Chapter 40

126 5 44
                                    

Dinner

"Huwag kang makulit!"

Napangiwi ako sa sinigaw ni Trinity. Alam kong iritang-irita na siya sa kakulitan ko. Pero mas naiirita na ako sa ginawa niya sa pagmumukha ko.

I really hate wearing make-up.

"Kayo lang naman kasi ang nagsabing mag-make up ako, eh," asik ko. Natawa si Beca na nakahiga sa kama ko at niyakap ang malaking teddy bear nina Fifth at Sixth.

Kinuha ko na iyon mula sa mansyon simula nang lumipat na kami dito sa bahay nina Nanay at Daddy Mateo, para kahit papano, sa laki ng kwarto ko ay makatabi ko sina Fifth at Sixth sa pagtulog.

"Bes, family dinner 'to, bes. Magpaganda ka bes, kahit maganda ka na bes," Beca commented. She made emphasis on the word family. It's like it is enough reason for me to wear make-up. I cringed at her.

"Tsaka OA mo, teh, huh? This is just an everyday make-up. Simple lang 'to."

Tumahimik nalang ako at hinayaan sila. We'll be having a family dinner tonight. Halos tatlong linggo na ang lumipas mula ng inilibing si Tita Matilda. Job is coping up, the same goes to all of his family members.

I'm doing my best just to make Job happy. Palagi kaming magkasama. Minsan, doon kami sa unit niya at nagmu-movie marathon; minsan dito sa bahay kung saan tinuturuan ko siyang magluto. Lumalabas din kami at namamasyal sa mall. Minsan ay sinasama namin sina Arya at Bran. Sumasama rin siya sa akin sa pagsimba at sa mga activities namin sa YOSP.

I'm trying to distract him from the sadness he's feeling, as much as possible. Ayoko ring bumalik na siya sa dating siya, kung saan nawalan siya ng ganang mabuhay simula nang mawala si A. At tinutupad ko lang ang gustong mangyari ni Tita Matilda.

May kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Bumangon si Beca para tignan kung sino ang kumatok.

"Yow, Manang! Bakit?" tanong ni Beca.

"Nandyan na po 'yong boyfriend ni Ma'am Gen," aniya. Napangiti ako agad. He's here now. I looked at the mirror and checked how my make up was doing.

"Saglit! 'Di pa tapos 'tong lipstick mo!" reklamo ni Trinity.

"Manang, susunod na lang si Gen. Salamat pows," natatawang sabi ni Beca sa kasambahay namin. Umalis naman siya agad.

"Halatang excited. Magpakipot ka naman bes paminsan-minsan. Petsum ka rin, eh," puna ni Trinity pagkatapos akong lagyan ng lipstick sa labi. Napangiti ako.

Simpleng dress lang ang suot ko. Girly, as what Trinity said. Not bad, huh?

"Magpo-propose na ba si Job?" asar ni Beca.

"Nag-propose na siya, neng. Live-in tsaka kasal. Parehas tinanggihan ng bruha."

Inirapan ko si Trinity. Ikinuwento ko kasi sa kanila ang plano ni Job na mag-live in kami, pati ang biglang pagyaya niya sa akin ng kasal. Nagulat sila parehas sa alok ni Job. Hindi ko nga alam kung bakit todo asar 'tong dalawang 'to sa nangyari kung parehas naman silang sang-ayon sa ginawa ko.

I want to know more of him, and I want to show more of me, too. We love each other and there's no need to rush. Marriage can wait, especially if we are already sure with each other.

He's the one God has given me to be my other half. I'm sure of it.

Bumaba na kami at agad kong nakita si Job na kausap si Nanay sa living room namin. Parehas silang napalingon sa amin nang eksaheradang umubo si Beca. Napatayo si Job at ngumiti.

"Yiieh~" tili ng magpinsan nang lumapit sa akin si Job at hinalikan ang pisngi ko at ang balikat ko.

He's always making sure that he gives me a kiss on my shoulder, and it makes me giddy every time he does it.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now