back."

Napatigil ako sa sinabi ni Dimitri. Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi niya. They miss me?

But they should not. I hurt them. I hurt them by leaving. And they also hurt me. They hurt me by feeding me lies.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Iniharap niya ako sa kanya at nakita ko ulit, sa kabila ng mahabang panahon, ang isang malungkot na Dimitri. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"I understand that you're mad because it's my fault, Genesis. Pero sana mapatawad mo na ako. Tama na 'to, please. Let's end this."

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kapag naaalala ko ang mga ginawa nila, lalo na siya, hindi ko maiwasang magalit nang sobra. Alam kong masamang magtanim ng galit. Naituro 'yan sa akin at nasa Bibliya siya. Pero kahit na ganoon, kahit na sinabi na iyon ang tama, bakit hirap parin tayong mga tao na sundin kung ano ang nararapat?

"Hindi ko alam, Dimitri." Ang tangi kong nasabi at tinalikuran na siya. Pinahid ko ang tumakas na luha mula sa mga mata ko. Just when I thought the pain was gone, doon ko mas naramdaman na nandoon lang siya. Hindi nawawala. Hindi nababawasan.

Hanggang sa makauwi ako ay iyon ang naiisip ko. Kung hindi lang ako pinitik ni Trinity sa tenga ay hindi mawawala ang naiisip ko.

"Anak, okay ka lang ba?" tanong ni Nanay na katabi ni Trinity. Nakakunot ang noo nila parehas sa akin. Bumuntong-hininga ako.

"Wala."

"Anong wala?" singit ni Trinity. "Sister Gen, lumabas ka lang ng kumbento, naging sinungaling ka na."

Hinampas ko siya sa kamay at umaray siya nang napakalakas.

"Nay, oh!"

"Nay ka diyan? Hindi kita kapatid," irap ko sa kanya.

"Grabe! Bumalik ka na nga lang ng kumbento!"

"Trinity, tama na 'yan," saway ni Nanay. Pinagdaop niya ang mga palad niya at yumuko kaya napailing nalang ako. Kulit. Bumuntong-hininga si Nanay.

"Napapagod ka na ba, anak?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Nanay. "Nay naman."

"Gen--"

"Hindi." Mariin kong sabi. Oo, gusto kong bumalik bilang madre pero hindi ko kakayaning hindi alagaan si Nanay. Mahihiya ako sa Panginoon kung babalik ako bilang madre at maglilingkod sa kanya na nahahati ang isip ko. Gusto ko, kapag bumalik ako doon ay buong-buo na ulit ang maibibigay ko. Pero sa ngayon, kailangang gumaling ni Nanay.

Nahihirapan kami ngayon pero alam kong lahat ng nangyayari ay may rason. Walang bagay na nangyayari dahil wala lang. Everything has a reason, a purpose. And just because we don't know the reason doesn't mean we should stop looking for it.

"Matulog ka na, Nay. Hindi ka na pwedeng magpuyat," sabi ko para matapos na ang usapan na 'to. Hinalikan ko siya sa noo at pumunta na sa kusina para ligpitin ang mga dapat pang ligpitin. Naramdaman kong sumunod si Trinity.

"Gen."

"Oh?" 

Sumandal siya sa sink at humalukipkip. "Kinausap ako ni Dimitri."

Inilapag ko ang plato na hinuhugasan ko.

"Aalis na daw siya."

Napatingin ako sa kanya. "Ano?"

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now