Chapter 37

114 5 19
                                    

I Love You

I love you, Ate!

I love you, Ate...

I love you...

Ate...

Ate!

Ate!

Napabalikwas ako ng bangon. Ilang saglit akong nakadilat sa kawalan matapos ang panaginip na iyon. Panaginip kung saan wala akong makita. Madilim. At ang tanging naririnig ko lang ay ang mga salitang iyon. Pagkatapos ay bumalik ako sa realidad. Sa realidad na wala na ang mga kapatid ko. Sa realidad na mas madilim pa kaysa panaginip.

At wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak.

Images of them flashed in my head. Their smiles. Their laughter. Their kisses, hugs and touches. Inches of them. All of them. In just a snap, they're gone. It's been a week since we buried down our little bundles of joy. The bundles of joy that gave us tears.

Memories of the tragedy seem like an unhealed wound. It keeps on bleeding and you won't know when it is going to be healed. Or is there a time that they will be healed? Is this our punishment? Because we didn't care of each other's existence because of our wrong decisions?

Ito ba ang kapalit, Panginoon? Kinuha Mo sila sa amin para malaman na hindi lahat ng bagay ay umiikot lang sa sarili niyo? Na may tao pang nagmamahal sa amin pero binaliwala namin iyon?

Hindi matigil ang iyak ko. I miss them so much. I still can't believe that my siblings are now gone. Hindi ko na sila makikita at makakasama pa. And missing them is a painful process of moving on... I don't know if I will be brave. Being brave is forgetting all the pain. Forgetting the pain means forgetting my siblings. And I don't want that to happen...

Tumayo ako sa kama at nag-ayos ng sarili. I want to see them.

Tinignan ko ang oras. Alas dos ng madaling araw. Kinuha ko ang jacket at wallet ko. Lumabas ako ng kwarto at laking gulat ko nang gising pa si Trinity, may ginagawa sa laptop niya. Kumunot ang noo niya nang makita ako pero hindi ko na pinansin.

"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong niya nang lumabas na ako ng bahay. "Genesis!"

Naglakad lang ako palayo pero nahabol ako ni Trinity. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga mata kong mugtong mugto na naman. Bumuntong hininga siya at pinahid ang pisngi kong basa na naman ng luha. May kinuha siya sa bulsa niya. Susi iyon ng kotse niya.

"Tara."

Isang salita lang ang sinabi niya pero alam kong naintindihan namin ang isa't isa. Tahimik akong sumunod sa kanya. Pinatunog niya ang itim na Wigo niya at sumakay na ako doon. Tahimik siyang nagmaneho. Tahimik ang paligid. Ang maingay lang sa puntong ito ay ang utak ko. Puno iyon ng panghihinayang. Puro sana...

Sana hindi nalang ako umalis. Sana hindi nalang ako nagmalaki na kaya ko ang lahat. Sana pinilit kong gumawa nang paraan na makasama si Nanay nang hindi iniiwan ang kinalakhan kong pamilya. Sana hindi ako nagalit. Sana hindi nangyari sa amin lahat ng ito.

Sana hindi nangyari sa mga kapatid ko ito. Sana hindi kami nasasaktan nang ganito.

Napahikbi ako at napapikit. Sobrang sakit... Lalo na kapag naiisip ko ang kinabukasang nasayang. Fifth should have been a great Pilot just like what he said. Sixth should have been a very beautiful model and a fashion designer. They should have been great just like Mama and Papa. They should have had a great future. But it was all gone.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now