Chapter 19

123 7 31
                                    

GTKEO

Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinundan si Job. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang tanungin si Johnny. Am I afraid? But why am I? At ano ang kinatatakutan ko? Ang katotohanan? O ang posibilidad na masaktan ako sa malalaman?

Ano ba ang totoo? At bakit kinakabahan ako? May alam ba siya tungkol sa akin?

Sinimulan namin ang activity na parang walang nangyaring tensyon kanina. Hindi sumali si Job sa Schematics namin. Ang sabi ng ka-roommate niyang si Enzo ay nasa kwarto lang siya at nakahiga. Si Johnny naman ay umalis na nang hindi nagpapaalam. Nagulat nalang ako nang sinabi iyon ni Beca at wala na ang sasakyan niya sa labas ng simbahan.

What is going on? I want to know the truth but is it the right time? 

Kung tamang panahon na para malaman ang katotohanan na sinasabi ni Johnny, bakit maraming hadlang?

Pinilig ko ang ulo ko. I should not overthink things.

The activity has ended at around one o'clock in the afternoon. Pinag-lunch na namin ang lahat para makapag-siesta sila. Pagkatapos ng siesta ay magkakaroon ng misa pasasalamat para sa success ng Feast Day namin.

"Bless the food!" 

Nagdasal kaming lahat para makakain na. Naupo muna ako sa isa sa mga couches sa sala at pumikit. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip ng isang bagay na hindi ko muna dapat isipin. 

What is the truth? Do I need to force myself to know it? Or will I just wait for the right time it will be revealed?

Naisip ko si Job. Why is he like that? Hindi ko maiwasang masaktan dahil umalis siya imbis na sabihin niya ang totoo sa akin. He said that he likes me. Pero ganoon ka ba dapat sa taong gusto mo? Itatago mo sa kaniya kung ano ang totoo?

Pero dapat ba akong magtanong? Wala naman kaming relasyon. Tao parin naman siya. He has the right to keep what is needed to be kept until he is ready.

And he doesn't even know me so who am I to ask for the truth?

"Kain na."

Trinity nudged me. I just smiled at her. 

"Mamaya na. Busog pa ako."

"Dalhan mo kaya ng pagkain si Job? Mukhang hindi bababa, eh. Inutusan ko si Enzo na papuntahin na si Job dito pero ayaw daw niya."

I sighed. I feel bad, though. Hindi siya dapat ganito. Hindi siya nagpunta dito para sa mga bagay na tungkol sa akin. He went here to be closer to God but it was ruined by some circumstances.

"Sige." Tumango siya sa sinabi ko. Pumunta ako sa hapag para kumuha ng pagkain para kay Job.  Pumasok ako sa kusina para maghanap ng tray.

"Tay, may tray po ba tayo diyan?" tanong ko sa cook sa kumbento. Tumango naman siya at itinuro ang mga lalagyan ng plato. Nagpasalamat ako kay Tatay at pumunta ulit sa lamesa kung saan nandoon ang pagkain para kay Job. Nilagay ko na iyon sa tray. Bubuhatin ko na sana pero naalala kong may sugat si Job sa bibig. Nakita ko iyon.

Bumalik ako sa kusina para magtanong.

"Tay? May first aid kit ba kayo?"

Tumingin siya sa akin, nanliit ang mga mata. Maya-maya ay tumango siya.

"Nandoon," turo niya sa taas ng cabinet. "Para ba 'yan sa boyfriend mo?"

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.

"Tay naman. Hindi ko siya boyfriend." Tumawa lang siya pati ang mga kasamahan niyang nagluluto na puro lalaki rin. Uminit ang pisngi ko kaya umalis na ako agad. Hindi ko narin pinansin ang ibang kasamahan ko na nakatingin sa akin habang inaayos ang pagkain sa tray.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Where stories live. Discover now