Chapter 20

116 9 37
                                    

Family

The Feast Day was indeed a success. Maraming nag-enjoy at maayos naming nagawa ang lahat ng activities. Plus, naging mas close pa ang YOSP and I could see that they are now closer to God.

Nagtulungan kami sa pag-liligpit ng venue. Ang YOSP Bataan naman ang bahala na sa paglilinis. Iniligpit lang namin ang mga kaya naming ligpitin para mas mapadali ang ginagawa nila. Kailangan rin naman kasi naming umalis agad kasi baka maipit kami sa traffic. Nang matapos ay nag-check na ng attendance sina Trinity at Beca para malaman kung kumpleto na sila at walang maiiwan. Inilagay naman ni Job ang mga gamit ko sa sasakyan niya.

Napapangiti ako kapag naiisip ko si Job. I feel like a child having her first crush. Nandito lang naman siya sa paligid pero kapag nakikita ko siya ay parang ilang taon ko siyang hindi nakita. There's this longing feeling and the satisfaction when you see him smiling at you. Kahit hindi siya magsalita ay napapangiti na ako. Hindi ko nga alam kung natanggal ba sa mukha ko ang pag-ngiti.

"Kumpleto na. Gora na us!" sigaw ni Trinity. "Gen! Stopover muna sa gas station ha?"

Tumango ako sa sinabi niya. Sumakay na siya sa L300. 'Yong sinasakyan naman nina Beca ang nauuna.

"Let's go?" anyaya ni Job. Tumango naman ako at pumunta narin sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Napangiti ulit ako.

Hay. Hindi na ata matatanggal ang ngiti ko.

"Are you sleepy? You didn't take a nap earlier."

I was tapping my fingers on my knees when he talked. I looked at him and he was also smiling. I smiled back.

"Okay lang ako."

"Sure?"

"Yup."

Tumango siya at ngumiti ulit.

"Can you turn on the radio, love?"

I pouted a little to show my disagreement with that love thing. But I can't deny the fact that he has awaken the butterflies in my stomach again.

"Stop calling me that," mahinang sabi ko pero ginawa ko narin ang utos niya. I heard him chuckled.

"I told you I'm not going to do that. You don't know how much I'd love to call you love in public, pero naisip kong hindi pa tayo." Binigyang diin niya ang salitang pa. Uminit ang pisngi ko. Parang siguradong-sigurado siya na magiging kami nga. Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang mapangiti.

Sabi ni Trinity, magpakipot daw ako. Ikinuwento ko kasi sa kanila ni Beca ang napag-usapan namin ni Job. Huwag daw agad bumigay para makilala ko pa siya nang mas maigi. 

Pero paano ba 'yon? Kasama ba sa pagpapakipot ang pagpigil ng ngiti?

"But that doesn't mean I won't call you love  when we're together." Kinagat niya ang labi niya na para bang nagpipigil ng ngiti. Ngumuso ako.

"Masyado kang mabilis," sabi ko. Bahagya siyang lumingon sa akin pero malaki parin ang ngisi.

"Quicksilver is my spirit animal that's why I'm fast," aniya at tumawa. Nanliit ang mga mata ko. Hmm...

"So ganyan ka rin sa iba mong babae?"

Tinaas niya ang kilay niya. "Hindi naman ako ang naghahabol. Sila. Ikaw lang ang hinahabol ko."

Natawa ako. "Ang yabang mo pala."

"What? I'm just stating the truth!"

Napailing ako. "Magkaparehas kayo ng mga kapatid ko. Ang yayabang."

Sinking Deep (Z SERIES #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora